Chapter 31

17 0 0
                                    

Anne's Pov

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa mall matatapos lang namin manuod ng sine isang horror movie na sadyang kikilabutan ka ng sobra tipong dika na makakaisang umuhi yung feeling mo laging may nakasunod sayo o kaya may katabi kang hindi mo naman nakikita basta ramdam mo lang na may tao sa tabi mo pero paglilingon ka wala kang makikita hindi ka talaga makakamove on.

"Ano san tayo kain muna tayo ng lunch gutom naku"sabi naman nj Jayson

"Kung sino nag-aya siya ang manlilibre"protesta naman namin ni Maryjane

"Ayy di wag nalang tayo kumain sama sama tayong mamatay sa gutom"biro naman niya kaya nagsitawanan ang lahat at umayon pa sa sinasabi niya

"Guys mahal na mahal ko kayo alam kung kahit sama sama tayong mamatay sa gutom ma mi-miss ko kayong lahat kita kita sa heaven"pag-arte naman ni Eithan na ikinatawa naming lahat

"Ay iba den best actor"sabat ko naman at nagtawanan na naman kami.

"Wala na busog na sa kakatawa dina makakain"saad ni Maryjane kaya naman nagkasundo sundo na kami na kakain sa isang resto jusko ubos pera namin dito.

Well may ipon naman ang tropa pang kain kaya yun nalang yung gagastusin namin. Ganito kase kami nagiipon ng paggala para lahat kasama paggumala walang iwan.

Habang nagtitingin ako ng kakainin namin sa menu ay bigla akong may napansin na pamilyar sakin kaya napabaling dun ang atensyon ko.

"KYLE!!"napabulalas ko nalang tsaka walang alinlangang nanakbo kay Kyle.

"Kyle!"hinihingal kupang sabi, kita ko naman sa kanya ang pagkagulat

"A-nong ginagawa mo dito paano mo nalaman na andito ako."nauutal pa niyang sabi

"Kyle please magusap tayo"pagmamakaawa ko.

"A--nong paguusapan natin? Wala tayong paguusapan"cold niyang sabi sakin

"Please naman Kyle ang tagal kitang hinanap san kaba pumunta ayaw muna ba ha. Kaya pinagtataguan moko"medyo pumiyok naku alam kung ano mang oras ay lalaglag na ang mga luha ko pinipigilan ko lang ito.

"Buti naman alam mo tsaka hindi ko sinabing hanapin moko ayaw kuna sayo, pagna-iisip ko na naging girlfriend kita nasusuka ako sa sarili ko nakakadiri Roxanne kaya itigil na natin"cold parin niyang sabi at parang aneng ane sa sarili pati sakin.

"Pero bakit anong nagawa ko may nangyari ba Kyle sabihin mo?"tuluyan na nga na bumagsak ang mga luha ko sumuko at hindi nakatiis

"Hindi mo pa pwedeng malaman sa tamang panahon malalaman mo din"malamig na naman niyang sabi halos hindi na nagbabago ang emosyon niya.

"Anong ba--t hindi ipaliwanag mo sakin"pagpupumilit ko pero napa baling ako sa dumating pagtingin ko si Allanis na gulat na gulat.

"Kyle tara na baka hanapin na tayo nina Mommy"saad niya tsaka umalis sa harapan namin. Hindi na naman nagsalita si Kyle bagkus ay sumunod siya kay Allanis kaya naman tuluyan nang nanlambot ang tuhod ko. Buti nalamang at may bench sa tabi ko at naupo nalang ako dahil sa panghihina.

"Bes anong nangyari?"rinig kung sabi ni Maryjane sa tabi ko.

"Bakit ganun Maryjane tao lang din ako may karapatan din naman siguro ako"umiiyak kung sabi.

"A--no bang nangyari anong sabi sayo ni Kyle"alalang tanong muli niya.

"Nakipaghiwalay na siya ng tuluyan pero bat ganun parang wala akong karapatan kung bakit siya nakipaghiwalay ano bang mali sakin Maryjane bakit kailangang umabot sa ganito, ayaw niya akong kausapin at ang mas malala kasama pa niya si Allanis bakit mas may oras ba si Allanis sa kanya kesa sa akin"pagmumukmok ko halos tumulo nadin ang sipon ko sa pagiyak.

"Frenny anong sabi mo hindi kana iiyak sa lalaking yun diba kaya tumahan kana. Eto ang panyo tumahan kana ready na ang food natin"alo naman sakin ni Maryjane kaya naman pinunasan kuna ang luha ko at umaktong walang nangyari.

Pagbalik namin sa resto ay wala nang nagsalita kahit isa. Kumain nalang kami ng tahimik at walang kibuan.

Mayamaya lang ay nag arcade na kami at medyo nawala na ang sakit nag eenjoy na muli ako sana hindi na matapos ang araw na ito sana masaya nalang lagi at walang malungkot. Pero hindi pwede matatapos at matatapos ang araw na ito.

Pagsapit ng ala singko ay nasa bahay na ako at nagpapahinga masyadong maraming nangyari sa araw na ito at nakakapagod.

"Buti naman alam mo tsaka hindi ko sinabing hanapin moko ayaw kuna sayo, pagna-iisip ko na naging girlfriend kita nasusuka ako sa sarili ko nakakadiri Roxanne kaya itigil na natin"

"Hindi mo pa pwedeng malaman sa tamang panahon malalaman mo din"

Muling nagpaikot ikot sa isipan ko ang mga sinabi ni Kyle kanina sakin. Naramdaman ko namang muli ang luha sa mga pisngi ko. Naalala ko ang sinabi ko noon na hindi na ako iiyak dahil sa lalaking yun kaya huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang mga luha ko tsaka kumalma.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now