Chapter 10

30 0 0
                                    


Anne's Pov

Kanina ko pa pinagmamasdan itong si Kyle mukhang nababaliw na dahil bigla bigla nalang napapangiti wala namang kausap sabay iiling hanggang makababa na kami ng jeep sa kanto namin.

"Hoy Anne anyare kay Kyle tamo simula nung dumating kayo bigla biglang natatawa"puna ni Maryjane

"Ha? Ewan ko kanina payan sa jeep"sagot ko

"Kyle bipolar kaba?"prankang tanong niya

"Ha? Hindi grabe ka naman Maryjane"depensa ni Kyle

"Ehh kase naman kanina kapa umiiling dyan wala kanamang kausap tas tatawa ngingiti tinanong ko kay Anne kanina kapa daw ganyan"paliwanag niya

"Ahhh naalala ko lang kase yung unang nakita ko si Anne at dahilan kung bat ako nagkagusto"paliwanag naman ni Kyle

"Ahh kaya naman pala mukhang nababaliw yung kinababaliwan pala asa isip"pagsang ayon ni Maryjane

"Ang corny mo talaga Kyle"banat ko naman

"Sus frenny aminin kinikilig hahahah"asar ni Maryjane

"Anne bat na mumula ka?"biglang tanong ni Kyle kaya napahawak ako sa pisngi ko medyo nagiinit nga at pakiradam ko ay namumula na

"Ahh gawa nung sili sa sauce nakain ko"pagsisinungaling ko sakto din namang kumakain ako ng kwek kwek.

"Ahh una naku baka hinahanap naku ni lola"pagbaling samin ni Kyle saka piningot ang ilong ko at sumakay na ng jeep.

"Hoy ingat ka"habol ko naman

"Uyy ingat ka daw mamahalin kapa daw ni Roxanne"sigaw naman ni Maryjane na nagpangiti kay Kyle sabay tango.

"Hoy manahimik ka nga"baling ko sa kanya

"Ayy mali pa mahal muna pala yun" pangaasar muli niya

"Asuss kinikilig ahoy!!"kulbit pa sakin ni Maryjane tsaka naglakad pauwi kaya naman sumunod naku.

Habang naglalakad walang tigil ang bibig nitong kasama ko. Kakanta bigla mayamaya naman ay biglang magtatanong ng kung ano ano.

"Hoy babaita kailan birthday ng Kyle mo?"

"November 1 daw"sagot ko

"Ha? Araw talaga ng mga patay"takang tumingin sakin si Maryjane

"Oo kase patay na patay daw siya sakin"seryosong sagot ko

"Ayy yun patay pala time of death 6:00pm cause of death karonihan mais na mais" nakangiwing saad nito

"Luko!"sabi ko tsaka siya hinampas.

"Hala siya kinikilig ang luko hahahhaha"malakas na tawa niyang sabi..

Hindi kuna siya pinansin at nagderetso na akong pasok sa loob ng bahay mukhang wala pa si Mama kaya naman nagmadali akong magsaing.

Habang nakasig-ang nagpalit muna ako ng damit kinuha ko ang bag ko sa sala tsaka nagderetso sa kwarto.

Pagkatpos kung magbihis ay kinuha ko ang cellphone ko tsaka lumabas para tingnan ang sinaing.

One message received

Kyle

Bahay naku love you😚

Hindi kuna nireplayan si Kyle dahil kailangan kunang magluto. Sakto namang dating ni Mama ay tapos nadin akong magluto kaya naman kumain na kami alas otso nadin.

Pagkatapos kung ayusin ang pinagkainan namin ay naglinis ako ng katawan tsaka nagpalit ng pantulog bago kupa ginawa ang assignment ko.

Bzzzzzzttttttt...

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

One message received

Kyle
Hey go to bed and sleep goodnight😊

To: Kyle
Ikaw den.. tulog na and also goodnight😊

Reply ko bago ko inaayos ang gamit ko tapos nadin naman akong gumawa ng homework tsaka ako nahiga para matulog na.

Kinabukasan nagising ako sa tunog ng cellphone ko hindi dahil nag alarm ito kundi may nagtext.

Kyle

Hey goodmorning Roxanne ingat pag pasok😊

To kyle

Goodmorning din ingat rin pagpasok.

Reply ko naman at dahil maaga pa ay nag facebook muna ako saglit. Scroll scroll wala namang bago ganun parin ang laman ng facebook hanggang sa mapatapat ako sa isang shared post ni Kyle.

Dala ng kaboringan ay pumunta ako sa timeline niya pagbukas ko ay naka bio ako nakalagay dun ang fullname ko.
Agad ko namang iniscreenshot at isend sa kanya.

Halos dalawang linggo naring nanliligaw saken si Kyle at ganun parin ang sistema laging may pabigay ng pagkain kaya naman kahit inililibre pa niya ako ay di na ako pumapayag tama na ang unang beses sa isang araw.

Isang katok sa pintuan ang narinig ko hudyat na ako na ang maliligo tapos na si Mama. Kinuha kuna ang towel ko at lumabas ng kwarto.

30 minutes akong naligo at makatapos ay nag ayos ng sarili nabihis at kung ano ano pa. Inayos ko ang gamit ko at inalala ang dapat dalhin ng wala na naman ay lumabas na ako para mag breakfast.

"Heyy goodmorning"malawak na ngiting sabi ni Kyle. Ha? Si Kyle nananaginip ba ako bat siya andito nakaupo at kumakain. Taka akong umupo habang nakatingin sa kanya.

"Hoy ayos kalang?"biglang tanong ni Mama na nagpabalik sa ulirat ko.

"Ahh opo, ano ginagawa mo dito?"baling ko kay Kyle.

"Sinusundo ka sige kain kana enjoy"saad nito tsaka ngumiti.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain at binilisan dahil mamaya ay may uwak na naman diyan. Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kay Mama tapos nadin naman si Kyle kumain.

"Ma! Alis napo kami bye po ingat sa pagpasok Ma. Love you" sambit ko tsaka humalik sa pisngi.

"Alis na po kami Tita"paalam naman ni Kyle.

"Sana ako den may I love you at Kiss"biglang sabi ni Kyle na ikinagulat ko.

"Luko!"sabi ko na animoy kinikilig. Soon Kyle soon masasabihan kita niyan.

"Ayy aga niyan ahhh Landian agad"pambabara naman ni Maryjane kaya naman na hampas ko siya habang naglalakad papuntang kanto.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now