Chapter 41

16 0 0
                                    

Kyle's Pov

Pero wag kang umasa na magiging maganda ang pakikitungo ko sayo. Pinatawad lang kita pero hindi ko tanggap ang sitwasyon kahit naiintindahan ko."

Nagpaulit-ulit ang huling sinabi sakin ni Roxanne kanina hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Agad namang sumalubong si Tita at Papa na alang alala samin.

Mayamaya lang ay naghanda na si Tita ng hapunan dahil gabi nadin. Naging tahimik ang hapagkainan hanggang sa magsalita si Tita

"Anak kamusta yung pagpunta niyo sa orphanage?"baling ni Tita kay Roxanne habang kumakain. Napatigil naman si Roxanne sa pagkain bago ito nagsalita.

"Ayos lang po. Tsaka thankyou daw po sabi ni Jona sa gift"

"May tinutulungan kang orphanage anak?"sabat naman ni Papa na medyo nagpakirot sakin, pero walang kibo si Roxanne kaya si Tita ang sumagot.

"Naku, may tinutulungan sila na orphanage sa may QC project nila sa club sa school. Alam mo bang sobrang busy niyang anak mo ang daming sinasalihan na mga contest daming pinupuntahang events."pagmamalaki ni Tita napalingon naman ako kay Roxanne na tahimik lang kumakain.

"Aba ang galing naman ng bunso ko parehas kayo ng kuya mo"proud na saad ni Papa

Nakita kung mahigpit ang kapit ni Roxanne sa mga kubyertos tsaka nagkaroon ng pekeng ngiti sa mga labi.

Mayamaya lang natapos na kami sa pagkain nagboluntaryo si Roxanne na maghugas ng pinagkainan namin. Nagprisinta naman akong tutulong pero hindi siya nag protesta bagkus hinayaan niya lang ako dun.

"Kamusta?"pagbasag ko ng katahimikan

"Ayos lang"malamig na sagot niya sakin, tsaka umalis hindi ko napansin na tapos na pala siya sa ginagawa niya.

Sumunod naman ako kita ko namang pinaupo siya ni tita sa tabi nila siguro ay nais makipagkwentuhan ni Papa.

"Sorry Ma, ayaw ko makapagkwentuhan sa mga sinungaling"malamig na tugon niya tsaka tumingin kay Papa sunod sakin. Sinaway naman siya ni Tita pero parang ngayon ay nakikita ko ang hindi ko kilalang si Roxanne para bang may nagbago

"Sorry Ma, ang hirap lang kasing tanggapin yung sitwasyon ngayon ang sakit kase. Hindi ko alam kung saan ako lulugar"maluha luhang saad ni Roxanne tsaka umalis patungong kwarto.

Hindi na lumabas pa ng kanyang silid si Roxanne kaya naman mayamaya lang din ay nagpaalam na kami kay Tita dahil gabi narin.

Anne's Pov

Alas dose na at hindi parin ako makatulog buti nalang ay linggo bukas walang pasok. Patuloy parin ang pagtulo ng luha ko halos mabasa na ang unan na kanina kopa yakap yakap.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Lungkot, saya, galit at sakit, hindi kuna alam ang susundin ko naiintindihan ko ang mga nangyayari pero ang akin lang sana hindi nila pinaabot ng isang taon. Bakit kailangan pang tumagal. Napahilamos nalang ako at napabangon at tumitig sa kawalan.

Kinabukasan

Maaga parin akong nagising kahit hindi ako nakatulog ng ayos paglabas ko sa kwarto ay may handa nang almusal sa lamesa.

"Anak kain na baka malate tayo sa misa"aya sakin ni Mama.

Naging tahimik naman ang pagkain namin hanggang sa makatapos kami. Nagpaalam naku kay Mama na maghahanda na kaya siya nalang ang naglinis ng pinagkainan namin.

Lumipas ang trenta minutos ay nagtungo na kami sa simbahan. Halos papuno nadin ang mga upuan nang dumating kami nakita ko naman sina Waren, Jayson, Eithan at Maryjane kasama ang kanilang pamilya kumaway naman ako sa apat na medyo nasa bandang unahan. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang misa. Tungkol sa pamilya ang homly ni father.
Kaya tahimik nalang akong nakinig.

Pagkauwi namin sa bahay ay agad akong nagbihis at nagpasada ng isang walis. Naglinis muna ako ng bahay matapos ay nagpahinga saglit. Makaraan ang sampung minutos ay pumasok ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang isang maliit na notebook.

Madami akong kailangang tapusin halos lahat ay kailangan kung ipasa bukas dahil hindi ako naka attend ng ilang subject ko last week dahil sa contest na sinalihan ng school.

Pumayag naman ang Prof namin na after ng contest magpapasa. Meron ding akong reporting bukas kaya kailangan ko iyong matapos.

Mabilis kung kinuha ang mga gamit na kailangan ko nagumpisa muna ako sa homework.

Makalipas ang isang oras ay natapos ko ang mga homework ko. Sinunod ko naman ang mga activity. May kailangang iprint may handwritten rin naman.

Sa kalagitnaan ng paggagawa ko ay medyo nagkulang ang supplies ko kaya mabilis kung kinuha ang wallet ko tiningnan ko din ang kulang sa project kung gagawin pati sa report para isang bilihan kuna lang.

"Mama bibili lang po akong supplies sa kanto"aligaga kung sabi pero nagulat ako ng andun pala sila sa sala. Oo kasama kase si Papa tsaka si Kyle.

Hindi ko naman na pinansin dahil nangaripas naku palabas. Pagdating ko sa tindahan ay agad kung inabot ang isang maliit kay ate Monica.

"Eto na Roxanne 100 lahat. Tsaka ang dami mong pinamili"puna ni ate sakin

"Naubusan ng supplies tsaka maraming kailangan. Paano ate una naku salamat"paalam ko matapos maibigay ang bayad.

Lakad takbo ang ginawa ko para mabilis makauwi at medyo mainit din. Saktong pagdating ko sa bahay ay niyaya naku ni Mama mag lunch kaya tinabi ko muna ang mga binili ko sa kwarto.

"Anak nag-aya Papa mo lumabas"pagsasalita ni Mama sa kalagitnaan ng pagakain.

"Kayo nalang po madami akong kailangang tapusin"agad kung sagot bago bumalik sa pagkain.

Nang matapos ay agad akong nagpaalam para maituloy kuna ang ginagawa ko.

Gupit dito, gupit doon. Sulat dito sulat doon. Drawing here drawing there. Halos ngalay na ngalay naku,pero keri parin dahil matatapos na naman ako. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa may dingding. Alas tres na pala at medyo nagpaparamdam na ang mga alaga ko kakaunti lang kase ang nakain ko kanina dahil sa pagmamadali.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now