Chapter 21: It's Official

108 12 5
                                    

"Huling araw mo na to, Lienne. Any last words?" Nakangising sabi nito sakin.

Napatawa nalang ako. "Ganyan ka ba talaga ka weak, Britney at nagdala ka pa talaga ng mga alagad mo para bugbugin ako?"

Agad din naman itong nagalit sa sinabi ko. "Anong sabi mong babae ka?!" Sigaw nito sakin na halos sakmalin na 'ko nang dahil sa galit.

"Wag ka ngang magbingi-bingihan. Di mo naman yan ikakaganda." Sagot ko na lalong ikinagalit nito.

"Bwesit ka talagang babae ka!" Sigaw nito at agad na pumunta sa kinaroroonan ko tsaka hinablot ang buhok ko kaya agad naman akong napapikit sa sakit.

At dahil alam ko namang mapapatay ako nito kapag di ako lumaban ay agad ko ring hinablot ang buhok nito at hinila-hila ito. Natumba kami pareho sa sahig habang hila-hila parin namin ang buhok ng isa't-isa.

"You bitch! Papatayin kita!" Sigaw nito sakin habang nakapatong ito sa katawan ko. Tragis! Ang sakit humila ng babaeng to! Sanay na sanay sa gulo!

"Ano bang kasalanan ko sayo, Britney ha?!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Kasalanan ba kamo, Lienne?! Pinahiya mo lang naman ako sa harap ng maraming tao!" Sigaw nito.

Nakakita ako ng pagkakataon at ako naman ang pumatong sa kanya habang pinipigilan ng isang kamay ko ang mga kalmot nito.

"Pwes, di ko pinagsisisihan ang ginawa 'kong pagpapahiya sayo nun, Britney! Dahil nababagay lang yun sa bulok mong ugali!" Sagot ko sa kanya at sinampal ito nang ubod ng lakas.

Napatigil naman ito sa pagkalmot at paghila ng buhok ko. Tumingin ito sakin gamit ang mata nitong nagpupuyos sa galit.

"How dare you to slap me!" Sigaw nito sakin. "Girls! Ano tutunganga lang ba kayo dyan?!" Patuloy na sigaw pa nito kaya agad naman akong napalingon sa mga kasama nito na papunta sa kinaroroonan namin ni Britney.

Hinablot ako ng isang alagad nito at sapilitang ipinaalis sa pagkakapatong sa kanya habang si Britney naman ay tinulungang tumayo sa isang kasamahan nito.

Pinagpag nito ang sarili niya pagkatapos ay tumingin sakin. "Turuan niyo ng leksyon ang babaeng yan at wag na wag niyong hahayaan na makalabas pa yan ng buhay sa skwelahang to." Sabi nito at naglakad palabas ng classroom.

"Britney! Bumalik ka dito!" Sigaw ko sa kanya. Hawak-hawak ako ng dalawang alagad niya sa magkabilang braso habang ang iba naman ay nasa harapan ko.

"Ano? Simulan niyo na." Sabi ng babaeng nakahawak sakin.

"Wag! Tumigil kayo!" Sigaw ko sa kanila. Lumapit sakin ang isang kasamahan nito at ngumiti sakin ng nang-aasar.

"Paano ba yan, sinusunod lang namin ang utos ni Queen." Sabi nito at sinampal ako ng malakas sa kaliwang pisngi. Agad namanhid ang buong mukha ko sa ginawa nito. Shit! Ang sakit ng sampal niya!

Sinundan pa nito ng isang malakas na sampal sa kabilang pisngi ko. Nagsimula na ding magsilapit ang ibang kasamahan nito.

Napasigaw nalang ako sa sakit nang hampasin ako ng baseball bat sa gilid ng isang babae.

"Yan ang nababagay sa isang katulad mong pabida, Yngrid." Nakangising sabi nito at hinampas ako ulit ng baseball bat. Diyos ko! Tulong!

Di ko na alam anong gagawin ko. Sobrang sakit na rin ng katawan ko. Pinagtutulungan na nila akong lahat. Yung iba sinasampal at sinasabunutan ako, yung iba naman tinatadyakan at sinusuntok ako.

Bigla nalang tumulo ang luha ko. Sky tulungan moko.

Ilang sandali lang ay bigla nalang bumukas ang pintuan ng classroom na kinaroronan namin. Kahit na hinang-hina na ako ay nilingon ko ang taong yun.

"Lienne!" Sigaw nito.

Agad naman akong napangiti. "S-Sky." Sambit ko.

Di ko na alam kung anong nangyari. Naramdaman ko nalang ang pagbitaw sakin ng dalawang babae at ang pagtakbo nilang lahat palabas.

Napahandusay ako sa sahig. Ang sakit ng katawan ko. Hinang-hina na talaga ako. Nahihilo na rin ako.

Naramdaman ko nalang ang pag-angat ng ulo ko at ang pagyakap ni Sky sakin.

"Lienne! Lienne! Gumising ka!" Sigaw nito sakin habang tinapik-tapik nito ang pisngi ko.

Kahit na nahihirapan ay iminulat ko ang mga mata ko at tinignan ito. "S-Sky. S-Salamat a-at d-dumating k-ka." Sabi ko.

"Please, Lienne! Kumapit ka lang! Nandito na ako! Nandito na ako! Please! Dadalhin kita sa hospital!" Histerical na sabi nito sakin.

Di ko nalang siya sinagot. Bigla ko nalang naramdaman ang pagmanhid ng buong katawan ko at ang unti-unting panlalabo ng mata ko.

At bigla nalang kinain ng kadiliman ang sistema ko.

•••

Unti-unti 'kong minulat ang mga mata ko. Nasaan ako?

Babangon na sana ako nang biglang kumirot ang ulo ko. Napahawak ako dito. Sheyt! Sobrang sakit! Parang pinokpok ng martilyo yung ulo ko!

Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nasa hospital ba ako? Napatingin naman ako sa gilid ko. Napakunot ang noo ko.

"Sky?" Sambit ko habang nakatingin sa lalakeng natutulog sa tabi ko habang nakahawak sa kamay ko. Nakita ko namang gumalaw ito pagkatapos ay tumingin sakin.

"Lienne? Gising kana?" Sabi nito pagkatapos ay umayos ng upo sa tabi ko. Tinignan ako nito na may halong pag-aalala.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba? Saan? Masakit ba ulo mo? Nagugutom ka ba? Ano? Sabihin mo sakin, Lienne!" Sunod-sunod na tanong nito kaya napanganga nalang ako.

"Relax ka nga lang, pwede? Di naman ikaw yung nabugbog." Sagot ko at tinawanan siya.

Napakamot naman ito sa batok niya. "Kinakamusta lang naman kita." Sabi nito.

"Okay lang ako. Medyo masakit lang yung ulo at katawan ko." Sagot ko sa kanya.

Napabuntong hininga naman ito. "Buti nalang talaga at naabutan kita. Nagtaka kasi ako nang ilang minuto na ang lumipas at di ka parin bumabalik. Habang hinahanap kita ay bigla 'kong nakita si Britney kaya naghinala na 'ko. Buti nalang at nakita kita doon." Sabi nito at hinawakan ako sa pisngi.

Bigla naman akong namula sa ginawa nito. "Salamat nga pala sa paglitas sakin, Sky." Pasasalamat ko sa kanya.

Ngumiti naman ito sakin. "Di mo naman kailangang magpasalamat sakin, Lienne. Importante ka sakin kaya ayokong may masamang mangyari sayo. Yun nga lang nahuli ako ng dating. Ayan tuloy ang nangyari sayo. Sorry." Sabi nito.

"Ano ka ba, wag ka ngang magsorry. Di mo naman kasalanan." Sagot ko at ngumiti.

"Pinahahanap na si Britney at ang mga kasama nitong nangbugbog sayo. Expelled na sila sa skwelahan. Tsaka tinawagan ko na rin yung Mama mo. Papunta na sila dito."

Ngumiti ako. "Salamat ulit, Sky." Ulit ko.

Nabigla ako nang kunin nito ang isang kamay ko at hinalikan ito. "Mahal kita, Lienne."

Bigla nalang akong natuod sa sinabi nito. A-Ano?

Tinitigan ako nito sa mata. "Lienne. Please, be my girlfriend." Patuloy na sabi nito.

Napakurap nalang ako nang ilang beses. Bigla nalang akong may naramdamang kuryente sa buong katawan ko. Bigla nalang kumabog ng malakas ang puso ko na para bang lalabas na ito sa dibdib ko.

Ba't ko pa ba pinapatagal to? Eh alam ko narin naman ang patutunguhan nito?

Ngumiti ako sa kanya pagkatapos ay tumango. "Yes, Sky. I'll be your girlfriend. Officially." Sagot ko.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now