Chapter 21

23 0 0
                                    

Anne's Pov

"Hmmm.. babe may lakad ka sa ba friday after class?"biglang tanong ni Kyle sa akin habang kumakain kami sa canteen

"Hmm.. wala naman bakit?"balik kung tanong sa kanya ng hindi tumitingin

"Ahh ayain sana kita sa bahay naisip ko kase na girlfriend na kita dipa kita napapakilala kay Lola"seryosong sabi niya na nagpakaba sakin.

"Ahhh. Wala naman akong gagawin kaw bahala"kinakabahan kung sabi

"Don't worry mabait naman si Lola tsaka lagi kitang kinekwento sa kanya tuwang tuwa nga si Lola"sa sinabi ni Kyle bigla akong nabuhayan at nawalan ng kaunting kaba

"Sige papaalam ako kay Mama"saad ko tsaka ngumiti at nagpatuloy sa pagkain break time namin ngayon at nagsabay kaming kumain dito sa canteen ni Kyle

"Siya nga pala sasama ako sa ospital mamaya after class"muli niyang sabi tumango naman ako dahil puno ang bibig ko ng pagkain

"Ang dami mong kain ahh gutom kaba?"muli niyang sabi

"Medyo hahaha hindi kase ako nakakain ng ayos nalate ako ng gising kaya ngayon lang ako bumabawi"sagot ng makatapos uminom ng tubig.

"Si basagulero oh nakatingin sau baka matunaw ka nyan"umirap lang ako kay Kyle at hindi nilingon si basagulero

"Ang arte mo ngayon may dalaw ka?"tanong niya matapos ko siyang irapan

"Wala naman"saad ko tsaka tumayo para pumasok sa sunod na subject

"Sige Kyle mauna naku magtatime narin naman bye kita nalang tayo mamaya"paalam ko, tumayo naman din siya at sabay kaming lumabas ng canteen.

Pagdating ko sa classroom ay dumating nadin ang teacher namin last exam naman ito this day at mamaya ay uwian na mabuti nalang at half day lang ang class mapupuntahan ko agad si Mama.

Makalipas ang isang oras ay natapos na ako marami nadin sa classmate ko ang tapos na kaya nagsilabasan na din kami. Hindi ako sumama sa kanila dahil naccr naku kaya nagderetso ako sa Cr ng building namin.

Limang minuto ang itinagal ko sa loob bago ako lumabas, habang naglalakad ako sa hallway ng Cr nakasalubong ko naman si basagulero na nakangisi na naman sakin pero kagaya ng dati hindi ko ito pinansin at deretsong naglakad papunta sa isang bench sa ground.

"Hoy luka san ka galing"sambit sakin ni Maryjane habang kumakain ng yero kaya kumuha din ako dahil favorite namin tong dalawa.

"Nag Cr lang"maikling sagot ko

"Anne si Kiko!"automatic akong napatayo ng marinig ko ang isa kung kaklase kaya napatakbo ako pabalik sa room kasama si Maryjane

Pagdating ko ay kanya kanya na namang awat ang mga kaklase kung natira sa classroom namin tapos na kase ang exam at ang iba ay naguuwian na

"Ano na namang nangyayari dito!!"malakas na sigaw ko na nagpatigil sa dalawa.

"Hindi ba kayu titigil ha! Go to the principal office now!"paguutos ko tsaka sila tinalikuran, matagal pa akong nagintay sa loob ng principal office bago dumating ang dalawa kung kaklase na lalaki hawak si Lance at si Kiko naman ay hinayaang maglakad magisa

Halos kalahating oras din nagusap sa loob kaya hindi agad ako makalabas, dahil kailangan kupang tapusin ang usapan. Nang matapos ay mabilis akong lumabas gusto ko pa sanang kausapin si Kiko pero hindi kuna nagawa dahil ang dami ng missed call ni Jayson.

Pagdating ko sa ospital ay inayos kuna ang bill ni Mama para makalabas na kami dahil kanina pa dapat siya lalabas inintay lang talaga ako kaya natagalan. Nang maayos kuna ay umuwi nadin agad kami.

"Hmm. Salamat sa pagbabantay kay Mama ha"saad ko sa tatlo habang kumakain

"Suss kami paba ayos lang yun"masayang sabi ng tatlo, kaya ngumiti ako bilang sukli, napapad naman ang mata ko sa may pintuan dahil may taong dumating

"Roxanne hay andito ka pala"saad ni Kyle na hingal na hingal

"Sorry nakalimutan ko sasama ka nga pala sakin"paghingi ko ng paumanhin dahil sadyang nakalimutan ko talaga dahil sa gulo kanina

"Dimo sinasagot tawag ko"reklamo nito

"Sorry nalowbat na kase ako tsaka inayos kupa si Mama nawala nadin kase sa isip ko gawa ni Lance sumugod na naman sa section namin"napakagat labi nalang ako matapos kung magsalita

"Hay naku wala talagang dulot yang Lance nayan"inis na saad niya, kita ko sa mata niya ang inis kaya nilapitan ko si Kyle na pinakalma

"Relax ayos na naman tsaka ikaw na ang nagsbi na wag kung pansinin diba"giit ko sa kanya para mawala ang inis niya

"Grabe pala yang classmate niyo na nunugod"sabat ni Jayson

"Excuse me! Hindi ko siya classmate schoolmate lang tsaka sabihin na nating kapitbahay na walang dulot sa earth"iritable kung sabi na ikinagulat nila

"Si Lance bayun?"takang tanong nila naikinatango ko

"Ano ginugulo ka nun!!"malakas na sigaw nang tatlo at akmang lalabas na ng bahay pero pinigilan ko

"Hoy san kayu pupunta kumakain pa kayu"naguguluhang tanong ko

"Dyan sa kapitbahay mo"maangas na sabi Jayson

"Tumigil nga kayu ayos na naman, na ayos kuna"paliwanag ko sa kanila para tumigil na

"Sabihin mo lang pag nanugod uli yan sa room  niyo kami na bahala, at ikaw pareng Kyle wag mong aamukin sa school baka mapa office ka ng darling mo hahahha magaling yan magpa office siga ka"pangaasar ni Waren

"Hoy tumigil ka nga mga katarantaduhan mo kumain na kayu pinagluto ko kayu oh"may halong pagbabanta ko tsaka ako bumaling kay Kyle at inalok siya ng pagkain.


Dumaan ang biyernes at pinakilala ako ni Kyle sa kanyang Lola at sa mga pinsan niyang andun. Nawala ang kaba ko ng makilala ko ang family niya mabait pala at maalaga na ka kwentuhan kupa ang Lola niya hanggang hindi pa ako umuuwi pati narin pinsan niya.

Masaya akong nakahiga sa kama ko dahil legal na kami both side. Ang saya lang sa feeling na wala kanang itinatago sa lahat although matagal ng alam ng Lola ni Kyle ang tungkol sa amin pero hindi niya pa ako napapakilala personal kaya super duper happy ko ngayong araw.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now