Chapter 1

523 8 1
                                    


DISCLAIMER : All names, characters, places, events and other things that are related in real life are all coincidence. It may be effect of the author imaginations, cause it is a fiction only, so be aware of it.

NOTE:  This story is not perfect, you may encounter a lot of problems such as grammatical error, typographical error and such more.

This story is unedited!

Thankyou and enjoy reading.!!

____________________________________________________________________









Anne's Pov

"Good morning mama"masiglang bati ko

"Oh goodmorning kumain kana baka malate kapa sa school"sabi ni mama kaya agad akong kumain na

"Ahh anak maaga kabang makakalabas mamaya?"tanong ni mama

"Ahh opo bakit po?"

"Papabayaran ko yung kuryente at tubig natin deadline na sa isang araw ehh"

"Ahh sige po idadaan kopo mamaya paglabas ko"

Inabot naman saken ni mama ang bill pati ang pambayad kaya inilagay ko sa loob ng bag ko baka makalimutan kopa.

"Frennnyyy tara na"sigaw ng isang babae sa labas.

"Eto na wait lang"sagot ko"bye mama ingat po"sambit ko bago ginawaran ng halik si mama sa pisngi.

"Gooodddmorninggg Jasper!!"masayang bati ko sa kapatid ni Mary jane

"Gooodddmorning ate ganda"balik nito saken na may kasamang ngiti.

"Okay Maryjane masanay kana"kausap nito sa kanyang sarili naikinatawa naming dalawa ni Jasper. At dahil isa't kalahati din kaming may saltik dalawa ay isang plano ang nabuo.

"Tara na Jasper may jeep na baka malate tayo"seryosong sambit ko at inakay si Jasper

"Oo nga ate ganda tara na" tugon naman nito at naglakad kami papuntang sakayan.

"Hoy intayin niyo ko pagkakaisahan niyo na naman ako!!!"galit na sabi ni Maryjane

"Ate ganda may naririnig ka?"seryosong tanong nito

"Ahhh wala bakit may multo ba?" Takang tanong ko na ani moy hindi alam ang nangyayari sa paligid.

"Naku Jasper lagot ka mamaya saken paguwi"inis na sabi ni Maryjane

School

"Anne may letter ka na naman"sabi ng classmate ko sabay abot ng kulay pink na papel

"Uso pa pala ngayon yung letter noh kaso sa ngayon hindi nagpapakilala"sabi ni Maryjane na nakatingin kung saan.

"Hay naku magbibigay na nga lang ng sulat wala pang pangalan"Inis na sabi ko at akmang itatago sa bag ang sulat ng biglang agawin ni Maryjane

"Oppss wait wala ka man lang gagawin sa letter na yan bukod sa itago akin na nga babasahin ko"sambit nito

Dear Roxanne,

Panglabing isa ko na itong sulat pero ni isa sa mga sulat ko hindi ko nakikitang basahin mo, wala ding reply man lang pero ayos lang baka naman kase sa bahay mo binabasa sana wag mo itapon ang sulat ko sayo. Hayaan mo magpapakilala din ako sayo ng personal wait kalang nagiipon pa kase ako ng lakas ng loob kulang pa kase hehheheh..

"Hay naku akin na nga yan"kuha ko

"Alam mo ang sungit mo"saad ni Maryjane

"Ayaw kase magpakilala nasusura ako tas sasabihin ayaw magreply. Hello! I'm not stupid ika nga don't talk to stranger"sambit ko

"Che! Bahala ka nga arte mo"iritang sambit nito bago pumunta sa upuan niya.

Nagsimula na ang klase Science ang first subject namin lahat ay seryoso sa pakikinig ng biglang nagsalita ang isa naming kaklase.

"Mga classmate anong oras na?"sigaw ng kaklase naming lalaki

Napatingin naman si maam dito at mukhang nagalit.

"Alam kung time na ha. Makaintay ka baka gusto mo minus ten ka sa next quiz"banta ng teaher namin.

"Sorry po maam napalakas lang po sikmura ko hehehh"sambit pa nito

"Anak ka ni Joselito pumunta ka sa office ko mamayang after break maguusap tayo" sambit ni maam bago lumabas ng room katyawan naman ang nangyari sa halip na mag break time.

"Lagot ka Fransisco hahahahh"sambit ng tropa nito

Napakamot nalamang ito sa ulo habang papalabas.

"Hay naku kawawang Fransisco na prank na naman ni maam"sabi ng tropa nitong si Loyd alam kase naming prank lang yun dahil lagi na yung ginagawa ni Fransis. Kaya nakipagkuntsabahan samin si maam at agad naman kaming pumayag

"Anne may nagpapabigay"sabay abot ng snack saken

"Kanino galing?"takang tanong ko

"Ewan ko" matapos niyang sumagot ay umalis na siya balak ko pa naman uli siyang tanungin

"Mukhang may pagkain kana dikana bibili sa canteen"sabi ni Maryjane

"Hindi naman ako bumili nito binigay lang saken ano ba tsaka wag kana bumili may pagkain ako sa bag spaghetti"sambit ko at agad namang lumawak ang ngiti nito at nangaripas papunta sa bag ko.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now