Chapter 25: He's Back

199 11 5
                                    

Yngrid Lienne Tee's POV

Isang taon.

Isang taon akong naghintay sa kanya.

Isang taon rin akong nasaktan sa pag-alis niya, nalungkot sa pagkawala niya, at umasa na babalikan niya ako ulit.

Pero wala eh. Pinagmukha niya lang akong tanga sa kakahintay sa kanya.

Sa totoo lang gusto ko siyang suntukin, tadyakan, at bugbugin sa ginawa niyang pag-iwan sakin eh. Yung tipong halos mamatay-matay na ito sa sakit. Para naman maramdaman niya yung sakit at paghihirap na naranasan ko nung iwan niya ako.

Nakakaputchang pag-ibig.

Muntik na 'kong mapatalon sa gulat nang biglang may nagtapon ng tissue sa mukha ko. Agad naman akong napasimangot sa taong yun.

"Ano bang problema mo, Kate?!" Sigaw ko sa kanya pagkatapos ay kinuha ang tissue na itinapon niya sa mukha ko.

Inirapan lang niya ako tsaka sumipsip sa mango shake niya. "Kainis ka kasi eh. Kinakausap kita dito tapos bigla ka nalang nawawala sa Earth. Ano? Naiisip mo na naman siya? Aba, move-on move-on din naman pag may time, Lienne!" Sabi nito.

"Excuse me? Nakamove-on na ako no!" Sigaw ko naman sa kanya at kinain ang chocolate cake na nasa tinidor ko.

Nandito kasi kami ni Kate sa cafeteria. Walang pasok mamaya kaya dito muna kami tumambay. Bigla kasi kaming ginutom ni Kate eh.

Actually, di naman ako nasasaktan sa tuwing binabanggit ni Kate yung pag-iwan sakin ni Sky eh. Nakamove-on nako sa kanya no. Siguro.

"Ewan ko ba sayo, Lienne. Marami namang nagkakagusto sayo. Maraming nanliligaw sayo. Pero ba't ayaw mo paring buksan yung puso mo para sa iba? Ano? Naghihintay ka parin ba sa kanya?" Tanong niya sakin habang tinitignan ako.

Di ko nalang siya sinagot at inubos nalang yung chocolate cake ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng tissue sa mesa tsaka ipinahid ito sa bibig ko tsaka tumingin sa kanya.

"Wala na akong mabubuksan pa para sa iba, Kate. Wasak na wasak na eh." Maikling sagot ko sa kanya tsaka kinuha ang bag ko.

Nagkibit balikat nalang ito sa sagot ko at itinuon nalang yung atensyon niya sa kinakain niya.

"Bilisan mo na nga dyan at nang makauwi na tayo." Sabi ko sa kanya. Ang pagong kumilos eh. Tss.

"Eh ba't ka ba nagmamadali? May appointment ka?" Birong sagot nito sakin at tinaasan ako ng kilay.

Alam ko na ibig sabihin nang tingin na yan. Yung tinutukoy na niya naman ay yung kasalukuyang nanliligaw sakin. Tsk. As if naman gusto ko yung lalakeng yun, eh ang yabang-yabang nga nung mokong na yun eh!

"Wala! Gusto ko lang umuwi, bawal ba?" Sagot ko.

Tinignan lang ako nito ng nakaloloko. "Asus. Okay lang naman kung maging kayo ni Morris, Lienne. Gwapo naman talaga yung mahangin na yun. Pwede na." Sabi nito tsaka humalakhak.

"Tara na nga!" Sabi ko sa kanya. Pipihit na sana ako sa likod ko ng biglang may naglapag ng isang bouquet ng rosas sa mesa namin kaya napakunot nalang ang noo ko.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now