Chapter 2

163 2 0
                                    

Maryjane's Pov

Matapos ang break time ay nagsimula na muli ang klase at tatlong subject ang nagdaan bago maglunch.

"Hoy dance troupe daw may practice bukas after class"sigaw ng Vice president namin

"Maryjane tara na kumain"sigaw ni Roxanne sakin bago ako hinila palabas papuntang canteen

Pagdating namin ay agad na kaming pumili

"Ate isang kanin at isang order ng adobo"sambit ko bago nagbayad at sumunod naman si Anne

"One rice and isang order ng adobong sitaw"rinig kung sambit nito, nagpunta naman ako sa isang table malapit sa exit mahangin kase dun kaya masarap maupo dun.

Tahimik lang kaming kumain at matapos nun ay nagpunta na muli kaming classroom para sa sunod na klase.

"Hoy samahan mo muna ako sa cr wala pa naman si maam."aya sakin ni Anne

"Sana kanina kapa nagyaya bago pumasok"reklamo ko

"Che. Wag kang maarte dun tayo dadaan sa tapat ng room nina Clarence"sambit nito naikinalapad ng ngiti ko kaya agad ko siyang hinila palabas tamang silay lang kay crush.

Matapos naming mag cr ay pumasok na kami umpisa nadin kase ng klase naging maayos naman ang klase sa bawat subject.

"Frenny samahan moko sa Meralco babayad lang ako" rinig kung sabi saken ni Anne malapit lang kase dito ang Meralco

"Okay tara na baka magsara na yun anong oras na"giit ko

Nagmadali naman kaming maglakad palabas ng school upang pumunta sa Meralco na yan.
Pero may humarang saming isang babae.

"Ate Anne may nagpapabigay po"sabi nito siguro first year ang isang to

"Kanino galing?"tanong ni Anne
"Diko po kilala basta sabi niya ibigay ko po sa inyo kainin niyo na po baka matunaw"saad nito bago umalis, nilingon ko naman si Frenny na nakatulala sa ice cream at ang mukha ay parang nagtataka

"Hoy kainin mo na daw baka matunaw sayang effort nung tao"

"Ka---"hindi kuna pinatapos magsalita si Frenny at agad kung pinakain sa kanya ang ice cream habang naglalakad kami papuntang Meralco.

"Frenny ikaw nalang pumasok sa loob"sabi ko at tumango naman siya , limang minuto lamang ang itinagal niya sa loob matapos nun ay sumakay na kami ng jeep para umuwi.

Anne's Pov

"Guys anong oras na ba? "Sarkastikong tanong ni Waren sa iba pa naming kaibigan ng makarating kami ni Frenny sa kanto papasok samen.

"Maydinaan pa kami kaya nagtagal"depensa ni Maryjane sabay katos sa tatlo

"Aray ano ba"sabay sabay nilang sabi

"Reklamo kase kayo ng reklamo"saad nito sabay kuha ng baso at stick para paglagyan ng fishball salagay ay nagutom ang isang to.

Gumaya naman ako sa kanya medyo gutom pa ako hindi sapat ang ice cream lang hahah..

Kumuha ako ng tatlong kwek kwek at limang pisong fishball.

"Nga pala wag niyo na kami intayin ni Maryjane bukas may practice kami sa dance troupe"sabi ko sabay subo ng kwek kwek"

"Ay sayang naman hindi kayo makakasama"sabi ni Eithan

"San?"takang tanong ni Frenny

"Dyan lang maggagala"

"Ahh edi kayo nalang para all boys"sabi ko at nagderetso na sa pagkain

"Hoy tara na 5:30 na kailangan na nating umuwi"yaya ni Maryjane kaya naman nagsimula na kami maglakad

"Guys may dorbell "sabi ni Waren na may ngiti sa labi

"Sige pindutin mo yari ka sa aso dyan"sambit ni Jayson na nagpatawa saamin lahat dahil nung pinindot namin ng pinindot yung dorbell ay aso ang lumabas at hinabol kami kaya naman kung saan saan kami na punta.

"Sabi ko nga tara na"tsaka lumakad at nanguna.

Napakamot naman si Waren sa batok habang naglalakad samantalang kami ay malakas na tumatawa.

"Tanda niyo nung nadapa si Waren gawa hinabol nga aso"saad ni Jayson habang tumatawa

"Tapos umakyat sa puno ending nahulog"dagdag pa ni Ethan

HAHAHAHHAHAHAHAHAH

Malakas na tawanan ang inilabas namin samantalang si Waren ay inis na samin.

"Hayan na si Waren takbo mambabato na ahahhahhahah"

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now