Chapter 14: Ignore

149 22 23
                                    

School Festival na, at dalawang araw ko nang iniiwasan si Sky. Kung ayaw niya sakin, edi si Kate nalang yung gawin niyang amo total close naman silang dalawa eh.

Kakatapos ko lang maligo at nakabihis na rin ako. Simula nung iniiwasan ko si Sky, eh ang aga ko narin umalis. Yung tipong kakagising lang nila pero aalis na ako kahit sobrang aga palang talaga para pumunta ng school. Minsan nga dumadaan nalang ako sa library para magbasa o di kaya umidlip muna.

Todo iwas na talaga ako sa kanila. Kapag kasi nagkakasama kaming tatlo ay nagiging walang silbi yung presensya ko. Nagmumukha lang akong third wheel sa kanila. Kahit nga si Kate na bestfriend ko ay di ko na rin masyadong kinikibo. Lagi naman kasi silang magkasama ni Sky at alam kong nag-eenjoy rin si Kate sa kanya.

Alam ko namang walang kasalanan si Kate pero may nararamdaman kasi akong kakaiba kapag magkasama sila ni Sky, at ayoko sa nararamdaman kong yun. Kaya kesa sumama sa kanila, edi mas mabuting iwasan ko nalang sila.

Masama na ba ako dun? I'm just doing her a favor. Halata namang may gusto siya kay Sky eh.

Pagkatapos 'kong maghanda ay agad akong lumabas ng kwarto. Nakita 'kong kakalabas lang din ni Sky sa kwarto niya kaya napatingin ito sakin. Sinulyapan ko lang siya at nagsimulang maglakad palabas ng bahay.

"Aalis ka na?" Tanong nito na syang ikinatigil ko. Lumingon ako sa kanya pero sinigurado 'kong walang mababakas na emosyon sa mukha ko.

"Oo." Tipid na sagot ko sa kanya.

"Ang aga pa ah. Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nito na may seryosong mukha. Kayong dalawa yung iniiwasan ko, Sky. Di ba halata?

"Di naman. Ba't ko naman gagawin yun?" Sagot ko sa kanya at ngumiti ng peke.

"Nagseselos ka ba kay Kate kasi kami yung laging nagkakasama?" Tanong ulit nito.

Biglang nawala yung ngiti sa mukha ko. "Ba't naman ako magseselos sa kanya? Walang rason para magselos ako sa kanya, Sky."

"Pwede ba, Lienne? Wag mong isali si Kate sa galit mo sakin. Mabuting tao at kaibigan si Kate."

Napangisi nalang ako. "Wow, naman. Bakit? Inaano ko ba siya? May ginawa ba ko sa kanya? At talaga namang pinoprotektahan mo pa talaga siya sakin ha? Bakit kayo na ba?" Sagot ko sa kanya.

"Paano pag sinabi kong, oo?" Sagot niya.

Napatigil ako. Sa di malamang dahilan ay bigla nalang bumigat yung dibdib ko. Sila na pala? At di ko alam?

"Edi mabuti! Nang di na rin ako namomroblema sa pagiging amo ko sayo! Tsaka, di naman kita pinilit na pumunta sa mundo namin para pagtyagaan ako diba? Nagkusa ka, Sky! Alam mo, wag kang mag-alala. Simula ngayon, di mo na kailangang pagtyagaan ako. You are now free, Sky. I won't meddle in any of your fucking business anymore." Sagot ko sa kanya at nagsimula ng maglakad palabas.

•••

Nandito ako ngayon sa school. Sa Rooftop to be exact. Ngayon lang ako nakapunta dito. Di ko naman alam na maganda pala yung view sa baba kapag nandito ka sa taas ng rooftop. Bumili din ako ng pagkain ko incase na gutumin ako. Ang hassle pa kasing bumaba at umakyat.

Kitang-kita mula dito yung mga studyanteng sobrang busy kakaayos ng mga booths, mga studyanteng nagtatawanan, mga prof na nakangiti kasi sa wakas ay wala muna silang tuturuan.

Ewan ko ba at nauso pa 'tong school festival nato dito samin. Eh pang highschool lang naman ang event nato eh. Tsaka hello? College na po kami.

Napaupo nalang ako sa railings at pumikit. Naalala ko bigla yung sagutan namin kanina ni Sky. Kaya pala lagi silang magkasama ni Kate. Sila na pala.

Napatawa nalang ako ng mahina. Ayan, ayan ang nakukuha mo sa pag-ibig pag-ibig na yan, Lienne. Ba't ka pa kasi nahulog sa taong di ka kayang saluhin?

Matagal na. Matagal ko nang ping-iisipan kung ano 'tong nararamdaman ko para kay Sky. Oo, aaminin ko na naging denial ako sa sarili ko. Naging denial ako sa nararamdaman ko. Ang boba ko alam niyo yun? Ngayon ko lang kasi napagtanto na may gusto na pala ako kay Sky.

Alam ko namang mali to eh. Di pangkaraniwan si Sky at nandito lang ito para sa isang misyon. Darating at darating rin ang panahon na mawawala at aalis ito sa buhay ko.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko at napangiti ng mapait. Kaya ayokong pumasok sa pag-ibig pag-ibig na yan eh. Nakakaputa lang sa puso.

Pero ano pa ba ang magagawa ko? Nandito na eh. Gusto ko na siya. Anong laban ko sa kanila ni Kate? Eh mas gusto niya yung tao?

Ang saklap. Ngayon na nga lang ako iibig, sa maling tao pa talaga.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Kate. Napabuntong hininga nalang ako at sinagot ito.

"Hello." Sagot ko.

"Hello, Rid? Saan ka? Kanina ka pa namin hinahanap ni Sky! Sayang bumili pa naman kami ng pagkain natin." Sagot nito sakin sa kabilang linya.

"Kumain na 'ko dito." Sagot ko nalang.

"Saan ka ba kase?!" Tanong nito.

"Nasa rooftop."

"Ha? Ano namang ginagawa mo dyan?!" Sigaw nito sakin na ikinangiwi ko nalang.

"Wala lang. Sige na. Enjoy nalang kayo." Sabi ko nalang at binaba ito.

Napabuntong hininga nalang ako. Kahit sobrang nagseselos ako kay Kate ay di ko parin pala siya kayang tiisin. Kaibigan ko pa rin naman siya at may pinagsamahan rin naman kami kahit papaano.

Tumingin-tingin nalang ako sa baba para aliwin ang sarili ko nang biglang bumukas ang pintuan sa rooftop at iniluwa nito si Sky na hinihingal.

Napakunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay seryoso lang itong nakatingin sakin. "Kailangan nating mag-usap."

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now