Chapter 38

14 0 0
                                    

Anne's Pov

Muling lumipas ang mga buwan at natapos kuna ang pagiging second year college ko at ngayon I'm in the middle of being third year college. Mahirap dahil bukod sa acads ko ay mas naging abala ako sa mga organization na sinasalihan ko. Sumasali din ako sa volley ball ng inter barangay dito samin. Way of moving on and I'm proudly say that I'm survived nakalimutan ko ang sakit unti unting nawala ang kirot although may sugat pa pero alam ko namang mawawala din yun pag nagtagal na. Ang sakit ng kahapon ay tuluyan na ding nilisan ang katawan ko, ang puso ko.

Mas lumalim pa ang pagkakaibigan namin ni David. Umamin din siya na may gusto sakin at nagpaalam na manliligaw pero hindi ako pumayag dahil hindi ako handa sa bagay na iyon, pero pursigido siya at kahit daw hindi daw ako pumayag ay gagawin niya hanggang sa matutunan ko daw siyang mahalin at mahulog ako ng tuluyan sa kanya.

Kasalukuyan akong papalabas ng grocery dala dala ang dalawang supot ng aking binili  ng biglang may sumolpot sa harapan ko at kunin ang isang supot na dala ko.

"Anong mga pinamili mo?"tanong nito

"Ingredients para sa cupcake and cakes dami kasing order"sagot ko habang inaayos ang wallet ko.

"Nagbebake ka?"manghang tanong ni David

"Yup part time namin ni Mama"sagot ko namay kasamang tango. Nagulat naman ako sa naging reaksyon niya dahil sobrang lawak ng ngiti niya at napasigaw pa

"Sorry hahaha baka naman pwede akong makatikim ng gawa mo"nakapamulsang saad niya.

"Yup sure bukas anong gusto mong flavor dalawa kase yung gagawin ko. Chocolate or strawberry?"nakangiti kung tanong sa kanya

"Ikaw gusto ko"sabay kindat niya kaya na rolled eyes nalang ako.

"Sira sige na aalis naku tsaka pumasok kana diba may klase kapa"utos ko rito napakamot naman siya sa batok na parang nahihiya

"Yes boss sige ingat ka paguwi mamahalin pa kita."nakangiting saad nito. Pero napahinto ako dahil sa naalala ko

"Ingat paguwi mamahalin pa kita"katagang laging nagpapakilig sakin tuwing sinasabi ni Kyle dati nung kami pa.

Agad ko namang inalis sa isipan ko ang bagay na iyon at nagpilit nang ngiti kay David tsaka nagpaalam.

Pagdating ko sa bahay ay inayos ko ang aking mga binili tsaka ako nagluto ng aking kakainin mamaya. Alas onse nadin ng tanghali at mamaya ay magtatanghalian na ako.

Makatapos magluto ay kumain naku tsaka umiglip ng makaramdam ng antok. Bandang alas kwatro ng hapon ng malalimpungatan ako ng may marinig akong katok mula sa labas.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto para tingnan kung sino pagbukas ko ng pinto sa may sala si Maryjane ang bumungad sakin na halos hindi kuna malaman ang emosyon ng mukha

"Anyare?"pilosopo kung tanong.

"Anyare? Baka sa iyo dapat yan itanong kanina pa ako tawag ng tawag dito ang sakit na ng kamao ko kakakatok."reklamo niya "tsaka kanina pa kita tinatawagan ano bang ginagawa mo?"inis namang tanong niya mukhang meron ang babaeng yun ahh

"Natutulog"simpleng tanong ko sabay ngiti na lalong nagpaasar sa kanya

"Nakashabu ka prend?"seryoso kung sabi kadalasan kase ay ganito ang sinasabi ko sa kanga pag naiinis siya.

"Anong kailangan mo bulabog kasa pagtulog ko"kunot noo kung pagrereklamo ko.

"Hmm wala naman "malapad na ngiting sabi nito kaya naibato ko sa kanya ang unang malapit sakin.

"Aray naman frenny yaan muna tutulungan kitang gumawa ng requirements mo alam kung hindi kapa tapos"taas baba ang kilay niyang sabi.

Nanlaki naman ang mata ko dahil nakalimutan ko yun at dali daling pumunta sa kwarto ko para asikasuhin ito. Mayamaya lang ay pumasok si Maryjane sa loob namay dalang pagkain.

"Kain ka muna kala mo naman hindi mo yan matatapos mamaya ikaw pa"rinig kung sabi niya hindi na ako lumingos pa at nagtuloy tuloy sa paggawa.

Nang matapos ay saka ako kumain at nagbasa ng ilang notes ko para sa subject bukas. Bandang ala sais ay nagluto naku ng hapunan dahil dadating na mamaya si Mama. Si Maryjane naman ay umuwi narin dahil wala daw kasama si Jasper.

Sa pagsapit ng gabi nagbasa ako ng libro ko sa school nag advance reading naku. Nang makaramdam ako ng antok ay ibinalik kuna sa table ang libro at napansin ko na umilaw ang aking phone.

Nagtext pala si Davide.

Hey goodnight sleep well baby!

Hindi na ako nagreply pa dahil baka humaba pa ang usapan namin dahil nung nagreply ako noon ay nakipagtext pa siya sakin tsaka tumawag at inabot kami nun ng hating gabi. Buti nalang ay 10 pa ng umaga ang klase ko kaya medyo nakabawi pa ako kahit papaano ng tulog.

Paghiga ko ay naramdaman kuna agad ang lambot ng kama. Hinayaan kung maging alipin ng malabot na higaan. Medyo malamig ang gabi kaya naman hindi na ako nagprotesta pa nang unti- unting pumikit ang pareho kung mata at tuluyan nang makatulog.

A/N

Hello mga cutties malapit na tayo sa ending at sana suportahan niyo ito hanggang huli. Sama sama nating wakasan ang storyang ito. Hope you enjoy mga cutties😘💓

Just vote and comment, follow niyo nadin ako thank you💓💓

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now