Chapter 7

41 1 1
                                    

Anne's Pov

"Maryjane nakita moba bag ko?"tanong ko dahil kanina kupa hinahanap at hindi ko makita gabi nadin at gusto kunang umuwi dahil katatapos lang ng practice namin.

"Ayun oh"sabi nito sabay turo malapit sa palabas ng gym, kaya tiningnan ko ito gulat naman akong nakitang bitbit ito ni Kyle.

"Tara na baka magtaka ka si tita bat yung bag asa bahay na tas yung may ari wala pa"banat ni Maryjane

Nanakbo naman ako papunta kay Kyle na kasalukuyang kausap ang barkada niya.

"Kyle yung bag ko akin na"sabi ng makaalis ang barkada niya pero para lang itong walang narinig at nagderederetso palabas ng gym.

"Hoy yung bag ko akin na sabe"paguulit ko

"Hirap nang bingi tsaka gentleman noh?"asar naman ni Maryjane

"Kyle sabing akin na yang bag ko isa!"sa puntong yun medyo napalakas ata ang boses ko at gulat siya lumingon saken at ang ilan ay napatingin nadin

"Oh eto na cute mo talagang mainis sorry"nakangiting sabi niya

Agad ko namang kinuha ang bag at pumunta sa pinakamalapit na cr nang hindi nagpapaalam sa dalawa.

Nagbihis ako dahil basa na din ako ng pawis, hindi ako nakapagbihis kanina dahil sa paghahanap ko ng bag samantalang si Maryjane ay bihis na. Matapos kung magbihis ay inayos ko ang gamit ko at lumabas ng cr at nagtungo sa exit ng school.

"Frenny tara na alasais na"aya ni Maryjane tumango naman ako at sumunod sa kanya sa paglalakad.

"Roxaane hatid nakita"salubong samin ni Kyle pero hindi ko pinansin at naglakad nalang

"Ayy badshot ka kay frenny kinuha mo kase bag niya nagbingibingihan kapa"rinig kung sabi naman ni Maryjane kay Kyle.

Maya maya lang ay may dumaan ng jeep kaya sumakay na kami ni Maryjane pero nagulat ako ng sumakay din si Kyle.

"Hoy anong ginagawa mo dito?"asik ni Maryjane

"Nakasakay bakit? Bawal ba?"pilosopong sabi niya

"Hmmm.. hindi naman nakakapagtaka lang"alinlangang sago ni Marjane

"Sa San juan ako nababa kaya parehas lang din tayo ng sasakyang jeep"paliwanag nito

"Edi okay libre mo nalang tong isa para naman makabawi ka"asik niya

Hindi naman ako nakaangal dahil nagbayad agad si Kyle napawang nalang ang bibig ko pero tinikom ko na uli tsaka tumingin sa lbas ng jeep hanggang makababa kami.

"Bye Roxanne! Bye Maryjane ingat"rinig kug sabi ni Kyle habang bumaba kami.

"Bye ikaw rin ingat"balik naman ni Maryjane samantalang ako ay tahimik lang hanggang makarating ng bahay.

"Hi Ma!"saad ko pagpasok

"Halika na kakain na tayo ibaba mo muna ang gamit mo"

"Sige po!"matamlay kung sabi tsaka umupo at kumain.

Pagkatapos ay niligpitan ko ang aming pinagkainan tsaka ako naglinis ng katawan dahil hindi na kakayaning maligo pa dahil sa pagod.

"Roxanne pagkatapos mong maggawa ng ass. Matulog kana ha."sabit ni Mama sakin na nanunuod ng tv

"Okay po Goodnight po"saad ko naman

"Sige goodnight"

Pumasok naku sa kwarto ko at kinuha ang mga notebook ko na may ass. Dalawa lang iyon at ang isa naman ay essay with drawing pa kaya inuna kuna iyon. Alas nuebe na ako natapos siguro ay tulog nadin si Mama inayos ko ang gamit. Nang tutulog na ako ay biglang nagring ang phone ko.

"Hello"

"Hello sino to?"

"Roxanne sorry kanina galit kaba?"

Mukhang nakuha kuna ang sagot sa tanong ko si Kyle ito

"Bat ka napatawag?"

"Ayy galit ka sinagot moko ng isa pang tanong"

"Ha? Hindi naman ako galit bakit?"

"Kala ko galit ka di mo kase ako pinapansin kanina ."

"Pagod lang ako tsaka thankyou sa panlibre kanina ha"

"Always welcome pero wala yun basta sorry. Ha hindi ko kase alam. And hindi ka galit"

"Hindi! Hindi ako galit. Sige na goodnight antok naku ehh pagod nadin. Pahinga kana din"

"Okay goodnight pahinga kana den I love you"

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa sinabi niya halos mabasag ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Oo aaminin ko crush ko si Kyle dati pa pero hindi ganito ang nararamdaman ko sa kanya at ngayon lang naging ganito ang kabog ng dibdib ko ng sabihan niya ako ng I love you.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now