Chapter 37

18 1 0
                                    

Anne's Pov

Halos tatlong buwan na ang nakakalipas at eto ako ngayon nakasuot ng earphone naglalakad sa hallway ng building habang tinitingnan ang schedule ko sa maliit na notebook ko nakasulat lahat doon ang schedule ko for the whole week.

Ginagawa kung busy ang sarili para makalimutan ang taong minsan kunang minahal at minsan nadin akong sinaktan. And I worth it naman ang payo sakin ni David. Sa halos tatlong buwan lagi akong sumasali sa mga school activities pati narin sa activities sa barangay namin o sa street man. Sumali rin ako sa school organization dito sa school, which is publishing ng newspaper at isa akong writer dun kasama ko si Maryjane dahil hilig din naman talaga niya yun/namin.

Kasalukuyan akong papunta sa cafeteria para kumain si Maryjane naman ay nauna na dahil magccr pa daw at susunod nalang may 30 minutes pa kami para kumain dahil may meeting pa kami sa school org. And also may klase nadin kami after ng meeting.

"Anne!"napalingon ako sa tumawag sakin pagpasok ko sa cafeteria si Waren pala kasama si Jayson agad naman akong nagtungo sa dalawa.

"Ikaw lang asan si Maryjane"kumakaing tanong ni Jayson

"Hmm. Susunod na nag cr lang"tugon ko naman tsaka inilibot ang mata ko sa kabuunan ng cafeteria wala masyadong tao siguro ay may mga klase pa.

Tumingin ako sa relo ko five thirty na pala ng hapon at may isa pa akong klase mamayang six thirty.

"May klase pa kayu mamaya?"biglang tanong ni Waren

"Oo may one hour pa, btw asan si Eithan?"tanong ko nang mapansin kung hindi nila kasama

"May klase pa"tugon nila, tumayo naman ako para umorder ng kakainin namin ni Maryjane

"San ka pupunta ako na bibili"voluntaryong saad ni Waren na katatapos lang kumain

"Hmm.. salamat dalawang spagetti tsaka juice"sambit ko naman at inabot ang pera.

"Pre bili ka yero"pahabol pa ni Jayson

Mayamaya lang ay dumating na si Maryjane at ngiting ngiti ang luka ano kayang nangyari sa cr. Paglapit niya ay tatanungin kopa sana kung bakit ang saya pero dumating na ang pagkain namin kaya naman kumain naku dahil may meeting pa.

"Ano let's go"aya ni Maryjane na ngayon ay nakatayo na tumango naman ako tsaka tumayo at nagpaalam sa dalawa

"Intayin na namin kayo para may kasama kayu pauwi"sambit ni Jayson bago kami tuluyang makalabas nag thumbs up naman kaming dalawa at dali daling naglakad papunta sa office.

Natapos ang meeting within 15 minutes dahil may sinabi lang naman na important about paublication ng news paper this year. Matapos ang meeting ay nagpasama ako sa cr bago kami pumunta sa sunod na klase.

Wala pang one hour ay nadismiss na kami ng prof namin kaya maaga kaming nakalabas. Pumunta kaming lobby dahil andun sina Jayson nag-iintay samin dismiss narin si Eithan kaya andun nadin tanging kami nalang ni Maryjane ang iniitay.

"Oh paano bayan kumpleto tayo"medyo mayabang na turan ni Eithan samin kaya naman isang ngiti ang sumilay sa aming mga labi at walang ano anong nagunahan kami palabas ng university. Buti nalang ay hindi kami sinita ng guard dahil sa isang iglap ay nakasakay agad kami ng jeep.

Ala syete ng makadating kami sa mall pagtingin ko suot kung relo at luckily ay bukas  pa ang favorite spot naming ice cream parlor.
Halos magunahan kami sa upuan ng makadating si Waren naman ang umorder ng ice cream namin.

"Sana nag dinner nalang tayo"dismayang sabi ni Maryjane sa lahat

"Oo nga ano?"pagsang-ayon ko naman

"Edi magdinner tayo tara"asik ni Jayson

"Ano yun nauna ang dessert?"taas kilay na sagot ni Maryjane tsaka uminom ng juice

"Oo pwede naman yun tara na baka gabihin pa tayo mag kkb na muna"tumayo na si Jayson kaya tumayo narin kami at sunod sunod na lumabas.

Nagtungo kami sa may foodcourt marami raming tao dito ang iba ay pawang mat iniitay ang iba syempre kumakain, samantalang ang iba ay tapos na at papauwi na.

Mabilis kaming kumain pagkarating ng order namin na dala ng tatlo. Habang kumakain ay napuno nang tawanan at asaran ang lamesang kinakainan namin.

Matapos kumain ay lumabas na kami ng mall. Umuulan pala at medyo malakas ito pero wala iyun samin dalawa lang ang payong naming dalawa buti ay naka jacket si Eithan. Nagsukob sukob kami sa dalawang payong dahil baka gabihin kami.

Hanggang sa makauwi kami ay umuulan parin kaya naman basang basa kaming lima.

"Hoy maligo kayo baka lagnatin"paalala ko naman sa mga ito habang naglalakad kami sa may kanto

"Kung maligo na kaya tayo ngayon ayun ang tindahan bili kayo sabon at shampoo basa na din naman tayo"biro ni Jayson

"Luko bilisan niyo na maglakad" patuloy ang paglalakad namin sa ilalim ng ulan hanggang sa makarating kami sa kanya kanyang bahay.

"Anak anong nangyari sa iyo?"nagaalalang tanong ni Mama ng makitang basang basa ako.

"Ang lakas po kase ng ulan sa labas tsaka magkakasama po kaming lima at dalawa lang po ang payong ayun po basa kaming lahat "paliwanag ko naman.

"Oh siya maligo kana muna ipagluluto kita ng mainit na sabaw."saad ni Mama kaya nagtungo naku sa kwarto para kumuha ng tuwalya.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now