Chapter 28

15 0 0
                                    

Maryjane's Pov

Kasalukuyan akong papasok ng bahay nina frenny na buburyo na kase ako samin samahan mopa ng pambwebwesit ni Jasper

"Hayy ano bayan diko masisid ang lalim ano bayan te?"parangka kung tanong dito matapos kung maabutan si Frenny na parang ang lalim lalim ng iniisip

"Jusko ang pangit ng vibes ahh"dagdag kopa with matching irap ang ate girl

"Hayy.. kase napapansin ko na nagiging cold na si Kyle sakin."malungkot na sambit nito. Ayyyy relationship problem buti kami ni Clarence walang ganang problem

"Paano mo naman nasabi?"tanong ko naman bago tumabi sa kanya sa upuan

"Lately kase napapansin ko hindi na ako tinatawagan ni Kyle hindi kuna nga rin siya makausap ng ayos walang reply walang tawag. Kanina kopa nga tinatawagan ayaw akong sagutin"malungkot na paliwanag niya sakin

"Ayy naku baka naman busy lang you know college life"depensa ko naman

"Alam ko naman yun pero almost two weeks nadin kaseng ganito set-up namin diko na siya makausap"maiyak iyak na reklamo sakin

"Busy lang yun for sure tawagan mo uli"pag-alo ko naman dito.

Ano yan baby?

Muling tinawagan ni Roxanne si Kyle at mukhang sinagot na naman pero kalaunan ay ibinaba narin.

"Anong sabi?"usisa ko agad

"Busy daw"malungkot na tugon niya

"Sabi ko sayo busy lang yun kaya kung ano mang bumabagabag sayong damdamin alisin mo muna ikaw lang mhihirapan"payo ko naman dito

"Paanong isantabi dati naman hindi kami ganyan tsaka alam mo nung nagouting tayo pakiramdam ko nanlalamig na siya."pakikinig ko naman kay Roxanne

"Yung parang napilitan lang siyang sumama satin ewan ko ba kung anong nangyayari dun bago naman tayo magouting ayos kami"daing nito sakin

"Hay naku girl hayaan mo muna baka busy lang talaga tsaka parang wala naman sayo ang salitang nagdududa or nagseselos diba?"

Paalala ko sa kanya kase never yang nagselos or nagduda sa relasyon nilang dalawa ni Kyle ngayon lang talaga kaya nakakapagtaka yung kahit isang buwan silang hindi nagkikita tapos  pasipikado pa ang communication nilang dalawa ayos lang sa kanila, sa kanya never nagtampo or duda na baka may iba or something na cold.

"Lika muna magmeryenda muna tayo sa labas andun sina tatlong itlog kanina pa tayo inaantay."aya ko naman sa kanya para mabawasan ang isipin super lalim kase diko masisid.

Someone's Pov

"Anong sabi ko sayo layuan mo siya ano bang mahirap dun"galit kung turan

"Ginagawa ko naman pero ang hirap ang hirap hirap."inis niyang sambit sa akin

"Ginagawa bat magkasama pa kayo ha?. Nakita ko kayo Baka naman nagpaalam kana"

"Sinasakyan ko lang yung trip niya kaya ko siya kasama at hindi ako magpapaalam sa kanya kase ang hirap! Ang hirap hirap at hindi ko siya kayang layuan ng ganun ganun nalang, pero pilit kung ginagawa"hirap na hirap niyang sabi sakin

"Kung hindi mo kaya ng madalian pwes ako ang maglalayo sa inyo"

Umalis ako ng kwarto upang magpalamig lamig masyado ng mainit ng ulo ko ngayong hapon, kailan ko munang magpalamig para kumalma. Pinaandar ko ang kotse ko hanggang makarating sa aking pupuntahan.

"Goodafternoon Sir!"bati ng waitress sa akin pagpasok ko sa cafe magkakape muna ako upang kumalma.

Mayamaya lang ay dumating na ang order at sa dikalayuan sa labas ng cafe ay nakita ko ang isang babaeng nagiisang laman ng puso ko. Kaunting tiis nalang makakasama na kita kaunti nalang.

Anne's Pov

Matapos namin magmeryenda ay umuwi na kami este ako lang nagpumilit pa nga sila na wag muna akong umuwi dahil maaga pa dinahilan ko nalang ay tutulungan ko si Mama magluto ng hapunan.

Pagdating ko sa bahay ay tinutoo ko ang dahilan ko sa kanila dahil nagluluto narin naman si Mama ng hapunan. Pagkatapos namin ay pumasok ako sa kwarto ko para tawagan muli si Kyle maeexpired nadin kase yung load ko mayamaya pero wala, walang sumagot sa limang tawag ko.

Napabuntong hininga nalang ako at nahilata sa kama at umaasang tatawag si Kyle pero wala hanggang sa diko namalayan na nakatulog naku sa kaiintay

"Frennyyyyy!"nagising ako sa malakas na sigaw ni Maryjane kung mambolabog talaga ang babaeng ito ibang iba.

"Ano ba ang aga aga pa!"reklamo ko dito tsaka tuluyang bumangon.

"Anong ang aga,aga hoy anong petsa na isang buwan kanang nakalugmok dyan lika na samahan moko kumain tsaka maligo ka pupunta tayong parlor kahiya sa manliligaw mo para daw nalulusyang kana"parangkang saad nito sakin.

Oo nga pala isang buwan narin ang nakalipas at walang pagbabago hindi ako tinatawagan or text manlang ni Kyle at hindi ko rin siya makacontact, hindi ko rin naman maabutan na online siya at kahit sa chat hindi niya ako norereplayan.

"Ahh frenny samahan moko kina Kyle mamaya titingnan kolang kung asa bahay siya"seryoso kung sabi tumango naman ito bilang tugon kaya ng makatapos kaming kumain ay naghanda nakami papunta kina Kyle.

"Uyy ate kayo pala pasok kayu"saad ni Jasmine pinsan ni Kyle matapos kaming pagbukasan ng gate.

"Napasyal ka ate! Ano sadya?"masayang tanong niya.

"Ahh si Kyle ba andito?"nagaalangan kung tanong

"Naku si Kuya wala siya dito hindi ba niya nasabi sayo ate?"medyo nagtaka siya sa sagot niya pati narin ako kaya napalingos ako kay Maryjane

"Nasabi na?"tanong ko naman.

"Nasa Bacolod si Kuya sa kamag-anak niya kami lang naiwan ni Lola dito, may namatay daw kase dun"malungkot naman niyang tugon kaya napatango nalang ako at hindi na nakapagusisa pa.

Tagu TaguanWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu