Chapter 13

20 0 0
                                    

Anne's Pov

"Ang dami mo namang inorder mauubos ba natin ito?"tanong ko sa kanya ng makarating ang order naming sandamakmak.

"Oo naman uubusin natin lahat yan"seryosong sabi niya habang kumakain ng fries

"Hoy baka wala kanang pera ha. San ka kumuha ng pambili?"nagaalalang tanong ko dahil lagi nalang niya akong nililibre

"Don't worry sa ipon ko galing yan"sabay tapat ng fries sa aking bibig kaya wala akong nagawa kung hindi hayaan siyang isubo yun sakin

"Kumain kana dami mong tanong eh"reklamo niya kaya kumain nalang ako.

"Wait picture tayo"aya ko tsaka inilabas ang cellphone ko at nagtungo sa camera.

"Smile" sambit ko tsaka ngumiti naka ilang click ata ako nun mga wacky face and simple smile ang naging pose naming dalawa.

"Grabe busog naku ubusin mo lahat yan ha."nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kyle.

"What patatabain mo ba ako ng husto ang dami pa niyan"reklamo ko

"Hmmm.."pagakto niyang nagiisip "oo naman patatabain kita ng pagkain pati ng pagmamahal ko"sabay kindat niya sakin dahilan ng pamumula ko

"Ang corny mo pero kung papatabain moko dapat ikaw din hindi pwedeng ako lang ang unfair kaya nun"pagmamaktol ko tsaka isinubo sa kanya ang kutsarang may ice cream.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan aber?"mataray kung tanong

"Wala lang ang sweet mo talaga"sabay pingot niya sa ilong ko dahilan kung bakit ito namula

"Hoy masakit yun!"pagrereklamo pero tinawanan niya lang ako tapos biglang sumeryoso ang mukha. May sapi ba itong si Kyle ano bang nangyayari dito

"May tanong ako sayo"pagbaling niya sakin

"Hindi ka teacher, hindi ka attorney para magtanong"pambabara ko dahil nakaisip ako ng kalukuhan.

"Luh bakit teacher lang ba o attorney ang pwedeng magtanong"pagmamaktol nito

"Oo!"deretso kung sabi tsaka tumayo upang pumuntang restroom tinawag pa niya ako pero hindi ako lumingon ipaprank natin siyang galit ako whahahahh..

Nang makapasok ako sa cr ay umihi naku dahil kanina pa ako naiihi tsaka ako nag hugas ng kamay at bumalik sa pwesto namin kanina

"Hoy!"tawag sakin ni Kyle pero hindi ko pinansin patuloy lang akong kumakain habang nakatingin sa kung saan tsaka babaling sa cellphone ko.

"Hoy! May tatanong nga ako sayo"pangungulit niya pero hindi ko padin pinapansin hanggang sa tumigil na siga dahil nagmumukha na siyang ewan hahaha samantalang ako tamang pigil lang ng tawa.

Pero nagulat ako ng bigla nalang siyang umiyak hala nakaka guilty

"Sorry na masakit ba?"pagmamakaawa niya pero ako eto nakaisip na naman ng kalukuhan kaya vinedyohan ko siya habang umiiyak

"Anne sorry na "umiiyak na sabi nito mga isang minuto ang video kaya itinigil kuna tsaka bumanat ng malakas na tawa.

"Hey are you okay? Why are you crying?"patay malisya kung tanong

"Pinagtritripan moko Roxanne ha. Lagot ka sakin"pagbabanta niya pero ako sobrang sakit na ng tiyan kakatawa.

"Takot ako Kyle whahahahhahahahha"pangaasar kopa sa kanya.

"Hay naku abnormal din pala yung taong mahal ko"iling iling na sabi niya habang ako ay humupa ang pagtawa.

Inubos kuna yung ice cream na natitira tsaka uminom ng softdrink. Matapos nun ay nagyaya na si Kyle na umuwi dadaan daw  muna siya sa amin.

"Hoy wala akong handa bukas pa daw magluluto si Mama saturday kaya pumunta ka bukas ha."aya ko sa kanya pero tinitigan lang niya ako.

"Sa tingin mo makakain pa ako sa dami nating kinain tsaka gusto kitang ihatid hindi naman pagkain pinunta ko dun"asik niya kaya medyo napayuko ako sa hiya pero inakbayan niya ako siguro ay napansin niya yun.

"Don't worry kakain parin ako kahit busog naku at sabi mo nga kanina kung tataba ako tataba kadin kaya kahit busog na tayo kakain parin tayo"maayos na sabi niya sakin tsaka kami sumakay ng jeep siya din ang nagbayad ng pamasahe ko dahil birthday ko naman daw.

Ilang minuto lang ay nakadating na kami sa kanto namin at eto na namang isa ay busy kakapindot sa cellphone niya pero hinayaan ko lang dahil sa privacy.

Ng makarating kami sa tapat ng bahay ay pinagbuksan pa ako ni Kyle sabay lahad ng dalawang kamay na animong pinapapasok ako. Napangiti naman ako sa ginawa niya and at the same time nagtataka din. Binuksan ko ang pinto tsaka pumasok na sumunod naman si Kyke dahil iinom daw siya kaya sabi ko kumuha na siya sa kusina at ipapasok ko lang ang bag ko sa kwarto.

"Surprise!!"malakas na sigaw nilag lahat na nagpagulat saken.

"Happy birthday to you happy birthday to you happy birthday happbirthday happy birthday to you!!!"malakas nilang kanta habang si Mama naman ay lumapit sakin hawak ang cake hinipan ko ang kandila pagkatapos ko mag wish at kinuha ko kay Mama ang cake at inilipag ito sa mesa tsaka ko niyakap si Mama

"Thankyou Ma. I love you😚😚"sabi ko hanggang sa tumulo na ang luha ko.

"And to all my bestfriends thankyou"humihikbi kung sabi

"Oh masyado niyong pinaiyak si Anne ha. Nakuha kayo"pambibiro ni Maryjane

"Kyle thankyou kaya pala ikinain mo pa ako"natatawa kung sabi

"Oo nga eh ikaw na pinakain ikaw pa nangaway"natatawang sabi naman ni Kyle

"Hoy prank nga lang yun ano ba kumain na tayo mukhang gutom na gutom na kayo eh"pagaaya ko sa kanila

"Ayun ang hinihintay namin Hahahah"malakas na tawa ni Waren

"Uyy Kyle kain na diba sabi mo kakain ka"malambing na sabi ko na kinalakhan naman niya ng mata

"Hoy Roxanne kailan kapa natotong lumande?"maangas na puna sakin ni Maryjane "aba nasa harap tayo ng pagkain hoy mahiya ka"dagdag pa nito

"Alam mo Maryjane wag tayong magpakabitter ha! Hayaan mo sasapukin ko yang gago mong ex"sabi naman ni Ethan na may halong pangaasar

"Che! Tumigil ka chansing ka pa e no?"pairap na sabi ni Maryjane tsaka tinanggal ang kamay ni Ethan sa kanyang balikat

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now