Chapter 17

21 0 0
                                    

Anne's Pov

"Hoy!!"napalingon ako sa kasama ko dahil kanina pa ako kinakalbit nito pero hindi ako lumilingon

"Ayy grabe magbingi bingihan kanina pa kita tinatawag"reklamo nito na ikinatawa ko ng malakas

"Hahahahhahahah"

"Sige tawanan mo pa ako ano ba kaseng tinitingnan mo?"iretableng tanong niya

"Ihhh gusto ko kaseng sumakay dun yun ohh"turo ko sa isang rides

"Babe alam mo didilim na kailangan na nating umuwi baka pagalitan ako ni tita mahaba haba pa ang byahe"pagpapaliwanag niya pero ngumuso lang ako tsaka umirap

"Yuck iww babe!!"pandidiri

"Aba at ayaw mo ng babe ha. Arte mo Roxanne"reklamo nito na ikinatawa ko na naman

"Hayy hahahah lika na nga nagpromise ako kay Mama na siya ang date ko mamayang dinner"saad ko tsaka tumayo at hinatak ang kamay ni Kyle

"Ahh Anne asan nga pala si Tito?"bigla niyang tanong na nagpapait ng ngiti ko

"Ahh hindi ko alam hindi ko na kase siya nakita pa tsaka ayos naku kay Mama"malungkot na sabi ko minsan kase ayaw kunang pinaguusapan pa yung tungkol kay Papa

"Sorry pero alam mo swerte mo kase may Mama ka"mahinang sabi niya tsaka yumuko
"Ako kase wala na nategybels na si mudra"ngumiti ito ng mapait tsaka naglakad wala ng nagsalita samin hanggang sa makasakay kami sa bus.

"Ikaw asan Papa mo?"pagbabasag ko ng katahimikan, nagbuntong hininga pa ito bago nagsalita

"Hmm. Si Papa?"pagpuputol niya "Nasa ibang bansa si Papa nagtatrabaho para sakin and ofcourse to his family"biglang lungkot niyang sabi

"Ha? Family? Diba kayu ang family ng Papa mo?"nagtataka kung tanong

"No kasal si Papa sa iba na anakan lang ako katunayan nga hinahanap ni Papa yung asawa at anak niya hanggang ngayon mahal na mahal kase ni Papa yung asawa at anak niya"pagpapaliwanag niya hindi na ako nagtanong pa dahil baka masaktan lang si Kyle kaya nanahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon.

"Ma andito na po kami"sambit nang makadating kami ni Kyle sa bahay kita ko namang lumabas si Mama sa kusina

"Oh andyan na pala kayo ginabi na kayu ahh"alalang sabi ni Mama

"Medyo traffic po kaya ginabi na"sagot ko namna tsaka hinila ang kamay ni Kyle

"Ahh Mama boyfriend kuna po si Kyle"masayang sabi ko na ikinagulat ni Mama pero halatang kinikilig

"Aba napa Oo mo din pala itong si Roxanne"natatawang sabi ni Mama kay Kyle

"Oo nga po buti nalang po nakuha kuna ang matamis niyang Oo"masayang masaya namang sambit ni Kyle

"Oh siya halina kayu ng tayo'y makakain na baka gabihin si Kyle sa paguwi"agad na sabi ni Mama kaya nagtungo na kami sa kusina para kumain.

Habang kumakain ay naguusap si Mama at Kyle habang ako ay nakikinig lamang hanggang sa matapos kumain.

"Ma ako napo maghuhugas ng mga plato"pagbobolontaryo ko

"Tulungan na kita"saad naman ni Kyle na agad kung pinalo ang kamay

"Aray ano ba!"reklamo niya napalakas ata ang hampas ko

"Ako na dyan umuwi kana  gabi na baka hanapin ka ng lola mo"seryoso kung sabi habang iniimis ang aming pinagkainan

"Mamaya na tutulungan muna kita tsaka nagpaalam ako kay lola na gagabihin ako"depensa niya kaya hindi na ako nagpumilit pa.

Nang makatapos kaming magligpit ay nagpaalam na din si Kyle inihatid ko naman siya hanggang kanto

"Bye ingat sa paguwi"saad ko tsaka ngumiti

"Bye ikaw den mamahalin pa kita dyan"giit ni Kyle sabay kindat bago sumakay ng jeep

Naglakad na ako pabalik sa bahay ng makasakay si Kyle ng biglang may tumawag sakin.

"Roxanne!!" Agad ko namang hinanap pero nasa harapan ko na pala.

"Bat ka naman naglalakad magisa dito gabi na"mahanging sabi ni basagulero

"Ano naman sayo?"pagtataray ko

"Ayy ang taray naman"pangaasar niya kaya inirapan ko uli siya ng 360 degree bago tuluyang umalis sa tabi niya rinig kupang tinatawag ni basagulero ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa.

Nang makarating ako sa bahay sumalubong naman sakin ang ngiti ni Mama yung ngiting nakakapanloko ba si Mama talaga ang lakas mang asar

"I'm so happy for you anak"masayang sabi ni Mama tsaka ako binigyan ng isang mahigpit na yakap

"Thankyou Ma"bulong ko bago kumalas sa yakap niya

"Basta ang pag-aaral mo wag pababayaan ha! Tsaka wag niyo muna sobrang seryosohin yan mga bata pa naman kayo"payo ni Mama sakin

"Opo Ma, promise po hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko"taas kamay kung sabi kay Mama tsaka kami natawang dalawa.

Matapos nun ay naglinis na ako ng katawan bago matulog.

Hayyyy!!!! Isang buntong hininga ang nailabas ko dahil sa pagod pero sulit naman ang saya. Dahil ngayong araw february 14 ang official namin ni Kyle bilang magkasintahan, labis ang ngiti ng aking mga labi abot tenga wala pangang mapaglagyan siguro ganito talaga pag in love.

Sa loob ng tatlong buwan na panliligaw ni Kyle sa akin ay nakilala ko na siya sa lahat ng ugali bad side ang good side at patuloy ko pang kikilalanin siya habang nasa loob kami ng relasyon.

Aamin ko sa sarili ko na noong una ay natatakot ako dahil baka mapagaya ako sa ibang babae na umiiyak dahil sa lalaki  pero napagtanto ko at why not hindi naman pareparehas ang lalaki, kung mahal mo ang isang tao susugal ka. Sa love kasama na dyan ang masaktan kung hindi ka masasaktan hindi pagmamahal yan dahil ang pagmamahal at sakit magkakambal at never naghihiwalay.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now