Chapter 36

5.3K 171 33
                                    

Jema










Pagtapos ng 'kiss and make up' namin ni Deanna ay kinuwento niya yung istorya ng libro na yun. Naintindihan ko na kung bakit sobra ang galit niya. Alaala pala yun sa kanya ng lola niya.

Humingi kami ng tawad sa isa't isa.

Sinabi ko sa kanya na masakit yung mga salitang sinabi niya sa akin. Na dun talaga ako nasaktan.

Nangako naman siyang hindi na yun mauulit kaya okay na rin ako.

Pagtapos namin magusap ay inaya ko siyang lumabas. Gusto ko kasing mag-ikot para kahit paano ay makilala ko ang mga tao dito.

Paglabas namin ay pinagkaguluhan ako ng mga tao. Lalo na ng mga bata. Napapanood kasi nila ako sa tv ngayon kaya natutuwa sila.

May mga nagpapicture sa akin at pinaunlakan ko naman sila.

Si Deanna nakipagusap sa mga ibang nandun.

Pagtapos nun ay naglakad na kami ni Deanna papunta sa dagat. Napansin ko maraming mga sea shells sa tabing  dagat. Matalas yun kaya di ka puwedeng lumakad sa buhangin ng nakapaa.

Siguradong yun ang dahilan kaya hindi resort ang nakatayo sa lugar na to kundi pabrika nila Deanna.

Maganda ang dagat. Malinaw siya pero sabi ni Love ay biglang lalim daw yun kaya di pwedeng basta lumangoy. Pero madami daw isda dito.

Ganito pala ang community dito. Yung mga kalalakihan ay nagtatrabaho sa canning tapos yung mga asawa nila ay nangongolekta ng sea shells at binebenta sa isang middle man.

Magkano lang naman ang kinikita nila. Nakausap ko kasi yung isang nanay. Limang piso per kilo. Sobrang mura pero pag bumili ka nung ganun na by product na katulad ng keychain ay mahal na talaga.

Naalala ko yung pinagshootingan ko dati ng pelikula, sa Pasig. May baranggay doon na gumagawa ng mga tsinelas at bags na gawa sa plastic pouch ng mga juice drink.

Nag-click yun at mga foreigners ang bumibili. Mga ordinaryong maybahay ang mga empleyadong kinuha nila kaya malaki talaga ang naitulong sa lugar na yun.

Pwede kayang gawin yun dito?

Yung makapagtayo ng livelihood para kahit paano ay may iba pa silang income. Yung seashells, pwede kayang sila na ang gumawa ng by product para mas malaki ang kitain nila?



"Anong iniisip mo?"

Tanong ni Deanna sa akin.





"Iniisip ko kung puwedeng magkaroon ng pagkakakitaan yung mga kababaihan dito. Siyempre kahit nagtatrabaho ang mga asawa nila sa canning ninyo ay kulang pa rin yun. Mas maganda kung may iba pang income diba? Tingnan mo sila oh, karamihan ng mga bata dito ay mga estudyante ng elementary, sa susunod high school na sila, tapos college, sa tingin mo, makakaabot ba silang lahat sa kolehiyo?"

Niyakap ako ni Deanna at hinalikan sa noo.





"I appreciate your sympathy Love. Pero ginawan na yan ng paraan ni Dad. May scholarship program na dito para sa mga anak nila. May mga nakagraduate na nga eh. Nagwowork na rin sila ngayon sa canning in white collar jobs."

Ganun ba?

Bakit parang di pa rin sapat?

Tumingin ako ulit sa paligid. Lahat halos ng bahay dito pare-parehas. Alam kong iisa lang talaga ang model ng bahay nila pero walang improvement.

Maliban sa isa.

May isang bahay na nangingibabaw.
May second floor na yun at nakabakod ng bato. May garahe sila at may kotse.





Love TeamWhere stories live. Discover now