Chapter 40

19 0 0
                                    

Anne's Pov

Natagpuan ko nalang ang sarili kung nasa basket ball court. Gusto ko sanang pumunta kay Maryjane pero naisip ko na mas mabuting mapagisa muna ako. Gusto kung magwala, magalit pero hindi ko magawa nang hihina ang katawan ko. Tanging iyak lamang ang nagagawa ko.

Bakit? Bakit kailangan niyang magsinungaling sakin. Bakit kailangan niya akong pagtaguan nang ganong katagal. Sa loob ng isang taon pinaniwala niya akong sila nung Allanis nayun. Ang tanga ko din naman. Napatawa nalang ako sa sarili ko at hinayaang tumulo ang luha ko. Tumayo ako at pinagsisipa anh mga kalat sa loob ng court. Sinipa kudin ang mga bleachers dun. Halos sabunutan kuna ang sarili ko sa inis.

Nang tuluyan na akong manghina ay naupo ako sa sahig yumuko at niyakap ang sarili.
Excited kang makita yung tatay mo dahil simula't sapul hindi mo nakita pero ganito yung mangyayari. Ang sakit lang na yung taong minahal mo dati bilang boyfriend mo ay kapatid mo pala. Ang hirap. Ang hirap hirap tanggapin para sakin yung pinangakuan niyo yung isa't isa pero sa iba niyo tutuparin dahil hindi pwede.

Hinayan kung dumampi ang malamig na hangin sa buong katawan ko. Napansin ko naman na nakasabit pa pala ang sling bag ko sa katawan ko. Tiningnan ko ang cellphone ko sa loob pasado alas otso na pala. Kaya naman napagpasyahan kunang umuwi. Kailangan kung harapin ang mga ito. Hindi ako si Roxanne kung hindi ko haharapin ang problema.

Sa paglabas ko ng court ay biglanv bumuhos ang malakas na ulan kaya muli akong bumalik sa loob para sumilong.

I recall when you said that
You would never leave me
You told me more
So much more like when the time
You whispered in my ear.🎶🎶

Kasabay ng ingay dahil sa pagpatak ng ulan sa bubong ng court naririnig ko rin ang tugtog na nagmumula sa video- oke sa di kalayuan. Sobrang ganda naman ng timing tadhana.

There was heaven in my heart
I remember when you said that
You'd be here forever🎶🎶

Then you left without even
Saying that you're leaving
I was hurt and really won't
Be easy to forget yesterday🎶🎶

Dinama ko ang tunog ng musika pati ang malamig na hangin dulot ng malakas na ulan. Ang sakit nang kahapon ay nanumbalik ang mga luhang naguunahan sa pagpatak.

And I pray that you
Would stay
But then you're gone
And oh so far away.🎶🎶

Sa paglipas nang oras lalong lumalakas ang ulan at isang sigaw ang naririnig ko sa kalayuan hanggang sa matuntun ako.

"God sake andito kalang pala kanina pa kita hinahanap"bulalas niya. Tumunghay naman ako upang makita ang mukha niya hindi ako nagkamali siya nga. Magulo ang buhok at medyo tumutulo pa dahil siguro nabasa ng ulan.

"Sana lahat nang hinahanap nakikita ano?"sambit ko nalang bigla.

"Sorry"bulong niya tsaka naupo sa tabi ko.

"Kyle hinanap kita. Halos isang buwan kitang hinanap. Pero pinagmukha mo lang akong tanga"panimula ko. Habang nakatingin sa malayo

"Alam mo bang napapbayaan kuna ang sarili ko para lang mahanap kita. Halos mag skipped naku ng class ko para lang malibot ang lahat ng school,pero wala bigo parin ako hindi kita nahanap". Katahimikan ang bumalot samin bago muli akong nagsimulang magsalita

"Bakit Kyle? Bat mo tinago sakin. Pinag explain kita pero anong ginawa mo nagsinungaling kapa. Ang dali daling sabihin ng katotohanan kesa magtago ng kasinungalingan pero bakit mo tinago sakin. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan yun."

"Sorry Roxanne, sorry sana mapatawad moko. Sinubukan kung sabihin sayo pero ayaw ni Papa wag daw muna. Ang hirap Roxanne gusto ko lagi kitang kasama. Ayaw ko sanang lumayo sayo pero kung hindi ako lalayo hindi nakita makikita pa."

"Kaya patago mokong sinusundan kung nasan man ako. Kyle kala moba hindi ko nahahalata na sinusundan moko. Alam mo bang kahit gusto kitang lapitan hindi ko na magawa dahil baka baliwalain moko ayaw kunang masaktan"

"Oo, ang sabi ni Papa pag hindi ako nakipaghiwalay sayo at hindi ako lumayo sayo, siya mismo ang maglalayo satin. Kaya kahit mahirap ginawa ko para hindi mapalayo sayo"

Muling nanahimik ang kapaligirin medyo himina nadin ang ulan.

"Roxanne!"pagtawag ni Kyle kaya napatunghay ako.

"Hindi ako lumipat ng school"alinlangang niyang sabi sakin na masa lalong pinagtaka ko.

"Anong hindi lumipat?"tanong ko

"Kinausap ko si Hance, sinabi ko na tulungan niya ako dahil alam kung lagi kang pumupunta sa school. Nalaman ko nalang na sinabi niya na hindi kana dun nagaaral. Alam din yun ni Allanis nagpatulong din ako sa kanya." Nag-igting ang panga ko at masamang tinignan si Kyle.

"Wow ang galing mo naman humanap kapa ng kasama nanggamit kapa Kyle"sarcastic kung sabi

"Diko intensyon yun Roxanne nahihirapan na talaga ako kaya humingi naku ng tulong"paliwanag niya

"Ang galing ano? Sakin dimo nasabi pero sa kanila nasabi mo ang galing lang nakakabilib"nagbigay ako ng mapaklang tawa sa kanya.

"Yung sa Bacolod totoo bayun?"

"Oo, totoo yun nagpunta talaga ako dun, Roxanne sorry hindi ko sadyang hindi sabihin sayo ang hirap lang nung nalaman ko. Hindi ko alam ang gagawin ko"lumapit siya sakin at niyakap ako gusto ko sanang magprotesta pero masyado siyang malakas.

Halos sorry lang ang naririnig ko sa kanya habang umiiyak kami.

"Tama na Kyle nakakapagod na ayaw kunang masaktan, matagal na naman kitang napatawad kase kung hindi ko gagawin yun sasaktan ko lang lagi ang sarili kaya minabilis kuna lang ang pag momove sinaktan muna ko sasaktan kopa ba ang sarili ko. Kaya pinapatawad nakita"mahinahon kung sabi tsaka ko naramdaman na humuwalay siya at nagulat ako ng halikan niya ang noo ko.

"Thankyou Roxanne. Thankyou.."sambit niya na naiiyak pa

"Sorry dahil kailangan kung gawin ang mga bagay na yun"dagdag pa niya bago humiwalay ng yakap sakin."

"Pero wag kang umasa na magiging maganda ang pakikitungo ko sayo. Pinatawad lang kita pero hindi ko tanggap ang sitwasyon kahit naiintindahan ko."malamig na sabi ko tsaka umalis at nagsimula maglakad pauwi.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now