Chapter 45 (1)

21 0 0
                                    

Anne's Pov

Isang linggo matapos ang pag aaway namin ni Kyle ay hindi nag krus ang landas namin simula ng mailabas si Papa sa ospital.

Sa tuwing dumadalaw ako kay Papa ay hindi ko din siya nakikita busy daw maghanap ng trabaho sabi ni lola tanging si Jasmine lang ang nakakausap ko.

Nagsimula narin ang pasukan kamakailan lamang kaya medyo nagiging busy nadin ako graduating na kase.

Idagdag pa ang mga ilang singit na schedule. Organization ng school, performing art pati na ang pagiging student assistant ko.

"Anne pakidala sa office naten mamaya pag nagpunta ka"sambit ni Pia president ng org. namen nanagmamadali na inabot sakin ang isang envelope na may lamang papers.

Tinapos ko ang pagkain ko at nagpasama kay Maryjane na dumaan sa office bago kami pumasok sa next subject namin may 45 minutes pa naman.

"Hay naku Roxanne parang gusto kunang magpalit ng simcard. Atag nakung tawagan ni David jusko."reklamo ni Maryjane ng marating kami sa office

"Magpalit ka bigyan pa kita pambili"mayabang na turan ko.

"Bat kase ayaw mong kausapin yung tao"

"Kausapin? Matagal kuna siyang kinausap Maryjane siya lang talaga ang makulit"pairap kung sabi tsaka lumabas ng office

"Okay edi siya"walang nagawa ito kung di sumunod sakin.

Simula kase nung sinumbatan ako ni David ay hindi kuna siya kinausap pa. Hindi ako nagrereply sa text at hindi ko din sinasagot ang tawag  niya. Hanggang sa nagpunta siya sa bahay.

Humihingi ng tawad pero diko pinagbigyan madala siya. Hanggang ngayon ay nangungulit parin kesyo lasing daw siya nun. Pero hindi kuna pinapansin. Ngayon ay si Maryjane naman ang kinukulit.

Maryjane's Pov

Hayyy malapit nadin umakyat ng stage kunting kembot nalang. Today si March na kaya naman medyo.excited nadin ako nag oojt  na din kami ni Frenny habang tinatapos anh research.

Sobrang hirap maging college nakakapanot lalo na ang 4th year college duguan kung duguan ang utak. Kahit ata yung matatalino di kinakaya.

Yung iba namang pa chill chill lang at may balak atang bumalik ng 4th year college ayaw iwanan aba. Buti pa ang pagiging college ayaw iwanan mantalang ang mga babae na iiwanan. Jusko lord help anong nangyayari sa earth.

Mahirap din pala magtrabaho nakakadugo din ng brain tapang xerox, xerox lang at print tas kunting ayos ng papers gawa ng kaunting report. Pero grabe yung mga employee dito wala akong ma say.

Pagpatak ng alas singko ay andito na kami ni frenny sa school aattend namin kami ng klase at magaayos ng paper works.

Halos makatulugan kuna ang subject ni Ms. Lopez binabatukan lang ako ni Roxanne para di makatulog sadista din ang isang ito.

"Di naman masakit batukan diba pabatok naman ng isa."prangka kung sabi kay Roxanne pero agad siyang umiwas.

"Umuwi kana at matulog may gagawin pako bye ingat"pahabol pa niya bago nanakbo pa alis. Napahikab nalang ako at naglakad na palabas ng school.

Grabe ang pagod ko di kaya napapagod yung bruhang yun. Multi tasky na ang galawan diparin pagod. Naka kapeng barako ata ang isa yun.

Anne's Pov

Pagkatapos ng klase ko ay deretso naman ako sa library dito naman ang duty ko ngayon mga  30 minutes lang naman.

Nang may dumating na isang lalaki at nagabot ng librong hihiramin kasama ang library card niya ay bigla akong napahinto. Muling ibinalik ang tingin sa lalaki upang magsigurado.

"Miss may problema ba?"napa iktad ako nang magsalita ito at umiling bilang tugon.

"6:20 gabi bukas ang balik, paghindi na ibalik may penalty ha"sabi ko habang iniaabot ang libro. Tumango ito at nagpasalamat tsaka umalis.

Muling nagbalik sa isip ko ang pangalang Kyle. Halos mag iisang taon nadin kaming hindi nagkikita. Nakikibalita nalang si Mama kay Papa at ayun nga sobra daw daming trabaho minsan wala ng time sa family.

Pagpumupunta naman kami kina Lola ay gaya parin nang dati wala siya minsan out of town o kaya nakina Alllanis siya yung girlfriend niya ngayon.

Actually narealize ko na nasabi ko lang pala na napatawad kuna siya pero hindi pa pala talaga. Napatawad kuna siya sa way na iniwan niya ako at hindi sa way na nagsinungaling siya at itinago ang katotohanan sakin.

Isama pang hindi ko rin siya matanggap bilang kapatid ko syempre naging ex ko ang kuya ko ang hirap maka get over ano? Pero ngayon I know napatawad ko na talaga siya in all. Tanggap ko nadin siya bilang kapatid.

Kaya nga lang pinaglalayo na ang landas namin wala din akong contact niya para makausap man lang. Diko kase siya friend sa facebook. Kahit itext ko siya wala namang responed. Siguro ay busy lang din talaga.

May mangilan ngilan pang estudyante na nagpupunta dito siguro ay gawa ng research yung iba naman ay assignment ang gagawin hanggang 8 pa kase ang tapos ng klase dito.

Tapos ang shift ko kaya lumabas naku ng library. Nagtungo muna ako ng Cr dahil kanina pa ako na iihi baka diko na kayanin.

Nagretouch ako ng kaunti haggard na mga besh kase. Masyadong stress ngayong araw at paniguradong bukas uli dahil maghapon sa office.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now