Chapter 18

4.5K 175 101
                                    

Jema (2/2)







"I came here po because of a proposal."

Sabi ni Deanna.

Proposal? Napatingin ako sa kaliwang kamay ko. Naghuhumiyaw ang engagement ring na binigay ni Alexis.

Napatingin din siya sa kamay ko. Namalikmata lang ba ko nung nagsalubong saglit yung kilay niya sa singsing ko?

Pag-angat niya ng tingin ay nakangiti na siya ulit.

"Anong proposal ba yan?"

Tanong ni Mama.



"I am working po at Iza Mall Corporation. Gusto po sana naming kuhanin si Jema na maging model. Alam po namin na naunang nag-offer ang SM sa kanya pero sana iconsider din po muna niya ang offer namin."

Nahopia yata ako ah. Yun lang pala pinunta niya dito. Sinabi na sa akin ni Ate Donna yung alok ng SM. Di ko pa yun natatanguan kasi gusto ko sana magpahinga muna eh. Nakalagay sa kontrata ng SM na ilang buwan ang pictorial nun at sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas ang shoot.

Isang privilege sa isang artistang gaya ko na kuhanin ng mall para magmodelo. Kaso mahaba ang kotrata nun. 3 years yata yung inaalok ng SM. Puro mukha ko ang ilalagay nila sa Mall nila pag may mga sale, mga event, mga pagbago ng season. Tapos pati sa mga gathering nila dapat andun ako.

Kaya di ko muna yun pinipirmahan ay pinag-iisipan ko pa. Gusto ko kasing magpahinga muna.

Sabi din ni Ate Donna ay buti daw di pa ako naka-oo dun kasi nga diba nagpropose si Alexis. Bawal kasi yun sa kontrata. Madedemanda ako. Nakikipag-usap siya ngayon sa SM kung itutuloy pa rin ang offer nila sa akin.





"Itutuloy mo pa ba yung offer mo sa akin kahit engaged na ako? Kasi yung sa SM nagdedeliberation sila ngayon kung kukunin pa rin nila ako kahit mag-aasawa na ko."

Tanong ko kay Deanna.

Hindi siya makapagsalita. Bigla siyang nalungkot.

Parang may gusto siyang sabihin na di niya mailabas kasi nandito si Mama.





"Sorry po Tita. I don't mean to be rude but, can Jema and I talk in private po? Please?"

Pakiusap niya kay Mama.





"Bakit? Bakit gusto mong magkasarilinan kayo ng anak ko? Hindi mo ba puwedeng kausapin siya ng nandito ako?"

Mama!!!






"Kasi po Tita, personal po kasi."

Tumutulo na ang mga pawis niya sa noo. Tense na tense si Deanna. Naaawa ako sa kanya kaso ang kulit ni Mama eh!





"Ano ang personal na sadya mo sa kanya? Pagkatapos mo siyang saktan noon? Pagkatapos mo siyang pangakuan na babalikan? Nabalitaan mo lang na ikakasal na eh nagkukumahog ka maghabol?"

Ayoko na!






😭😭😭









Mama awat na! Gusto ko na maglaho sa kinauupuan ko! Kinuha ko yung throw pillow at gusto ko ihampas kay Mama, hehehe.

Yung unan ay pinantakip ko sa mukha ko. Di na ko makatingin ng deretso ka Deanna.








"Jema, is it okay with you na I will tell the whole story, I mean my side of story with your Mom around?"










Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon