Chapter 42

13 0 0
                                    

Anne's Pov

Habang inaaral ko ang presentation ko para bukas ay bigla may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya medyo nainis ako ng slight dahil ayaw kung naiistorbo pagganto.

"Pasok!"sigaw ko at muling binalik sa loptop ang atensyon.

Nakita ko naman sa side ng mata ko ang isang lalaki.

"Kain ka muna para magkaroon kapa ng mas maraming idea"saad niya sakin

"Salamat, paki lagay nalang dyan"sambit ko habang nakatuon parin ang atensyon sa ginagawa. Bigla namang nag ring ang phone ko. Kita kung napatingin si Kyle dun.

"Oh bakit? I'm busy?"masungit kung bungad
"Ayy sorry po sige mamaya nalang bye"saad niya tsaka ibinaba ang tawag.

Nakita ko namang lumabas na si Kyle ng kwarto ko. Binalingan ko naman ang dala niya. Napangiti nalang ako hindi parin niya nakakalimutan ang kinakain ko sa tuwing nag-aaral ako.

Natapos ko ang lahat ng gawain ko kaya napagdesisdyunan kung lumabas. Ala sais nadin nag-aral parin kase ako ng mga notes ko.

"Frenny pa print ako naubusan kami ng ink"bulalas nalang ni Maryjane kaya naman ng matapos siyang magsalita ay gulat siyang nagpatingin sakin na parang nagtatanong.

"Uyy Kyle long time no see hehe" awkward na bati niya

"Hello musta"bati naman ni Kyle

"Eto ayos lang. Bessy pa print "baling niya uli kaya kinuha kuna ang flash drive na hawak niya.

Habang nag piprint ako ay ramdam ko naman na sumunod si Maryjane sakin.

"Bessy andito lang ako pag magkukwento kana"pilit na ngiti niyang sabi sakin. Tiningnan ko lang siya sa mata tsaka bumalik sa ginagawa.

Maya maya lang natapos nadin, nagpaalam narin naman si Maryjane na uuwi na dahil may aayusin pa.

**********

Lumipas ang isang linggo at masyado na naman akong busy. Daming reports na kailangang tapusin, research, projects isama pa ang school org.ko.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad sa hallway  magisa, may tinatapos kase si Maryjane na report at mamaya pa siya makakauwi kaya pinauna na din niya ako.

"Roxanne!"napalingos ako sa pinagmulan ng boses. Nagtaka naman ako nang una kung mamataan ay si Hance at si Allanis na kumakaway pa at may pilit na ngiti sa labi.

"Hance? Allanis? Anong ginagawa niyo dito?"taka kung tanong sa dalawa pero ilang segundo pa sila nagsalita mukhang nahihiya ata.

"Ahh gusto ka sana naming yayaing kumain treat namin"nagtaka naman ako sa inasta ni Hance dahil nagkamot pa ito ng batok na wariy nahihiya

"Bakit? Anong okasyon?"sunod kung tanong

"Ah Roxanne kase gusto lang namin na makausap ka"sabat naman ni Allanis. Napatango nalang ako dahil nakukuha kuna kung anong pinupunto nila.

Pumayag naman ako kaya agad kaming pumunta sa isang fast food. Sila na ang pinapili ko ng pagkain ko medyo wala din ako sa mood pinagbigyan ko lang sila. Pagod na pagod narin ako at gusto nang matulog.

Humingi ng paumanhin si Hance at Allanis dahil nagawa daw nilang magsinungaling sakin. Tinulungan lang daw nila si Kyle dahil hirap na hirap na ito. Pero sabi ko okay  lang naiintindihan ko naman.

Sana rin daw ay friends parin kami kahit ganun ang nangyari. Pumayag naman ako hindi rin naman kase nila iyon kasalanan. Matapos ang seryoso naming usapan ay napunta na sa biruan.

"Hance, Allanis mauna na sana ako"alanganin kung paalam sa dalawa

"Ang bilis naman nagkakasiyahan pa tayo"dismayang sabi ni Allanis na sinangayunan ni Hance.

"May gagawin pa kase ako. Sorry, pero salamat sa treat nag enjoy ako"tumayo naku para hindi na sila makatanggi pa

"Ganun ba sige salamat din. Ingat ka" dismaya paring sabi ni Allanis

"Salamat Roxanne ingat next time ulit"nakangiti namang paalam ni Hance.

Ngumiti naman ako at nag babye bago tuluyang umalis. Naglakad ako papuntang terminal ng jeep. Sasakay na sana ako ng makita si David na papalapit sakin

"Uyy san kagaling kanina pakita hinahanap dimo rin ako sinasagot sa text"reklamo nito sakin ng makalapit

"Hehe. Pasensya na hindi ko nabasa I'm with my friends recently kaya hindi ko napansin"pagpapaliwanag ko naman

"Ahh ganun ba asan sila si Maryjane asan?"tanong naman niya sakin at palinga linga na naghahanap sa kung saan

"Ahh nasa school pa siya diko siya kasama I'm with my friends in other university"kita ko naman ang dismaya niyang expression

"Ang ganun ba? Pauwi kana hatid na kita?" Pagyaya naman niya pero tinanggihan kuna

"Ahh salamat nalang pero wag na sige David una naku. Ikaw ba dipa uuwi?"paalam ko pero hindi na niya sinagot ang tanong ko bagkus ay nagpaalam nadin at umalis.

Pagdating ko sa bahay ay wala pa si Mama. Kaya naman ay nagbihis agad ako tsaka nagluto ng dinner namin para mamaya.

Trenta minutos ang binuhos ko sa pagluluto. Nang makatapos ay nahiga ako sa sofa namin habang iniintay si Mama.

"Anak, Roxanne"

Isang boses at tapik sa tagiliran ang nagpagising sakin nakatulog na pala ako sa pagiintay kay Mama. Dahan dahan kung iminulat ang aking dalawang mata. Agad ko agad nakita si Mama na nakangiti.

"Madami kabang ginawa sa school?"nakangiting tanong ni Mama.

"Opo, hay nakatulog na pala ako. Kumain na po ba kayu nagluto po ako"

"Hindi pa kadadating ko lang halika na at ng makakain na tayo"aya ni Mama kaya tumayo naku ay tumulong maghain nang hapunan.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now