Chapter 33

19 0 0
                                    

Anne's Pov

Katatapos lang namin mag meeting sa theater at hindi ako masaya sa naging resulta ng mabasa ko ng tuluyan ang story ng play dahil ako ang bida at nakakarelate ako. Ang ikinaiinis kupa ay ang partner ko ay Kyle din ang pangalan.

Pinaglalaruan na ata ako ng tadhana gusto kuna siyang kalimutan dahil sa tuwing naaalala ko siya ay paulit-ulit akong sinasaksak paulit-ulit kung nararamdaman ang sakit. Minsan natatanong ko sa sarili ko bakit kailangan kung maranasan ang ganitong pangyayari, may nagawa ba ako para damhin ko ito.

Ngayon ay pinagmamasdan ko ang papel na ibinigay sakin kailangan ko pa itong sauluhin dahil ako ang bida bwesit nga lang may tugma talaga sa buhay ko. Napahilamos nalang sa inis at muling ibinalik ang mata sa babasahin.

"Ahh Roxanne!"napabaling ako sa tumawag ng pangalan ko si Kyle pala

"Yes may kailangan ka?"tanong ko dito.

"Ahh tatanong ko lang sana kung alam mo itong kanta na beautiful ni white diko siya masyadong alam"saad naman niya na nagpatigil sakin.

"Alam mo kung bakit yan ang kinanta ko sayo?"

"Bakit?"

"Kase balang araw papakasalan kita"

Muling namayani sa isipan ko ang pinangako sakin ni Kyle.

"Hey Roxanne!"nagbalik lang ako sa reyalidad ng tinawag muli ako ni Kyle

"Yes I know"nataranta kung sagot, napansin ko naman ang pagkakaroon ng ngiti sa kanyang labi.

"Pwedeng paturo tutal kakanta ka din naman"paghingi niya ng pabor. Napaisip naman ako kung kaya ko. Pero walang ano- ano ay pumayag nadin ako.

30 minutos kung tinuro ang kanta bago nagpaalam dahil may klase na uli ako. Siguro naman ay sapat na ang 30 minutos para matutunan niya yun madali lang naman siya na ang mag aral ng husto.

Pagkatapos ng dalawang subject ay kumain muna kami ni Maryjane ng lunch siguro ay mamaya na kaming hapon uuwi dahil may practice pa kami siya ay sa sayaw ako naman ay sa play.

Gusto ko sanang magsayaw din ang kaso dina ako pinayagan dahil ako daw ang bida sa play kaya wag nalang. Pinagsama na kase ang theater art mga dancing and singing at naging performing art na.

Matapos naming kumain ay nagderstso na kami sa performing art room malaki ito at kasya ang maraming tao. Nabutan naming nag e-ensayo ang iba, nahagip ko naman ng mata ko na may papalapit sakin.

"Ahh Roxanne mag sisimula na daw"saad sakin ni Kyle buti nalang naaral ko na ang mga lines ko pati narin ang kanta.

Nagsimula na kaming magbatuhan ng lines at naging maganda naman natapos namin hanggang ending ng walang tigil.

"Good job guys galing niyo ahh"papuri ni Natalia, nagpalakpakan naman kami tsaka naupo sa aming mga upuan nakita ko namang nagsasayaw pa sina Maryjane

"Hmmm.. pwede ba tayong magpractice uli ng kanta"rinig kung sabi ni Kyle na para bang nagpainit ng ulo ko.

"Pwedeng wag muna napapagod naku"angal ko naman pero may kakulitan ata ang lalaking ito.

"Ahh magbatuhan nalang tayo ng line natin para mas maging maganda."asik pa niya kaya diko na napigilan

"Ano bang mahirap sa pagintindi na pagod ako ha!"halos pasigaw kung sabi na ikinagulat ng ibang malapit sa pwesto namin kasama si Kyle. Nagmartsa naman akong palabas ng performing art para magpalamig nakakabwesit.

"Urrggghhhhh"sigaw ko habang papalabas.

Maryjane's Pov

Habang nagpupunas ako ng pawis napalingos ako sa gawi nina Roxanne sa may stage. Napatakbo ako ng makita kung parang ang sama ng awra ng mukha nito at hindi nga ako nagkamali dahil sa inis na nakita ko sa mukha niya at marinig din ang sinasabi.

Ano bang mahirap sa pagintindi na pagod ako ha!"

Rinig kung sabi ni Roxanne ng makalapit ako ng kaunti. Sinundan naman nang aking mata ang paglabas niya ng performing art at dali dali akong umakyat ng stage para puntahan si Kyle.

"Ahh Kyle anong nangyari bat nag walk out?"alinlangang tanong ko diko kase close itong gwapong ito.

"Ahh.. na kulitan kase sakin inaya ko kase uling mag practice kaso di siya pumayag tapos nagpumilit ako nagalit ata"nahihiyang paliwanag nito.

"Ahhh."pabulong ko naman tsaka muling tumingin sa may exit ng performing art.

"Teka patingin nga ng script niyo"saad ko naman, binigay din naman niya agad kaya dun natuon ang pake ko. Tamang basa lang at nagulat ako sa nilalaman nito, alam kuna ngayon kung bakit nainis at nag walk out ang ate mong girl.

"Ahh Kyle ako na humihingi ng paumanhin."baling ko naman sa kanya matapos kung tingnan ang script nila. Kita ko naman sa mukha niya ang pagtataka

"Sorry ha. Hindi niya yun sinasadya na sigawan ka. Alam mo kase may pinagdadaan lang yan siguro naipit lang sa sitwasyon kaya medyo ganyan siya"nagaalinlangan kung sabi kase parang wala ako sa lugar na magkwento.

"Ha? Naipit sa sitwasyon bakit?"takang tanong niya sakin.

"Kase kahihiwalay lang nila ng jowa niya tas yung kwento sa play medyo hawig pa sa kanila pati na rin yung kanta. Kinanta kase yan sa kanya nung sila at ang masa kapangalan mo yung ex niya"nahihiya kung sabi jusko lagot ako kay bessy nito.

"Ahh ganun ba okay lang sorry din diko naman alam na ganun pala"paghingi din niya ng paumanhin.

"Wag ka mag sorry wala ka namang kasalanan. Sige puntahan ko muna si Roxanne"paalam ko dito tumango nalang siya kaya nagmadali na akong lumabas at hinanap si Roxanne.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now