Chapter 24

14 0 0
                                    

Anne's Pov

Kasalukuyan ako ngayong nag rereview for the quarter exams ng biglang narinig kung bukas ang aming gate kaya napahinto ako sa pagbabasa  sa salas kase ako nagrereview ngayon. Matagal akong tumitig sa may pintuan kung sino ang papasok pero wala parin baka kase si Maryjane na yun  kase lagi kami nun sabay magreview pag quarter exam na.

"Hi babe!!"napaangat ako ng bigla kung marinig ang salitang nanggaling sa may pintuan, napatulala pa ako at medyo na ningkit ang mata.

"Don't worry babe di ako manggugulo kase dinala kuna din yung reviewer ko dito ako magrereview kasama mo"mabilis na paliwanag niya kaya manawala ng paniningkit ng aking dalawang mata.

"Pasok siguraduhin mong magrereview ka at hindi ka mangungulit pauuwiin kita"may pagbabanta kung sabi.

"Yes madam!!"may halong pangaasar na sabi ni Kyle tsaka umupo

"Alam mo kanina hinagad ako ni lola ng pamalo nung nalamang pupunta ako dito. Hindi pa daw ako nakakapag-aral sa exam gala daw ako ng gala. Tapos sabi pa baka daw iniistorbo na kita"natatawang sabi niya.

"Luko luko pati lola mo pinahahabol mo sayo"isang hampas ang ibinigay ko sa kanya matapos kung magsalita

"Aray nama gusto lang kita makita tagal na nating di nagkita tsaka magrereview naman ako shut up kana"pabebe niyang sabi kaya inirapan ko nalang siya at bumalik sa pagbabasa.

Nang matapos kung basahin ang lahat ng reviewer at mga notes ko ay naghanda ako ng meryenda naming dalawa, umalis kase si Mama saglit.

"Meryenda ka muna"alok ko sabay baba ng tray na may lamang pagkain

"Kala ko nagrereview ka paano ka nakapagprepare nito?"tanong niya habang nakatingin sa binabasa

"Tapos naku maya maya uli, tsaka kakain muna ako nagugutom nadin ako"matamlay kung sabi tsaka kumuha ng tinapay at juice

"Bat may mga chocolate? San yan galing baka may nanliligaw na sayo tas may dala pang mani tsaka itlog?"mataray niyang saad habang nakataas pa ang kilay, nababakla na naman ang isang ito

"Tange anong manliligaw pinagsasabi mo yan ang mga kinakain ko pag nag rereview para mas ma develop ang brain mas madaming malalaman"paliwanag ko naman pero masama parin ang tingin sakin.

"Ahh kala ko pinagpalit muna ako"napahinto siya sa pag sasalita tsaka tumingin sa kisame na kala moy nagiisip

"Pero hindi moko niloloko wala kang manliligaw baka pinopormahan ka ni Lance kaya nagpapansin sayu"bigla niyang sabi

"Sira sinong manliligaw sakin takot nalang nila sayu, tsaka yang si Lance uyy manigas siya lagi akong badtrip sa kanya"wala sa mood kung sabi.

"Alam mo bang may kasabihang the more you hate the more you love"pangaasar nito na ikinainis ko.

"Kyle Agustin manahimik ka! Kumain kana dyan"malakas na sigaw ko

"Uyy ang misis ko nagagalit"saad niya tsaka kiniliti ang tagiliran ko

"Maging misis moko"pairap kung sabi

"Bakit hindi Agustin din apilyedo mo"seryosong sambit niya sa mukha ko.

"Ewan ko sayu bat nga ba Agustin apilyedo mo"inis kung sabi ewan ko ba ang sama lang atang pakinggan na parehas kayu ng boyfriend ng apilyedo

"Hmm..apilyedo yun ni Papa minsan ginagamit ko minsan hindi pero sa birthcertificate ko ang surname ko ay yung kay Mama kaya yun ang madalas kung gamitin"seryosong paliwanag niya pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Ahh ganun ba sige na kumain kana baka nagugutom kana"matamlay kung giit tsaka pinagpatuloy ang pagkain.

"Babe!"lumingos ako matapos kung marinig ang tawag ni Kyle nagulat nalang ako ng may dumampi na bagay sa aking labi.

"Taste it! Say ahhh"nakangiting sabi niya kaya ibinuka ko ang aking bibig para makain ang chocolate na kanyang isinusubo sakin.

"Arayyy ang langgam dito bes! Naglinis kana ba?"seryosong sabi niya best actress talaga ang bestfriend ko

"Sira upo ka dito kanina pa kita inaantay ang tagal mo"pagrereklamo ko sa kanya

"Ayy sorry naman madam sabi kase ng brain cells ko na mayamaya ako pumunta dahil may review date ka. Kaso ako eto excited mukhang  naka istorbo pa"makulit na paliwanag niya habang kumakain na ng tinapay

"Sarap ng palaman naten ahh"halos pasigaw nang sabi ni Maryjane

"Grabe ang ingay mo talaga ano?"prangkang sabi ni Kyle

"Ayy oo naman pag sakin ka sumama sasaya ka ng bonggang bongga, pero pag kay bessy ka sumama mas bongga pa"sarkastikong sabi ni Maryjane na may pagkagat labi pa sa dulo.

Napailing nalang si Kyle at muling bumalik sa kanyang ginagawa.Pero kita ko ang pagkagulat sa mukha niya ng biglang nagkunwareng na ngingisay si Maryjane.

Hayyy ang babaeng ito talaga kahit kailan hindi na naman ata nakainom nh gamot niya.

"Babe yung bestfriend mo na ngingisay"nagaalalang sabi ni Kyle samantalang ako ay nagpipigil ng tawa dahil may bagong nabinibiktima na naman si frenny ko.

"Hoy babe! Ano pang tinutunganga mo dyan dalhin na natin si Maryjane sa ospital, may sakit ba siya?"alalang tanong na naman ni Kyle.

"Don't worry mamaya ayos na yan diba frenny"saad ko tsaka tinapil siya sa braso niya.

"Yes naman frenny kase, akoy kinikilig pag nakakakita ng mag jowang sweet akoy nilalanggam sa kilig🎶" masayang pag kanta pa nito habang na ngingisay samantalang ako ay inis na sa kakatawa

"I told you ayos na yan mamaya dina kailangang dalhin sa ospital pero sa mental pwede"natatawa kong sabi kay Kyle pero hindi na maipinta ang mukha niya hahahaha grabe si Maryjane may na goyo na naman.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now