Chapter 4

4K 146 17
                                    

Deanna






Here I am, lying in my bed. Di makatulog. Bukas na yung live studio audition.

I don't know what's gonna happen.

Maybe the others, kanina pa tulog para fresh sila bukas.

But not me.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.






When I was called up, I was about to refuse.

That day nakaconnect sa bluetooth speaker ang phone ko sa dorm nila Ponggay. Kaya pag-accept ko ng tawag, dinig ng lahat.

Di na ko nakatanggi nung nakita ko yung tuwa nila. Kahit yung mga hindi ko naman kabatian dun biglang naging friends ko.


Oh well...

Sige na nga, for experience. Hindi naman ako aabot sa dulo nung competition. I am neither a sweet girl or a leading lady. Diba ganun ang kailangan nila?

I remember a contest like this that had an episode which required a kissing scene.

Kung babae ipapartner sa akin kahit ilan pa yan.



Asa...




Siyempre pag nangyari yun lalake ang ipapahalik diba.

Putangina baka makasuntok ako on national tv.

Tapos magviral ako noh..

Shit! Anu ba tong napasukan ko!





Naalala ko yung paguusap namin ni Pongs that day

"Oh ano Wong? Magpapasalamat ka na ba sa akin? Hahaha"

Sabi ni Ponggay nung kaming dalawa na lang ulit naiwan sa common room.

"Magpasalamat? Sira na talaga ulo mo noh? Why should I? Kung di dahil sa'yo di ako mapapasok sa problemang to!"

Gagang to.
Magpasalamat?
Ediwow!

"Alam mo ba na sa dami ng nangangarap na mag-artista, suwerte ka kasi napili ka."

Sabi niya.

"Eh gaga ka pala talaga ng taon eh. That is exactly the point! There are lots of people out there who wants a spot! Sayang lang yun dahil sa akin."

Reklamo ko sa kanya.

"Diba sabi nung panel baka may reason kung bakit ka napunta dun? Maybe you have a mission. Malay mo ikaw ang manalo dun. Don't miss the chance!"

Talaga ba? Tsss...

"Alam mo, wala akong nakikitang ibang dahilan kundi may isa akong kaibigang traydor na pinagtripan ako kaya ako napunta sa sitwasyong to."





Buset!






...








It's a Saturday so I'm supposed to be asleep and no one will dare to wake me up,





Except Ponggay.

Pinuntahan niya talaga ako dito sa bahay para masiguro na makakarating ako dun sa TV Station.

Sinabi pa niya talaga sa mga kasambahay namin kung ano ang magaganap today.

Tuwang-tuwa sila kasi akala nila sikat na agad yung amo nila.

Love TeamWhere stories live. Discover now