Chapter 29

13 0 0
                                    

Anne's Pov

Kasalukuyan akong nasa tapat ng school nina Kyle nagbabaka sakaling makita siya dito nagtext narin naman ako sa kanya na pupuntahan siya siguro naman kase nakauwi na siya galing Bacolod isang linggo nadin naman kasi ang nakalipas ng pumunta kami sa bahay nila.

"Uyy Roxanne anong ginagawa mo dito?"napatingin ako sa nagsalita si Hance pala yung tropa ni Kyle

"Ahh ini-intay ko si Kyle kasama mo ba siya?"may pagkasabik kung tanong

"A--hh si Kyle ba?"nauutal pa niyang sabi

"Asan siya?"tanong kung muli

"Naku si Kyle wala dyan ang alam ko may ginawang activity somewhere ang department nila"sagot naman niya

"Uyy pre tara na!"aya naman nung kasama niya sa kanya.

"Ahh sige mauna naku sayo ingat ka"paalam naman niya

"Sige salamat ingat den"agad ko namang sagot. Matapos nun ay napagdesisyunan kunang umuwi wala nadin naman akong klase ngayon magrereview nalang ako para sa exam namin bukas.

"Sungit! Sungit!"rinig kung tawag mula sa labas kaya naman mabilis akong tumayo para puntahan ang tao sa labas, pero hindi na pala kailangan dahil nasa loob na.

"Anong kailangan mo sigaw ka ng sigaw nagaaral ako"mataray kung sabi.

"May bondpaper kang extra penge naman naubusan na kase ako"saad ni basagulero agad naman akong pumunta sa kwarto para kumuha ng bondpaper

"Oh eto"abot ko naman.

"Pati sana long"nakangiwing niyang sabi nagpigil nalang ako ng inis at muling bumalik para kumuha ng long at muling ibinigay kay basagulero

"Salamat sa susunod uli"saad nito tsaka umalis. Bumalik naman ako sa ginagawa ko.

"Ma! Andyan napo pala kayu nakapaghanda napo ako ng hapunan"saad ko kay Mama

"Sige anak gutom narin ako. Nga pala nagkausap naba kayo ni Kyle kamusta siya?"tanong naman ni Mama sakin

"Ahh dipa rin po Ma. Kanina po pumunta ako sa school nila pero sabi po ng tropa niya may activity daw po somewhere yung department nila"paliwanag ko naman pati kase si Mama nagaalala nadin at nagtatanong bat daw hindi na nagpupunta si Kyle sa bahay.

"Ahh ganun pa sige kumain na tayo"dismayang sambit ni Mama.

Matapos naming kumain ay nagpahinga nadin ako dahil sa pagod kanina madami din kase kaming ginawa sa school kabi-kabila ang mga activity.

Jayson's Pov

Kanina kopa napapansin ang pagiging matamlay ni Roxanne at na ninibago ako dahil hindi siya ganito lagi siyang masaya pero ngayon kahit nagpapanggap siya hindi niya ako maluluko dahil sabi nga nila hindi nagsisinungaling ang mga mata.

"Roxanne may problema kaba?"bigla kung tanong at inaasahan kunang magugulat ang mga kasama ko at iyon nga ang nangyari.

"A--hh wala na--man bakit?"nauutal niyang sagot sakit.

"Napapansin ko lang ang tamlay mo kase may problema ba?"muling kung tanong pero muli din niya akong sinagot na wala.

"Nga pala si Kyle asan kamusta na siya?"pagtatanong kung muli baka sakaling masagot na ang tanong ko. Tama nga ako may problema siya dahil parang napatulala siya ng banggitin ko ang pangalan ni Kyle.

"S---i Kyle ayo----s naman si--ya busy lang diba frenny?"baling naman niya kay Maryjane

"Oo nasabi nga niya sakin na busy siya"dagdag naman ni Maryjane mukhang pinagtatakpan nilang dalawa si Kyle ano kayang nangyayari.

Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang wala naman akong makukuha pang sagot inobserbahan ko nalang si Roxanne at siguro ay kakausapin ko nalang siya sa susunod.

Maryjane's Pov

"Ano nang plano mo?"bigla kung tanong matapos magusisa si Jayson kanina buti nalang ay hindi nakisali yung dalawa.

"Hindi ko pa alam, siguro hahanapin ko muna siya para makausap ng ayos"malungkot na sagot niya sakin.

"Saan mo siya hahanapin alam mo ba kung san? Frenny ayaw ko sanang sabihin ito pero mukhang nung una palang tama kana. Mukhang hindi siya busy"nag-aalinlangan kung turan sa kanya.

"Ramdam ko naman yun pero sa ngayon muna hindi ko muna ipapaalam sa tatlo baka kase maggalit sila kay Kyle at ayaw kung mangyari yun dahil magkaibigan sila."patuloy kung pakikinig kay Roxanne

"Ayaw kung masira ang pagkakaibigan niyo. Kami lang dalawa ang may problema hindi kayo"dagdag pa nito.

"Siguro frenny hayaan mo muna siya focus ka muna sa studies mo"payo ko naman tutal madami naman kaming ginagawa ngayon. Tumango naman siya bilang sagot pero kilala ko si Roxanne kahit sabihin niyan na titigil muna hindi yan titigil kaya naman kinabukasan ay muli kaming pumunta sa bahay nila Kyle.

"Roxanne andito ka pala naku tuloy kayo iha."aya naman ng Lola ni Kyle samin.

"Lola asan po si Kyle andito po ba siya?"agad na tanong ni Roxanne pagpasok namin.

"Naku si Kyle ba?"pagtigil na sabi ni Lola na animoy nagiisip pa ng sasabihin mukhang nakakahalata na ako tinatago nila si Kyle kay Roxanne ano kayang nangyayari may alam ba sila

"Wala dito si Kyle nasa kaibigan niya"pagpapatuloy naman ni Lola

"Kaibigan po si Hance poba?"paninugurado naman ni Roxanne

"Naku hindi andun kina Allanis daw"sagot muli ni Lola agad ko namang hinawakan si Roxanne.

"Ganun poba. Ahh Lola nakalimutan ko po may gagawin pa po pala kami sumadya lang po talaga kami dito sige po aalis napo kami salamat po"agad na paalam ni Roxanne tsaka kami lumabas ng bahay.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now