Chapter 43

27 0 0
                                    

David's Pov

Kasalukuyan ako ngayon dito sa mall inaantay ko si Roxanne may usapan kase kami ngayon na lalabas muna tsaka ngayon lang din ako nagkaroon ng time makasama siya super hetic kase ng schedule graduating ang daming kailangang tapusin.

"Hey David"napalingon ako sa tumawag sakin. She so beautiful wearing a simple white shirt and highwaist pants with a cute sling bag. Redish lips, messy hair. Oh damn perfect napakagat labi nalang ako. Wala akong masabe

"Hey laway mo tumutulo na masyado ba akong maganda para maglaway ka"bumalik ako sa ulirat ng pumalakpak siya sa harap ng mukha ko.

"Sorry you're so beautiful this day"muling puri ko.

"Well thankyou. Tara san tayo?"aya niya sakin

"Maglibot libot muna tayo""saad ko tsaka kinuha ang kamay na medyo nagulat pa siya pero kalaunan ay hinayaan din niya. Nasanay na daw din kase siya makipagholding hands sa mga laaki niyang kaibigan komportable na daw siya.

Yun ang naging masakit sakin hanggang ngayon kaibigan parin ang tingin niya sakin almost 5 months naku nanliligaw sa kanya pero hanggang ngayon wala parin siyang pagtingin sakin. Kundi kaibigan, tropa barkada. Pero pagmamahal ng isang babae sa isang lalaki wala, walang wala.

Pero willing to wait naman ako pasasaan ba't magkakaroon din ako ng puwang sa puso niya kunting tyaga pa.

Kung saan saang botique kami pumasok ni Roxanne. Bumili din ako ng isang polo tsakang  ilang gamit lang. Ganun din si Roxanne bumili din siya ng damit tsaka libro mga babasahin at ang isa ay para sa isang subject daw niya.

Sa isang oras naming paglilibot nakaramdam kami ng pagod kaya nagpahinga muna kami. Nagyaya nadin akong kumain dahil alas tres na medyo na gugutom narin ako.

"Nga pala hindi ako sasabay sayo pauwi"napatingin ako kay Roxanne nang magsalita ito habang kumakain

"Why? May dadaan kapa ba?"taka kung tanong habang inuubos ang kinakain

"Pupunta din kase si Mama dito mamaya may kikitain kaming kakilala"paliwanag niya sakin napatango naman ako tsaka muling itinuon ang atensyon sa pagkain.

Matapos naming kumain ay nagyaya si Roxanne mag arcade kaya pinagbigyan ko sa tuwing niyaya ko siya gusto niya maglalaro siya kaya pinagbibigyan ko. Halos dalawang oras kaming naglaro at marami din kaming ticket na naipon kaya pinapalitan namin ito isang small size na teddy bear.

Anne's Pov

Kanina pa kami naka upo sa isang bench malapit sa isang botique ng mga damit. Kanina ko parin nakikita si Kyle na nagmamasid samin. Anong problema ng lalaking yun iniinis lang ako. Mayamaya ay aalis tapos bigla nalang susulpot ano siya kabute?

"Anne kilala mo ba yun kanina pa tingin ng tingin satin"napalingos ako kay David mukhang nakita niya si Kyle at siguro nahalata na tingin ako ng tingin

"Hmm. Sino?"kunwaring hindi ko alam ang tinutukoy niya. Tinuro naman niya si Kyle kaya tumingin ako pero nakatakilod siya samin.

"Hindi hayaan muna baka naman hindi satin nakatingin"medyo irita kung sabi pero hindi ko pinahalata.

Tumingin ako sa cellphone ko six na pala baka andun na sina Mama kaya pa ikot ikot itong kurimaw na ito. May dinner kase kami with the fam mamaya hindi naman ako makatanggi dahil lumabas naman din ako.

Nagpaalam ako kay David nag offer pa ito na ihahatid ako papunta kay Mama pero tumanggi naku. Kinuha ko ang mga dala ko at nagpaalam sa kanya tsaka naglakad palayo.

"Ako na magdadala"napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko.

"Pwede bang wag kang sunod ng sunod sakin nakakasura kase"inis na sabi ko

"Sorry kanina kapa kase hinahanap ni Papa nagboluntaryo nalang akong hahanapin kita "mahinang tugon niya

"Wow! You made it. FYI sisipot naman ako sa dinner natin hindi mo ako kailangang hanapin tumutupad ako sa usapan. Nakikita mong may kasama ako tapos aaligid aligid ka dun "mariin kung sabi pero natahimik siya at mayamaya lang ay nagsalita

"Favor lang sana wag munang baliwalain si Papa nahihirapan na siya"seryosong sabi niya sakin.

"So ako hindi nahihirapan. Kung alam mo lang hirap na hirap naku sa sitwasyon lumalayo nalang ako para hindi maging masama sa kaharap niya, para hindi ko siya mabastos"napalunok ako sa sinabi ko nagbabadya na naman ang mga luha ko.

"Please lang sana wag kanang maging cold kay Papa alam mo bang umiiyak siya tuwing gabi dahil hindi niya alam kung anong gagawin mapansin mo lang. Lagi siyang nagtatanong bakit hindi siya magawang pansinin kibuin or bigyan ng atensyon nang anak niya."malumanay na tugon niya. Hindi ko alam kung bakit malumanay parin siya samantalang ako halos sasabog na

"Anong gusto mong gawin ko magpakaplastic sa harap niya, sa harap niyo. Kyle mas mabuti nang ganun ang pakikitungo atleast nagpapakatotoo ako sa harap nang tao"ang luhang pinipigilan ko ay tuluyan nang bumagsak

"Alam mo ang gusto kung gawin mo? Wag kang magpakaselfish Roxanne dahil sa pagiging makasarili mo may nasasaktan kana. Intindihin mo din ang feelings ang iba"lubas na ang galit sa kanyang katawan na kanina pa siguro pinipigilan.

"Selfish? Sige selfish na kung selfish. May nasasaktan naku. Pero sa tingin mo nung naging makasarili kayo walang kayung nasaktang tao. Kyle halos mamatay ako gabi gabi sa kakaisip kung anong nangyari tapos one day bumalik kayu at inaasan niyong maganda agad yung pakikitungo ko. Nakakamangha naman ang imagination mo Kyle Agustin?" Hindi kuna hinayan pang magsalita si Kyle. Umalis naku habang pinakakalma ang sarili pinahid kuna rin ang luhang tumulo sa aking mga mata at dumeretso sa meeting place namin ni Mama.

"Ang tagal niyo naman kanina pa kami dito" reklamo ni Papa ng dumating din si Kyle

"Hindi kopo agad nahanap tsaka naglibot libot parin po ako"pagsisinungaling naman niya tsaka tumingin sakin.

"Siya sige.. btw umorder na kami kung gusto pa kayu sabihin niyo na para masabay sa order."

Tapos ang dinner namin ng maayos pero hindi kami gaanong nagiimikan ni Kyle. Pagkinakailangan lang talaga para naman hindi nila mapansin na hindi kami nag-uusap.

Bandang alas otso ay naglakad lakad muna kami. Hinila ko si Mama para ako ang kasama niya nauna kami sa paglalakad.

Tagu TaguanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang