Chapter 20

19 0 0
                                    

Anne's Pov

Andito ako ngayon kasama ang dance troupe sa may gym dahil may practice kami for the competition at wala namang gumagamit kaya dito nalang kami nagpractice.

Nakakailang ulit na kami ng pagsasayaw kanina at ngayon ay pahinga muna kaya naman nagtungo ako sa cr ng gym. Matapos kung umihi ay bumalik na agad ako nakita ko naman ang iba kung kamember na naglalaro ng basketball kaya nakisali nadin ako.

"Roxanne"pagtawag sakin ni Kyle kaya agad akong lumingon

"Pahinga ka muna dika ba napapagod"saad nito sakin kaya tumigil ako sa paglalaro

"Nakasimangot ka na naman"sambit niya ng makalapit ako sa kanya

"Arayyy!!"napasigaw ako matapos niyang pisilin ang ilong ko

"Masakit ha. Baka matanggal matangos kung ilong"pagrereklamo ko na ikinatawa niya

"Saang banda san matangos"sinipat pa niya ng sinipat ang ilong ko

"Che! Yan ka na naman pag ikaw naasar ko kala mo"pagbabanta ko pero tinawanan lamang niya ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para tingnan kung may text ba or tawag, nagulat naman ako ng may 10 missed call na galing kay Tita Janine, Mama ni Maryjane. Muling tumunog ang cellphone ko at Mama uli ni frenny ang tumatawag

"Hello po tita bakit po?"

"Hay salamat sinagot mo din yung Mama mo kase"parang nabingi ako ng biglang nadawit si Mama

"A--ano pong nangyari kay Mama?"nauutal kung tanong

"Dinala kase siya sa ospital chinecheck pa siya taas kase ng lagnat tas nahilo pa"paliwanag ni Tita hindi kuna tinapos ang tawag at pinatay kuna ito.

Dali dali kung kinuha ang bag ko at mabilis na tumakbo papalabas ng gym narinig kupang tinawag ako ni Kyle pero hindi kuna nagawang lingunin pa buti nalang at labasan hindi naku mahihirapang makalabas ng gate dahil makikipagtalo pa ako sa guard.

Paglabas ko ay tinext ko si Tita kung asaang ospital agad naman itong nagreply at mabilis akong naghanap ng masasakyan.

Kalahating oras ang naging byahe ko bago makarating ng ospital kaya natagalan pa. Pagbaba ko ng jeep ay mabilis ang ginawa kung pagtakbo papasok ng ospital.

"Ms.Rochelle Berbie po"tanong sa isang nurse na naka duty

"Ahh nadala na po siya sa room 114 second floor po"sagot nito

"Thankyou"sambit ko at mabilis nagtungo sa harap ng elevator.

Nang makarating ako sa secondfloor ay agad kung nakita ang room ni Mama nadatnan ko si Tita Janine sa loob.

"Tita ano pong nangyari?"hinihingal kung tanong

"Nagka Uti lang Mama mo wag kang magalala okay na siya bukas daw makakalabas na siya."paliwanag ni Tita

"Ahh ganun po ba salamat po tita"saad ko tsaka pinagmasdan si Mama na mahimbing na natutulog napaupo naman ako sa may upuan sa tabi ng kama ni Mama ng makaramadam ako ng pagod dahil sa pagtakbo.

Pagkaupo ay naramdaman kung nag vibrate ang cellphone kaya kinuha ko sa loob ng bag para tingnan kung sino.

"Hello Kyle?"

"Thank God sinagot mo din kanina kapa namin tinatawagan where are you,  we are searching you in whole campus pero wala ka san kaba nagpunta?"galit na tanong ni Kyle sakin

"Ahh sorry nagka emergency lang nasa ospital naku don't worry"sagot ko naman

"Anong ospital tsaka don't worry paanong hindi kami magaalala bigla kang nawala tas nasa ospital ka ngayon"galit paring saad niya sakin

"Si Mama kase sinugod sa ospital kaya bigla akong umalis at hindi nakapagpaalam"paliwanag ko naman sa malumanay na boses

"Sang ospital pupuntahan ka namin?"

"Sa  Makati" maikling sagot ko tapos ay nawala na ang tawag kaya bumaling naku kay Mama na kagising na

"Ma kamusta na po kayo?"nagaalala kung tanong

"Ayos naku nak inataki lang ng UTI wag kanang magalala pa"mahinang sagot ni Mama

"Sige po magpahinga na po muna kayo"saad ko naman

Bigla namang nagbukas ang pintuan at iniluwa nito si Kyle at Maryjane na hinihingal din dahil sa pagmamadali.

"Tita ayos lang po kayu? Ano pong nangyari?"aligagang tanong ni Maryjane

"Nag ka Uti lang pero ayos na naman ako wag kanang magalala"mahinahong saad ni Mama

"Ahh ganun po ba sige po magpalakas na po muna kayu?"sagot ni Maryjane tsaka umupo sa tabi ni Tita Janine

"Tita get well po"singit naman ni Kyle na umupo sa tabi ko, tumango naman si Mama at ngumiti.

Namayanin ang katahimikan sa loob ng kwarto hanggang sa nagsalita si Kyle

"Roxanne nagugutom kaba bibilhan kita sa labas ng pagkain?"tanong niya saken

"Ahh hindi na uuwi muna ako kukuha lang ako ng gamit tsaka magpapalit na din"sagot ko naman

"Samahan nakita"pagbubulontaryo niya pero hindi ako pumayag

"Sasama ka sakin dahil uuwi kana gabi na baka hanapin kana"saad ko na naging dahilan ng pagkabusangot niya

"Panget mo" pangaasar ko tsaka tumawa, dinilaan naman ako bilang ganti pero tinawanan ko muli siya

"Frenny sama na kami ni Jasper umuwi"saad naman sakin ni Maryjane, tumango ako tsaka tumayo at niyaya na silang umuwi alasais na din kase si tita ang naiwan para magbantay kay Mama.

Mga 45 minutes pa ang biyahe bago makarating sa bahay si Kyle ay pinauwi kuna dahil gabi narin. Habang naglalakad kami nina Maryjane at Jasper ay nakasalubong namin sina Waren, Ethan, Jayson at si Basagulerong nakatingin sakin at ngising ngsi pero hindi ko nalang iyon pinansin at bumaling nalang sa tatlo

"Ang gabi niyo na san kayu galing?"tanong ni Jayson

"Ahh sa ospital dinala kase dun si Mama"sagot ko ay Jayson na ikinagulat nila

"Bakit anong nangyari?"alalang tanong ni Waren

"Nag ka Uti lang don't worry ayus na naman siya, sige na mauna na kami babalik pa kami sa ospital"paalam ko tsaka naglakad patungo ng bahay.

Pagdating ko ay inayos kuna ang mga gamit na dadalhin sa ospital ng biglang may kumatok, pagbukas ko ay sin Waren Jayson at Ethan na sasama daw sa ospital tutal wala daw naman silang pasok bukas.

Nagluto ako ng aming kakainin sa ospital para hindi na bumili, mayamaya naman ay dumating si Maryjane at Jasper at nagpaalam na hindi na sasama dahil gabi na din.

Pagkatapos kung maligo at magbihis ay umalis na kami dahil pasado alas otso narin ng gabi.

Tagu TaguanWhere stories live. Discover now