Chapter 22: Doubt

109 12 6
                                    

Sky's POV

Nakangiti ako habang tinitignan si Lienne na kasalukuyang kumakain at kausap si Kate. Di ako makapaniwala. Kami na ni Lienne.

Napabuntong hininga nalang ako. Mahal ko siya pero di ko parin maiwasang malungkot. Paano pag natapos na yung misyon ko dito? Paano na 'ko? Paano na si Lienne? Paano na kami?

Alam ko namang unti-unti nang nauubos yung oras ko dito sa mundo ng mga tao at sobrang nagpapasalamat ako dahil hanggang ngayon ay di parin nagpapakita si Grandma sakin. Di ko rin talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya kapag nagkaharap kami.

Paano ko naman sasabihin sa kanya na nahulog ako sa isang tao? Na may relasyon kami ng master ko? Na mahal ko si Lienne?

Ginulo ko ang buhok ko. Taena yan! Ang sakit sa ulo!

"Hoy, Sky!"

Agad naman akong napatingin sa kinaroroonan nila Kate at Lienne. Naka-kunot ang mga noo nito habang nakatingin sakin. Ngumiti nalang ako sa kanila.

"Bakit?" Tanong ko.

"Alam mo, para kang baliw dyan. May pa gulo-gulo ka pa sa buhok mo. May problema ka ba?" Tanong sakin ni Kate.

Tumawa nalang ako. "Hahaha. Wala ah. Iniisip ko lang yung quiz kanina sa Physics." Palusot ko.

"Ah. Naku! Wag mo nang problemahin yun. Nakakastress lang sa bangs yun." Sagot naman ni Kate at sumipsip sa shake nito.

Napatingin naman ako kay Lienne na naka-kunot noo paring nakatingin sakin. Nginitian ko ito nang malapad pagkatapos ay lumapit sa kanya.

"Ano bang problema ng girlfriend ko?" Sabi ko.

Tinignan lang ako nito ng seryoso. "Wala ka bang tinatago sakin?" Tanong nito na siyang ikinagulat ko.

Tumawa ulit ako para itago ang nasa isip ko kanina. "Hahaha. Wala akong tinatago, Lienne." Sagot ko at ngumisi. Sorry, Lienne. Di ko pwedeng sabihin sayo.

Parang di parin ito kumbinsido sa sagot ko kaya hinalikan ko nalang ang tuktok ng ulo niya. "Ano ka ba, wag ka ngang nega." Sabi ko sa kanya.

Tumingala naman ito sakin para tignan ako. "Sure ka ha? Wala ka naman sigurong ibang babae diba?"

Napatawa nalang ako. "Syempre naman wala! Ikaw lang naman mahal ko." Sagot ko sa kanya. Nakita ko namang medyo napangiti ito sa sinabi ko.

"Syempre nemen wele. Ikew leng nemen mehel ke. Ikew leng sepet ne. Tse! Maghihiwalay din kayo!" Naiinis na panggagaya ni Kate.

Agad naman itong sinagot ni Lienne. "Oy! Grabe ka samin ha! Akala ko ba bestfriend tayo?" Sabi nito.

"Oo nga bestfriend tayo, sinabi ko bang hindi? Nakakabitter lang kase kayo, amputa. Wag kayo sa harap ko mag PDA, pwede? Tss." Sagot naman nito na siyang ikinatawa ko nalang.

Ewan ko ba dito kay Kate eh. Kung maka-tukso to samin ni Lienne noon, sobra-sobra na halos mabutas na nito ang lupa sa kakapadyak niya dahil sa kilig. Pero tignan mo naman ngayon? Parang papatayin na kaming dalawa ni Lienne sa kabitteran nito. Pft. Hahaha. Parang may pinagdadaanan ata ang isang to, malaman nga kung ano.

•••

Yngrid Lienne's POV

Nawe-weirduhan talaga ako ngayon kay Sky. Alam mo yung feeling na kinakausap mo siya tapos akala mo nakikinig sayo? Yun pala sobrang lalim ng iniisip? Tsk! Sobrang naiinis na talaga ako sa kinikilos niya pero ayoko namang mag away kami dahil lang sa hinala ko.

"Ang OA mo naman mag-isip, Lienne! Paano kung may problema lang pala yung tao? Tapos ikaw, puro ka hinala na may babae siya yun pala wala." Sagot sakin ni Kate.

Sinabi ko kasi sa kanya yung bumabagabag sa isip ko. Di ko na kasi keri na sarilinin yung mga iniisip ko. Mababaliw ako pag nagkataon.

"Kasi naman eh. Paano kung ayaw niya pala talaga sakin? Paano kung nagsisinungaling lang pala siya na mahal niya ako?" Sabi ko sa kanya habang niyayakap ang unan ko. Nandito kasi kami sa kwarto ni Kate. Di kami makapag-usap sa labas baka kasi marinig ni Sky.

"Narinig mo naman siguro yung sinabi niya kanina diba? Namomroblema lang yung tao sa ibang bagay. Tsaka grabe ka naman te, di ka parin naniniwala na mahal ka niya? Sa sobrang dami na nang nagawa niya para sayo tapos di ka parin naniniwala na mahal ka nung tao? Tsk. Alam mo, nega ka lang talaga. Palibhasa, first boyfriend mo eh." Sagot naman ni Kate sakin at inismiran ako.

Tinignan ko naman ito ng masama pagkatapos 'kong marinig ang huling sinabi niya. "Ang harsh mo sakin ah! Porket marami ka nang experience? Tsaka bakit ba ang init ng ulo mo lagi nitong nagkaraang araw ha? Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya.

Umiwas naman ito ng tingin sakin.

Lumapit ako sa kanya at niyugyog ito. "Hoy, Kate! Ang daya! Nagtatago kana sakin ah!" Sigaw ko sa kanya.

"Wala naman akong tinatago!" Sagot nito sakin.

"Weeh? Mamatay man?"

Umiwas ulit ito ng tingin at yumuko.

"Oh! Bakit di ka makatingin sakin? May tinatago ka nga! Sabihin mo na sakin dali! Ano pa't bestfriend tayo kung di mo naman sasabihin sakin!" Sigaw ko sa kanya.

Bumuntong hininga ito bilang pagsuko sa kakulitan ko. "Eh, kasi. Ano, naaalala mo ba si Nathan?" Sabi nito kaya napakunot nalang yung noo ko. Di ko maalala ang pangalan na yun.

"Nathan? Sino si Nathan?" Naguguluhang tanong ko.

Hinawakan nito ang dalawang pisngi niya. "Di mo maalala? Yung kinikwento ko sayong manliligaw ko na nasa ibang school? Yung kaibigan ngayon ng pinsan mong si Azy?" Sagot naman nito na ikinalaki ng mata ko.

"Ah! Oo, si Nathan Santos? Bakit? Anong problema mo sa kanya?" Tanong ko.

"Eh, diba nanliligaw yun sakin? Nakita ko kasi siya nung nasa mall tayo. Kasama yung bestfriend ng pinsan mo." Malungkot na saad nito.

"Ano?! Si Zowen? Sila ni Zowen?! Kaya ka ba ganyan kasi baka magjowa na sila ni Nathan?" Sigaw ko.

"Yun na nga eh. Tsaka, di lang naman yun ang problema ko." Nakayukong sagot nito.

Nakita ko namang parang iiyak na ito anytime kaya lumapit agad ako sa kanya at niyakap siya.

"Ano nga kasi ang problema?" Tanong ko.

"... Mahal ko na kasi siya, Lienne." Sagot nito na ikinalaglag ng panga ko.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now