Chapter 22

23 0 0
                                    

Anne's Pov

Malaki ang silay ng ngiti sa aking mga labi ng tawagin ang pangalan ng aking mahal hahah ni Kyle sasabitan na siya ng medalya at ang ikinagulat ko ay may isang lalaking nagsabit sa kanya ng medalya.

"Umuwi ba ang Papa niya"nasabi ko nalang sa isip ko habang nakatingin sa entablado.

"Hoy Frenny tawag ka sa faculty"tawag sakin ni Maryjane kaya napasimangot nalang ako at nagtungo sa faculty kami kase ang organizer ng graduation nina Kyle ngayon tumulong pa ako sa pagaayos ng dapat pang ayusin.

"Anne pasama naman magdala ng pagkain sa gym"pakiusap sakin ni Marianne kaya sinamahan kuna siya habang naglalakad kami ay nakita kung nagaalisan na ang mga tao sa may stage kung saan ginanap ng graduation.

"Babe!"napalingon ako sa tumawag hindi kuna sana papansinin dahil ang bigat ng dala ko pero baka magtampo kase alam kung si Kyle naman yun

"Yes Babe uyy congrats ha! I'm so proud of you"masayang bati ko sa kanya

"San punta mo akin na nga yan bat kaba nagbubuhat niyan ang bigat oh"reklamo niya sakin, siya pa nagreklamo hindi naman siya ang nagbuhat pero mabigat talaga siya

"Anne mauna naku kailangan na kase ito sunod kana lang agad"paalam naman ni Marianne tumango naman ako bilang pag sang ayon

"San niyo ba ito dadalhin ako na magdadala"tanong ni Kyle

"Ahhh sa gym pagkain ng dance troupe hindi pa kase sila nakain"saad ko.

"Oh anak siya ba?"napabaling ako sa lalaking nagsalita kamukhang kamukha niya si Kyle hulmang hulma

"Ahh opo Pa, si Roxanne po girlfriend ko"pakilala ni Kyle

"Hello po"saad ko tsaka nag mano

"Ang galing mong pumili anak ha!"natatawang saad ng Papa ni Kyle

"Talaga Pa, Hahaha talented tong girlfriend ko, wait lang pa dalhin ko lang to sa gym kailangan na daw kase"paalam ni Kyle

"Iha sumama kana samin sa bahay"aya ng Papa ni Kyle

"Ahh hindi po ako pwede madami pa po akong gagawin baka po sumunod nalang po ako"giit ko tska nagpaalam muli dahil kailangan naku sa gym.

Matapos ang buong maghapon ay nagpahinga muna ako saglit sa isang bench dito sa may ground pasado alas kwatro na ng hapon.

"Hindi kaba pupunta kina Kyle"tanong ni Maryjane tsaka tumabi sakin

"Mamaya pa magpapahinga muna ako, gusto mong sumama"giit ko sa kanya

"Wag na ikaw nalang napapagod naku hahaha tara mag cr tayo"aya ni Maryjane agad naman akong tumayo dahil gusto ko din mag cr tsaka magpapalit narin ako ng damit para makapunta na kina Kyle pasado alas kwatro narin ng hapon.

Pagpasok namin sa cr ay agad akong pumasok sa cubicle at umihi. Matapos nun ay naghugas akong kamay at pinunasan ko ng wipes ang mukha ko para malinis ng kunti. Kinuha ko sa dala kung bag ang damit ko para magpalit.

"Bat naman ngusong nguso ka dyan?"taka kung tanong kay Kyle ng madatnan kung nakaupo sa sofa at mahaba pa  ang nguso sa ilong

"Naku ate kanina pa yan ganan buti nga bumalik pa sa dati hahahah"pangaasar naman ng pinsan niya.

"Andito naku ohh, madami lang talaga akong inasikaso. Hindi na nga sana ako pupunta kakapagod ba naman" pangaasar ko dahil halatang kanina pa may sapak.

"Arayyy ano ba" natatawa kung sabi matapos akong batuhin ng unan." Inaaway moko bahala ka dyan uuwi naku"muli ko namang pangaasar tsaka umaktong lalabas ng bahay

"Subukan mong lumabas ng pintuan magkaka-anak ka ng wala sa oras"may pagbabantang saad niya, nagpanting naman ang aking tainga ng marinig ko iyon nanlaki din ang mga mata ko tsaka ako lumingon sa may gilid kung asan siya. Ngising ngisi naman ang luko.

"Bibig mo ang bastos alam mo yun" kunwaring galit kung sabi tsaka padabog na umupo sa isang sofa.

"Oh andyan kana  pala Roxanne kanina kapa inaantay niyang si Kyle para nga yang babae kung magkasapak"saad ni Tito na kadadating lang sa sala.

"Halika Roxanne kumain ka tara sa kusina"dagdag pa niya tumango naman ako at sumunod kay Tito ng hindi man lang tinatapunan ng tingin si Kyle, pagtitripan muna naten ang bagong graduate wahahahha

Lumabas ang evil smile ko habang naglalakad patungong kusina.

"Hi Lola mano po"bati ko sa Lola ni Kyle

"Iha andyan kana pala bat ngayon kalang"masayang sambit ni Lola

"Madami po akong inasikaso sa school kaya natagal po"sagot ko naman

"Siya ito kumain kana paniguradong pagod ka"asikaso naman sakin ni Lola

"Nay close na close na kayo ni Roxanne ahh"sabat naman ni tito na umiinom ng tubig

"Aba syempre lagi yang dinadala dito ni Kyle, alam mo bang napakabait na bata niyang si Roxanne"puri naman sakin Lola

"Aba maswerte pala ang anak ko sayo"masayang sabi ni Tito napatawa naman ako tsaka nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam muna ako kay Tito at Lola na pupunta lang kay Kyle, agad naman silang pumayag dahil hanggang ngayon daw ay hindi pa nawawala ang sapak nito na ikinatawa ko naman.

"Uyy gift ko sayo congrats"bati ko tsaka iniabot ang isang paperbag at ginawaran ng isang yakap.

"Mas gusto mo pa silang kasama  kesa sakin, kanina pa ako nagpapasuyo sayo anong ginawa mo naginarte din tapos kumain at nakipagkwentuhan sa kanila"inis na sabi niya sakin kaya naman kumalas ako sa pagkakayakap at sinamaan siya ng tingin

"Syempre gutom ng alaga ko tyan ganun talaga tsaka alam mo para kang babaeng may regla. Umayos kana uuwi naku mamaya"may pagbabanta kung sabi kaya agad na nagalarma si Kyle.

"Thankyou sa gift mamaya kuna bubuksan."sambit niya tsaka yumakap sakin.

"Kala ko dika na pupunta ang tagal mo"dagdag niya.

"Muntik na nga kakapagod banaman"pangaasar kung muli kagaya ng kanina kaya nakakuha na naman ako ng masamang tingin.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now