Chapter 35

16 0 0
                                    

Anne's Pov

Ala syete naku nakauwi at naabutan kuna si Mama sa bahay may klase pa kase ako nang ala singko at may practice pa uli kami kaya medyo ginabi narin.

"Roxanne halikana kakain na tayo ng makapagpahinga kana"aya ni Mama ng makita akong nakasalampak sa sofa dahil sa sobrang pagod.

"May pasok kaba bukas?"tanong naman ni Mama habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

"Wala po"maikling sagot ko at nagsimula nang kumain

"Buti naman, nga pala uuwi si Kuya Paolo mo dito bukas ikaw na ang bahala sa kanya"awtomatiko akong napatunghay at naging bakas sa mukha ko ang excitement ng marinig ko ang sinabi ni Mama.

"Talaga Ma? Anong oras po ang dating niya?"sabik kung tanong kay Mama hindi ko na kase siya nakikita.

"Oo, tsaka umaga siguro andito nayun kaya ikaw na ang bahala sa kanya"tumango naman ako kay Mama at bumalik na muli sa pagkain.

Matapos kumain ay naghugas naku ng pinggan na pinagkainan namin tsaka ako naglinis ng katawan at nagbihis ng damit.Ninam-nam ng katawan ko ang labot ng kama hanggang sa makatulog naku.

Kinabukasan

Tanghali naku nagising siguro ay dahil sa pagod nadin. Nasisiguro ko din na wala na si Mama at pumasok na sa trabaho niya dahil anong oras na din naman. Naginat-inat muna ako tsaka tiniklop ang kumot ko at inayos kuna din ang kama ko at lumabas.

Nagtungo ako kusina at nakita ko na may handa nang almusal sa lamesa. Naramdaman ko namang kumulo ang tyan ko. Grabe ang tyan ko makakita lang ng pagkain kumakalam na. Oo tama kayu ng dinig may mata ang tyan ko. Nagmumog muna ako para makakain na mamaya mag toothbrush nagugutom naku.

Habang kumakain ako ay may narinig akong kumakatok. Bigla ko namang naalala na dadating nga pala si Kuya Paolo kaya karipas akong nanakbo sa labas.

Isang malapad na ngiti at yakap ang sinalubong ko kay Kuya Paolo miss na miss kuna kase si Kuya ito lang ang pinaka super close ko sa aming magpipinsan yung iba ko kaseng pinsan ay nasa malalayo.

"Uyy hinay hinay baka magselos jowa"agad sabi ni Kuya kaya napahinto naman ako. Pero mukhang nakahalata si Kuya

"Oh! Bat natahimik ka?"tanong naman niya pero natameme ako ng ilang saglit at iniba nalang ang usapan.

"Halika Kuya pasok ka, kumain kana ba kain tayo"aya ko naman kay Kuya tsaka nagderetso sa kusina para ipaghanda siya ng plato at makakain nadin.

"Wala kabang pasok?"umiling naman ako bilang tugon.

"Great samahan niyo ko ni Kyle gumala"muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Kuya, ano daw samahan namin siya.

"Ahh Kuya may pasok yun ako nalang sasama sayo. Kumain kana masarap yan luto ni Mama"pilit kung inililihis ang usapan pero itong  si Kuya ay laging si Kyle ang tinatanong.

"Kamusta naman kayo? Tsaka teka lang nakakahalata naku kanina pa ako tanong ng tanong tungkol kay Kyle pero hindi mo naman ako sinasagot. Anong meron sa inyo?"takang tanong niya kaya hindi na ako nakapagpigil pa at sinabi nalang ang totoo.

"Ayun naging bula"simpleng sagot ko tsaka pinagpatuloy ang pagkain

"Ayy iniwan"tatango tangung sabi ni Kuya. Irap ang naiganti ko sa kanya pero ang luko tinawanan lang ako.

"Bat ka iniwan may third party?"seryosong sabi niya

"I don't know, diko pa daw pwede laman sa tamang panahon pa daw"kibit balikat kung sabi.

Magtatanong pa sana si Kuya Paolo ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Jayson calling

"Yes?"

"Ano daw oras klase mo hinahanap ka sa practice niyo need kana daw asap"pasigaw na sabi ni Jayson kaya nailayo ko ng kunti ang cellphone ko sa tenga

"Ha? Wala akong pasok ngayon"

"Edi pumunta ka dito sa school kanina pa ako kinukulit ni Natalia tawagan daw kita"asik naman niya mukhang inis na kay Natalia

"Sige pupunta ako sabihin mo ha."saad ko tsaka ibinaba ang tawag nagmadali naman akong kumuha ng tuwalya sa kwarto at nangaripas ng takbo papuntang cr buti nalang tapos naku kumain.

"Kuya Pao. Ikaw muna bahala dyan kailangan lang ako sa school mamaya nakita sasamahang gumala o kaya bukas"madali kung sabi tsaka pumasok sa cr at ginawa ang ritwal.

Pagkatapos kung ayusin ang sarili ay nagpaalam na agad ako kay Kuya at mabilis na tinahak ang papuntang school buti nalang madali akong nakasakay.

"Goodmorning mukhang nagmamadali ahh"bati ni Kuya guard

"Goodmorning po!"tanging sagot ko nalang tsaka nanakbo papuntang performing art.

Mabilis namang nagsimula ang practice dahil wala namang klase ang iba at ako nalang ang iniintay kaya naman todo sorry ako sa kanila.

"Pa VIP ka ahh"natatawang sabi ni David.

Author: si David po ay si Kyle na nasigawan niya Kyle David po. Wala lang share ko lang.

"Ayy grabe David ipamukha pa sige pa!"sarkastiko kung sagot tsaka tumawa kita ko namang nangunot ang noo niya

"David? Ikaw lang tumawag sakin niyan"kunot noo parin niyang sabi.

"Alangan namang Kyle remember bawal magsabi ng badwords"kibit balikat kung sabi

"Ayy grabe so badwords pala ang pangalan ko"tatango tango pa niyang sabi sakin. Ako naman ay napakamot sa ulo at napasimangot

"Don't I understand"nakangiti na niyang saad sakin tsaka ginulo ang buhok ko.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now