Chapter 46

62 2 0
                                    

Anne's Pov

Lumipas ang mga buwan at naging maayos ang takbo ng life ko graduate nadin ako at cumlaude ang ate mo.

Maayos nadin ang family ko ngayon ay lumipat na kami sa totoo naming bahay sa Bulacan nagsama na kase sina Mama at Papa. Pinag resign kuna din si Mama at pinag business nalang sa Bulacan.

Ngayon ay naghahanap pa ako ng trabaho dahil isang buwan din akong nagpahinga enjoy muna ako tsaka ako bumalik sa manila.

Kasalukuyan ako ngayong nakatira sa condo ni Kuya yayamanin na kase siya may condo na. Kami ang magkasama dito at minsan ay pumupunta si Allanis.

"Bunso may interview ka daw bukas sa company namin ahh"sambit ni Kuya habang kumakain kami

"Hmmm.. yup tinawagan naku patatlong company ko yung pinasahan ng resume ko siya palang yung unang tumawag"paliwanag ko naman.

"Good yun btw una naku ikaw na bahala sa dito baka malate naku. Bye ingat"

"Hoy mag toothbrush ka muna"halos pasigaw kung sabi na ikinatawa ko naman ng humarap siya sakin.

Pag alis ni Kuya ay naglinis naku ng condo araw araw ay ganito ang routine ko minsan lang ako lumalabas sayang ang pera tsaka ginagamit ko din yun sa pag aaply ng trabaho ko.

Ding dong ding dong

Napatingin ako sa may pinto at napaisip sinong tao ang pupunta dito. Dali dali akong nagpunta at binuksan ito.

"Hey frenny miss me?"maarteng sabi ni Maryjane

"Naku Maryjane hindi ikaw ang miss niyan kundi si basagulero"nagtawanan naman ang mga lalaki nang bumusangot ang mukha ni Maryjane.

"Totoo nga ang kasabihan na "The more you hate the more you love"suwestyon ni Maryjane habang pumapasok sa loob sumundo naman ang apat.

"Hey! Bati sakin ni Lance tsaka humalik sa pisngi"

"Sabihin mo the more sugat the more love"pag jojoke naman ni Jayson

"Paano tumawa ng malakas mukhang nakalimutan ko?"bara muli ni Maryjane.

Pero binato lang siya no Jayson ng unan at nagtungo sa kusina feel at home na ang tropa pag napunta dito. Kaya pinagpatuloy ko ang paglilinis.

Sila na ang nag-asikaso sa kanilang mga sarili nagpaaalam lang sila sakin.

Samantala naman ang chika ko sa lovelife tama kayu ng dinig kanina. Umamin kase sakin si Lance noon pa at nagpursige na manligaw kahit ayaw ko at ngayon nabihag na niya ang puso ko.

We are official now. Actually nitong nakaraan ko lang siya sinagot kaya ang mga tropa todo tukso samin.

Nang makatapos naku maglinis ng condo ay inasikaso kuna sila. Nasa sala kami ngayon nag momovie marathon kami horror movie ang pinili nila kaya naman napapatili kami pag super intense talaga ng scene. Mahihimatay ka talaga paghindi ka sanay.

Inabot kami ng maghapon bandang alasingko na sila umuwi. Kaya ngayon lang ako nakaligo, matapos ay nagluto naku ng hapunan namin good for three nag text kase si kuya na dito mag di-dinner si Allanis.

*********

Ilang taon ang lumipas at sa paglipas namang iyon ay naging maayos at syempre masaya. Madaming nangyaring hindi inaasahan, nakakagulat at mapapaisip kana lang bakit at paano.

Ngayon isang masayang pangyayari at hinding hindi makakalimutan busy ang lahat hindi maitago ang saya. Halos lahat ay nakangiti.

Naglalakad titigil sabay ngiti sa camera bago muling magtutuloy sa paglalakad. Gaya nila ay kasama din ako wearing a maroon long gown with my beautiful smile walking in a red carpet.

Nang makarating sa unahan ay nag mustra ako sa isang lalaki na congrats tsaka ngumiti gayun din naman siya saken.

Habang nakatayo ako ay nagflashback lahat saken. Simula ng mga pangako na pakakasalan mamahalin habang buhay iingatan, ngayon matutupad na ikakasal na ang lalaking minsan nang naging parte ng buhay ko at minsan ko ding minahal ngunit sa ibang babae na.

Ang ex ko ikakasal na at kitang kita ko ang saya sa kanyang mga mata, sa kanyang mga mukha walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan.

Lalo na ng maglakad ang babaeng mayamaya ay asawa na niya ang lupit ng tadhana beautiful in white pa yung kanta grabe.

Ngayon na wiwitness ko ang pag iisang dibdib nila. Ang ex ko na ngayon ay Kuya kuna ay ikinakasal na sa babaeng noon ay kaibigan lang pero kalaunan ay minahal niya ng sobra.

"You may now kiss the bride"malakas na palakpakan habang nagaganap ang kissing scene hahahaha..

Ngayon ay hindi magkanda-ugaga sa pagkuha ng litrato ang lahat hindi pinapalampas ang bawat pangyayari memorable talaga.

"Congrats kuya ate best wishes"lumapit ako sa kanilang dalawa at binigyan sila ng isang halik sa pisngi tsaka yumakap din.

                                 

"Kelan kasal niyo ni basagulero?"seryosong tanong ni Kuya engage nadin kasi kami ni Lance akalain mo yun. Yung dati kung kinaiinisan inaayaw ngayon magiging asawa kuna.

"Siguro sa susunod na taon dipa namin napaguusapan"nakangiti kung sabi kay Kuya habang nilalaro ang panganay niyang anak.

"Ang pogi mo naman mana ka-----"pinutol ko ang sasabihin ko nag aassume na naman kase si Kuya

"Syempre sakin pogi si tita diba pogi si tita"pangaasar ko kay Kuya nakakuha naman ako ng isang malakas na batok

"Ikakasal kana't lahat nagpapakatomboy kapa"inis niyang sabi inirapan ko naman siya.

"May asawa kana't lahat hindi kaparin pumapayag na lumalamang ako sayo"malakas ang tawa ko tsaka ibinato ang unan sa mukha niya at tumayo na.

                                   The end

*******************************************

Hey mga cuttie thankyou for supporting this story hope you like this story..

Thanks for reading lab lab ko kayo😚😚😚

Ang kwentong ito ay puro kathang isip lamang kaya naman ang mga pangyayaring at iba pang mga may kaugnayan sa totoong buhay ay hindi sinasadya.

UNEDITED!!

All right reserved!!

December 21, 2019-April 4, 2020




Tagu TaguanWhere stories live. Discover now