Chapter 4: Birthday Party

263 33 40
                                    

"Oh anak. Maghanda kana. Malapit nang mag ala-singko nang gabi. Baka malate tayo sa birthday ni Ejay." Sabi sakin ni Mama nang madatnan niya ko sa kwarto ko na nakahiga pa sa kama.

"Ang OA mo talaga, Ma. Alas 3 palang po nang hapon." Sagot ko sa kanya at pinagpatuloy yung pagbabasa ko nang wattpad.

"Mas maganda nang maaga tayo kesa naman late. Baka magtampo na naman satin yung Tita Rose niyo." Sabi ulit ni Mama habang nilalagay yung mga damit kong bagong laba sa cabinet ko.

"It's better late than never, Ma." Sagot ko sa kanya habang humagikhik. Sobrang kinikilig kasi ako kay Elijah at Klare. Binabasa ko kasi ngayon sa wattpad yung Until He Was Gone ni Jonaxx kaya kinikilig ako.

Nabigla ako nang paluin ako ni Mama sa pwet kaya agad akong napabangon nang wala sa oras.

"Ma naman! Panira ka nang moment!" Sigaw ko sa kanya. Si Mama naman nakangiti lang sakin at tumatawa.

"Ikaw kasing bata ka di kana nakikinig sakin. Puro ka wattpad, wattpad. Para namang mapapasayo yung lalaking kinikiligan mo dyan." Sabi nito sakin.

"Naku, Ma. Itaga mo sa bato. Darating din ang araw na magkakaboyfriend ako nang kasing gwapo, kasing cool, kasing matcho, at kasing romantic ni Elijah Montefalco." Nakangiting sagot ko sa kanya habang nakapikit at nakayakap sa cellphone ko.

"Nananaginip ka na naman nang gising bata ka. Osya, lumabas kana dyan at maghanda na." Naiiling na sabi ni Mama sakin at tsaka lumabas nang kwarto ko.

Wala na akong choice kundi ang bumangon at maghanda. Mabuti nalang talaga at half day lang kami kanina kaya makakapunta pa ko sa Birthday Party ni Baby Ejay nang di nalalate.

Speaking of birthday, may regalo nako sa kanya. Mabuti nalang talaga at binili ko yung manika ni binenta sakin nang matanda kahapon. Hulog talaga nang langit ang matandang yun kahit na ang weird nito kahapon. Hihi.

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa nakabukas kong cabinet. Dito ko kasi nilagay yung regalo ko. Nakalagay na din ito sa box at naka-wrap na. Kumuha nalang ako nang susuotin ko. Simpleng bakuna dress na itim lang yung pinili ko na hanggang tuhod tsaka flat shoes na white.

Nilapag ko ang damit na susuotin ko mamaya sa kama tsaka lumabas nang kwarto.

"Mabuti't lumabas ka na rin sa lungga mo. Kanina ka pa pinapatawag sakin ni Mama." Walang ganang sabi sakin nang kapatid ko.

"Tumahimik ka dyan kung ayaw mong huminto yung edad mo." Sagot ko sa kanya at inirapan siya.

Ganyan po kami kaclose nang kapatid ko. Para kaming aso't pusa na sa tuwing magtatagpo yung mga landas namin ay di namin maiwasang magpatayan nang salita.

"Yung bibig mo, yang ah." Sabi ni Papa nang marinig niya yung sinabi ko.

Umirap nalang ulit ako sa kawalan at pumunta nang banyo para maligo. Ginawa ko agad lahat nang dapat gawin sa katawan ko, lalo na sa buhok ko. Nagtoothbrush rin ako at nag mouthwash para sure na fresh yung hininga ko. Aba, syempre. Nakakahiya naman kung ang baho nang bunganga ko dun no. Tss.

Natapos din naman agad ako at dumiretso na nang kwarto para makapagbihis at makapag-ayos. Sinuot ko muna yung dress ko. Pagkatapos ay nag lagay ako nang light make up para naman di masyadong boring tignan yung mukha ko.

Maganda naman ako, no doubt yan. Pero mas maganda parin kung may make-up naman kahit papano yung mukha ko.

Naks, yabang ko ah? Pft. Hahaha.

Sinuot ko na din yung flat shoes ko tsaka tumingin sa salamin para tignan yung buong itsura ko. Umikot pa ako at inilagay yung kamay ko sa bewang na parang isang model. Perfect!

"Ito yung gandang di mo inakala." Sambit ko na para bang nag iindursyo sa isang produkto. Ngumiti at kumindat pa ko sa salamin para lalong mas maging katotohanan yung pag-aarte ko.

Napatigil din naman ako at napatawa sa kabaliwan ko. Kinuha ko nalang yung maliit na sling bag na nakasabit sa gilid nang pintuan ko at isinuot ito.

Binigyan ko nang one last look yung sarili ko sa salamin tsaka lumabas na nang kwarto. Nakita ko naman agad sila Mama sa sala na kakatapos lang rin mag bihis at mag-ayos.

"Ang ganda naman nang anak ko ah." Puri sakin ni Mama na siyang ikinangisi ko lang. Opkors!

"Syempre naman, Ma. Saan ba ko nagmana?" Sabi ko sa kanya na ikinitawa lang nila Mama't Papa. Yung kapatid ko naman napairap nalang sa sinabi ko.

"Ano pang hinihintay natin, tara na?" Sabi ni Papa samin tsaka lumabas na nang bahay. Nilock muna ni papa ang pintuan at ang gate bago umalis.

Nagtaxi nalang kami papunta sa bahay nila Tita. Sa bahay daw kasi gaganapin yung party. Mayaman naman kasi sila eh, pero kahit ganun ay sobrang humble parin nila lalo na si Tito Rick.

Pagdating namin sa bahay nila ay agad kaming sinalubong ni Tita Rose. Ngumiti ito samin tsaka isa-isa kaming niyakap.

"Salamat naman at pumunta kayo. Nabasa nga talaga ni Yngrid yung message ko sa kanya. Hahaha." Sabi ni Tita tsaka tumawa.

"Anyway, ang ganda na talaga nang pamangkin ko. Mana sakin." Sabi ni Tita tsaka niyakap ako. Napatawa nalang sila Mama sa asal ni Tita.

"Oh, pasok na kayo. Malapit nang magsimula yung birthday party ni Ejay." Sabi samin ni Tita habang naglalakad kami papasok.

"Dito sa garden yung venue. May table na rin akong nireserve para sa inyo." Dagdag ni Tita tsaka tinuro kung saan yung table namin.

"Enjoy kayo ha. Feel at home. Babalik muna ako dun para iwelcome yung ibang bisita." Paalam samin ni Tita.

"Okay sige. Maraming salamat, Rose." Sagot naman ni Mama sa kanya. Ngumiti lang si tita tsaka umalis para asikasuhin yung ibang bisita.

"Nga pala, Love. Yung mga regalo natin ilagay mo dun." Biglang sabi ni Mama kay Papa at tinuro yung table na puno nang mga regalo na para kay Ejay.

Napasinghap nalang ako nang may narealize ako.

Oh my God! Naiwan ko sa cabinet yung regalo ko para kay Ejay!

"Oh, anong problema anak?" Tanong sakin ni Mama nang makita niya yung reaksyon ko.

"Eh, Ma. Naiwan ko po yung regalo ko." Sagot ko sa kanya. Hays! Ba't ko pa kasi naiwan yun eh.

"Ano ka ba naman anak. Bumalik ka nalang dito bukas tsaka mo ibigay yung regalo mo. Ayan na, magsisimula na." Sabi ni Mama.

Napapikit nalang ako sa inis. Ilang araw ko ding prinoblema yung magiging regalo ko tapos wala din naman pala akong madadala dito. Putek.

"Bahala na nga." Sabi ko tsaka itinuon nalang ang atensyon sa harap nang stage.

He's A Doll Prince [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now