Chapter 39

14 0 0
                                    

Anne's Pov

"Ahh anak"nilingos ko si Mama nang tawagin niya ako.

"Ano po yun Ma?"tanong ko bago bumalik sa pagiimpake ng mga cupcakes

"Nagpakita sakin Papa mo"nagulat ako sa nasabi ni Mama at napatigil sa aking ginagawa.

"Talaga Ma? Kelan po?"nagkaroon ng excitement sa mga mata ko. Nagkaroon ang puso ko ng pagasa na makita ang Papa ko

"Hmm. Isang buwan na nakakaraan anak"pilit na ngumiti si Mama.

"Kaya pala Ma minsan ang tagal unuwi sabi overtime lang pero may date hahahaha"biro ko kay Mama tsaka ako bumalik sa ginagawa dahil malalate naku.

"Hoy Roxanne."puna sakin ni Mama na ikinatawa ko lamang  "gusto ka daw niya makita pag di daw busy baka pumunta siya dito sa bahay. Pinakita ko nga yung picture mo tas sabi parang familiar ka daw"kwento ni Mama

"Oh? Baka po nakasabay ko sa jeep o somewhere, nagpagtanungan kaya po pamilyar."tugon ko

"Baka nga imposible kaseng magkita kayu"

"Ma! Gusto kupa po sana magkipagkwentuhan kaya lang po malalate na po ako kita nalang po mamaya"paalam ko kay Mama tsaka binitbit ang dalawang paper bag at isang box.

Narinig ko naman mula sa labas si Maryjane kaya lumabas naku at inabot sa kanya ang box  namay lamang cake. Pupunta kami sa orphanage na tinutulungan namin isang project nang performing arts club.

Nang makarating kami sa may QC kung asan ang orphanage ay nakita ko agad ang mga batang naglalaro. Napatigil naman ang mga ito nang makita kami. Kitang kita ko ang saya at pananabik nila sa pagdating naming muli.

Isa isang buwan ay nakakabisita kami ng dalawa o isang beses kung hindi hetic ang schedule ng bawat isa para lang magkaroon nang kasiyahan sa loob ng orphanage. Tuwing pumupunta kami naghahanda kami ng mga palaro, performance para mapasaya lang sila. Namimigay din kami nang kaunting regalo sa kanila.

6 months nadin namin ginagawa ito at nasanay naku. Ginagabi na kami sa paguwi tuwing andito kami dahil ayaw kaming paalisin nang mga bata.

-----

Sumapit ang  ala-sais ng gabi at ngayon ay nasa gitna pa kami ng daan dahil inabot kami ng traffic. Buti nalang ay QC lang ang pinanggalingan namin medyo malapit nadin.

Makaraan ang kalahating oras na naipit sa traffic ay nakarating nadin kami samin.

"Bye  frenny goodnight!"paalam ni Maryjane sakin pagtapat ng bahay namin

"Bye goodnight din"kumaway ako bago pumasok sa gate. Pero nagtaka naman ako sa sasakyan na nakapark sa harap namin. Tiningnan ko lang ito at binalewala din dahil baka dito lang nagpark.

Sa pagtapak ko sa unahan ng pinto ay mas lalo pa akong nagulat at nagtaka nang madatnan ko ang isang lalaki na nakangiti at deretsong nakatingin sakin. Bakit andito siya anong ginagawa niya dito. Hindi agad ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko nakatitig lang ako sa lalaki at pinagmamasdan siya. Laking gulat kupa nang lumapit ito sakin at bigyan ako ng isang malaki at mahigpit na yakap.

"A---no pong gina-gawa niyo rito tito?"utal kung tanong pero para bang nabingi ako sa kanyang sinagot at hindi na muling nakagalaw pa.

"Anak! Ikaw na bayan ang laki muna, ang ganda ganda mo"sambit niya habang yakap parin ako. Napatingin naman ako kay Mama na kita kung lumabas mula sa kusina. Isang ngiti lang ni Mama ang iginawad niya bilang sagot sa lahat nang mga katanungan ko sa oras na iyun.

Sa pagkalas ng yakap ni Tito ay bigla nalang akong nanakbo papasok nang kusina at inilagay ang dala kung paper bag yun nalang ang tanging nagawa ko para makaiwas. Kumuha ako ng baso  upang lagyan ng tubig dahil pakiramdam ko ay natuyuan naku ng lalamunan.

Napatigil ako sa paginom. Hindi maari, hindi pwede na ang tatay ko ay tatay din niya. Sa dinami dami nang tao sa mundo bat siya pa. Wala nabang iba. Hindi ko siya pwede maging kapatid hindi. Hindi pwedeng si Kyle.

"Papa!"

Halos magpanting ang aking tainga nang marinig ko muli ang pamilyar na boses. Ang kaninang pinipigilang kung luha ay bumagsak na. Ang galit at inis ang sakit na nararamdaman ko ay nagbalik.

"What are you doing here?"halos pasigaw kunang sabi kay Kyle nang matagpuan ko ang sarili kung bumalik sa sala.

"Get out! Your not welcome here!"mariin kung sabi sabay duro sa may pintuan. Kitang kita ko ang takot at pagkagulat niya.

"Ro--, Roxanne sorry"nanginginig na lumapit si Kyle sakin.

"Wag moko hawakan,"nandidiri kung sinabi matapos niyang akmaing hawakan ako.

"Bakit andito ka bat bumalik kapa!"hindi ko siya matingnan sa mata dahil mas lalo akong nasasaktan.

Akma na naman niya akong yayakapin pinigilan ko siya pero dahil sa panghihina ko nabalot na niya ako ng kanyang mga bisig. Nagpupumiglas ako pero sa sobrang lakas niya hindi ko magawang makawala. Tanging sorry lang ang sinasabit niya sakin ramdam ko din ang pagiyak niya. Nang makahanap ako ng tyempo ay nakawala ako sa mga yakap niya.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now