Chapter 5

45 0 0
                                    

Anne's Pov

"Sino bayan Mama"tanong ko habang palabas ng kwarto

Laking gulat ko naman ng pagtunghay ko ay si Kyle ang nakita ko halos hindi mawala ang paningin ko sa kanya pormang porma siya bagay na bagay ang suot niya light blue na polo and maong pants samahan pa ng maganda nitong ngiti

"Hoy anak papasukin mo muna bisita mo at may niluluto pa ako."bumalik ako sa reyalidad ng hampasin ako ni Mama sa braso.

"Hello pasok ka umupo kamuna"tarantang sabi ko.

"Ahh may practice ba?"wala sa ulirat na tanong ko dahil sa sobrang kaba

"Hey relax wala tayong practice I'm here for you"malumanay na sabi nito tska ngumiti

"What??"gulat na tanong ko.

"The flowers chocolate letters tsaka yung mga pagkain mong natatanggap for almost one month saken yun galing"seryosong sabi niya

"Ano sayo lahat galing?"hindi makapaniwalang sabi ko

"Yes sakin lahat yun ako ang nagbibigay sayo remember yung huling sulat ko sayo nagiipon pa ako ng lakas at ngayon ang araw na yun"seryosong seryosong sabi nito

"Wait lang iinom muna ako nakakabigla ka" Paalam ko bago dumeretso ng kusina

"Oh anyare sayo bat putlang putla ka masama ba lasa mo?"takang tanong ni Mama

"Ahh hindi po ayos lang po ako"sabi ko habang umiinom ng tubig

"Ma kakausapin daw kayo ni Kyle"sabi ko tsaka tinulak si Mama palabas

Nagtimpla muna ako ng juice para kay Kyle at nang mahimasmasan ay lumabas naku.

"Juice kamuna Kyle"sambit ko nang may ngiti

"Salamat"tugon nito

"Ahh Ma, nakalimutan kung ipakilala siya nga po pala si Kyle ka member ko sa dance troupe"pakilala ko

"May nakalimutan ka"saad ni Mama

"Nakalimutan ano po yun?"takang tanong ko

"Nakalimutan mong sabihin na manliligaw mo siya"giit ni Mama tsaka ngumiti

"Ha? Manliligaw hindi po"depensa ko naman

"Hindi mo pa pala alam, diba sabi mo kakausapin ako. Nagpaalam siya saken na liligawan ka at pumayag ako. Yung oo mo nalang ang iniintay pero tandaan niyo wag puro love mag focus din sa study okay"seryosong sabi ni Mama

Naiwan naman akong nakanganga at na ngangapa, samantalang si Mama naman ay bumalik sa kusina.

"Tita!!!"sigaw mula sa labas

"Oww Kyle andito ka na pala"sambit ni Maryjane

"Oo kanina pa"sagot naman ni Kyle

"Alam mo ito?"takang tanong ko

"Actually kanina lang paguwi ko nagchat siya saken at tinanong kung saan ang bahay niyo kaya sinabi ko dahil siya pala ang secret admirer mo besssyyy"giit ni Maryjane na ani moy kinikilig sinamaan ko naman siya ng tingin

"Sige dalhin ko muna ito kay tita goodluck Kyle"muling sabi niya at naglakad pa puntang kusina

"Ahhh Kyle salamat nga pala sa mga binibigay mo baka ang pera mo kabibili ng ibibigay saken"kinakabahang saad ko

"Don't worry hindi naman tsaka salamat dahil hindi mo tinatanggihan yung mga bigay ko kahit hindi moko kilala noon"

"Hindi ko kase ugali yun ang ayaw ko lang yung hindi nagpapakilala para ka kaseng stranger sa ginawa mo"

Nagulat naman ako ng bigla siyang matawa

"Pasensya kana natotorpe ako pero ngayon hindi kase nakaharap nakita"sambit nito na medyo nahihiya pa.

Si Kyle ay isang fourth year high school student at member ng dance troupe ang pagkakaalam ko ay matalino din ito ay minsan ng makasama ko sa isang contest. Namayani ang katahimikan saming dalawa kaya naman kahit na iilang ako ay nagsalita na ako.

"Kamusta ka naman"tanong ko

"Hmm. Ayos naman ikaw ba?"

"Ayos lang din"

"Ahh nakalimutan ko hindi pa pala kita natatanong kung pwede kitang ligawan?"nahihiyang tanong nito, hindi muna ako nagsalita ng ilang segundo.

"Malalaman mo ang sagot mamaya paguuwi kana"saad ko tsaka ngumiti

"Anak halina kayo kakain na tayo"sigaw ni Mama

"Sige po. Halika kain tayo"aya ko kay Kyle

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now