Chapter 36

16 0 0
                                    

Anne's Pov

Dalawang linggo narin ang nakakalipas matapos ang performance namin sa play. Nakauwi narin si Kuya Paolo sa Bulacan. Ngayon naman ako eto naguumpisa nang sundin ang mga nasabi sakin ni David noon.

Kasalukuyang walang klase at andito ako ngayon sa library mag-isa nag cr kase si Maryjane at hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik natabunan na ata ng cr sa tagal.

"Psst"napatingin naman ako sa sumitsit agad ko naman nakita iyon dahil kumaway sakin ginantihan ko naman ito tsaka ngumiti.

"Bat magisa ka walang klase"tanong niya ng makalapit.

"Wala mamaya pa"mahinang sagot ko. Tumango naman ito at naupo sa harap ko.

"Sipag naten lagi ka dito?"muling pagtatanong niya tumango naman ako at nagfocus sa binabasa ko.

"Ang tipid mo namang sumagot ano bayang binabasa mo?"napairap naman ako hindi lang pala babae yung madaldal lalaki din. Tumunghay naman ako at itinuro ang silence please sa kanya.

"Ayy sorry pero ano bayang binabasa mo?"dirin madaldal makulit din.

"Reviewer mga notes ko may exam ako mamaya need ko ng review kaya andito ako sa library, siguro naman kuntento kana sa sagot ko."inis kung sabi tsaka bumalik sa binabasa.

"Hala ka inistorbo mo sa pagrereview baka masigawan ka na naman niya"rinig kung pananakot kay David pero diko na pinansin.

Matapos kung magreview ay niyaya kuna si Maryjane bumalik sa classroom malapit narin kase ang next subject namin. Si David naman ay kanina pa umalis dahil may klase narin daw.

"Frenny alam mo lately napapansin ko kay Kyle lagi siyang pumupunta sayo."biglang sabi ni Maryjane habang naglalakad kami.

"Pansin ko rin simula nung nagusap kami. Kinukulit nga ako sa chat"sagot ko naman at muntik na akong mapasigaw ng biglang hampasin ng malakas ni frenny ang braso ko.

"Ayy iba sabi ko magsosorry hindi makipagchat"prankang sabi niya sakin pero hindi na ako nakasagot pa dahil tumapat na kami sa classroom at kasunod nadin namin ang prof.

Nagsimula na ang exam namin 50 ang total items nang question mukhang ito lang ang gagawin namin kase ang bagal niyang magpa-exam na naboboringan naku. Kalaunan din dinismiss na kami pagkatapos sabi ko na nga ba walang klase.

Kasalukuyan akong naglalakad mag-isa sa hallway dahil nauna na si Maryjane may date daw sila ni Clarence akalain mo nga naman dahil sa merriage booth nayun nagkatuluyan ang dalawa.

"Hey nag-iisa ka?"nagulat ako sa biglang pagsulpot ni David sa harap ko

"Syempre wala akong kasama kaya nag-iisa ako"pilosopo kung sagot napakamot naman ito sa kanyang ulo.

"May klase kapa kain tayo"aya naman niya sakin.

"Wala na. Nga pala asan tropa mo?"baling ko namang tanong

"May tinatapos silang group project"sagot naman nito tumango naman ako bilanh tugon.

"Ano tara kain tayo wala naman na akong klase"aya muli niya sakin

"Sure sa mall tayo!"saad ko naman kaya lumabas na kami ng school at naghanap ng masasakyan.

Pagdating namin sa mall sa may  foodcourt na agad kami dumeretso at medyo maraming tao saturday kase ngayon kaya medyo matao sa mall.

"Uyy mag ice- cream tayo mamaya"sabi sakin ni David tumango naman ako dahil may laman pa ang bibig ko.

Matapos kaming kumain ay nagderetso kami sa isang ice-cream parlor. Nilibre ako ni David since siya daw naman ang nagyaya sakin.

"Madalas ka dito?"bulalas sakin ni David na nagtataka siguro ay napansin niya ang mga pagngiti at pagbati ko sa mga staff dito.

"Yup"maikling sagot ko namay kasamang tango.

"Lagi kase kami dito tumatambay ng barkada favorite spot kung baga ito din kase yung pinakamalapit na mall sa bahay namin kaya dito nalang kami nagpupunta"dagdag ko pa, kita ko naman ang pagngiti niya sakin habang sumusubo ng cookies and cream

"Tsaka hindi kami napayag na hindi dadaan dito kahit hindi kami dito gagala, halimbawa sa park kami pumunta or somewhere paguuwi na kami dadaan kami dito para kumain ng ice cream"kwento ko sa kanya

"Ang saya siguro sa barkada niyo pakilala mo naman ako next time"nakangiting sabi niya.

"Sige ba pag nagkayayaan uli kaming lumabas sasama kita"pangako ko naman dito ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay nag-aya na akong umuwi dahil gusto kunang magpahinga at alam ni Mama na maaga ang labas ko pag sabado. Nag volunteer pa si David na ihatid ako sa bahay pero tumanggi naku dahil malapit nalang naman.

Sumakay agad ako sa jeep paglabas namin at kumaway kay David habang umaandar ang jeep. Nang medyo malayo na sa kanya ay itinigil kuna at umayos ng upo pero sa labas parin ako nakatingin.

Isang kalabog sa dibdib ang naramdaman ko ng may mapansin ako sa labas kaya naman nagulat at napatulala nalang ako. Kinusot ko ang mata ko at nagpikit tsaka ako nagmulat muli baka kase namamalikmata lang ako pero hindi, hindi ako namamalikmata dahil kahit malayo na ang jeep ay nakikita ko padin na para bang sinusundan.

Nagtaka din ako kung bakit nakasunod hindi pala naandar ang jeep dahil traffic kaya naman pala. Agad akong nagiwas ng tingin pero hagip ng isang mata ko ang pagtatago.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now