Chapter 24

5K 153 9
                                    

Jema









😓😓😓




Andiyan na yung Mommy ni Deanna!

Pinatigil niya muna ako sa ginagawa ko.

Sinalang ko muna yung manok. Kailangan kasi yun pakuluang mabuti para lumabas yung broth ng chicken.

Nasa likod lang ako ni Deanna habang papalapit kami sa kanila.





"Mom, I would like you to meet someone. Mom, Jema. Jema, this is my Mom."

Tapos hinawakan ni Deanna yung kamay ko. Inilapit niya ko sa Mommy niya.





"Hello po!"

Alanganin kong sabi. Nakaka-intimidate yung Mommy niya. Ang hirap basahin kung galit o hindi. Nakatingin lang siya sa akin eh.

Tinulak ako ng konti ni Deanna para lumapit sa Mommy niya.

Lumapit ako sa Mommy niya at akmang magbebless kaso tinapik niya yung kamay ko.

Bigla akong nanlamig!


Waaah!






"Why iha? Do I look that old? I don't like mano."

Tapos tumayo siya at niyakap ako.






😅






Kinabahan ako dun ah.

Tapos yumakap na rin si Deanna sa kanya.







"Hi Mom! Kamusta po? How's your babies?"

Babies?






"May sakit yung chef natin sa Digos. Pinapunta ko muna dun si Loida. Other than that we're doing fine. Pagpunta namin ng Daddy mo sa New York, Nicole will take over my place. Wala siyang masyadong alam sa technicalities, I know you'll be busy as the new CEO of Iza Mall but, give your dichi a hand when she needs to okay? You know Cyrielle is now enjoying the mediterranean seas. Last time she called me, she said she is dating a hotelier."

Siya na ang CEO ng mall nila?

WOW...

Dalawang araw ko na pala siyang naaabala, ang taas pa naman ng posisyon niya.

Umuwi na kaya ako?







"Mom, acting CEO. Di pa magreretire si Dad. I will take over his position maybe after 10 years pa. As to dichi, we will help each other po don't worry."

Sabi ni Deanna.

Nag-excuse ako sa kanila at binalikan yung niluluto ko.

Hininaan ko yung apoy at inalis yung chicken breast sa pinaglagaan. Yung atay ng manok ang pinalit ko dun.

Tinapat ko sa electric fan yung chicken. Papalamigin ko muna bago ko himayin.

Kumuha ako ng bawang at sibuyas.

Nagulat ako nung may nagsalita.







"Ako na po maghihiwa niyan Maam!"

Sabi ng kasambahay nila Deanna.



"Salamat! Pero ako na, kaya ko na to. Madali lang naman to. Baka may iba ka pang gagawin. Okay lang ako dito."

Sabi ko.




"Wala akong ibang gagawin Maam. Sige na po! Baka pagalitan ako ni Maan Deanna niyan pag hinayaan ko lang po kayo."

Ganun?





Love TeamWhere stories live. Discover now