Chapter 30

5.3K 162 33
                                    

Jema






"Maam, sobrang lambot na po ng karne! Napakasarap niyo talagang magluto! Sigurado pong magugustuhan to ni Sir Dean!"

Sabi ni Deti. Pinapacheck ko kasi sa kanya yung karne ng kambing na pinapalambot ko.

Nandito kasi ako sa dirty kitchen. Gumagawa ako ng arnibal para sa gulaman. Favorite din daw kasi ni Tito yung gulaman na pamatid-uhaw.

Madali lang naman to. Authentic ang ginagawa kong palamig. Ayoko nung powder na nabibili, may halo kasing kemikal.

Yung karne ay pinapalambot ko sa kalan na ginagamitan ng kahoy. Mas masarap kasi yun kesa sa niluto sa gas stove. Sa labas namin yun niluto kasi mausok.

Bukas ay plano kong ayain si Deanna sa labas.

Magsisimba kami at kakain bilang celebration ng third monthsary namin.

Simpleng date lang ang gusto ko. Ayoko siyang masanay na kung anu-anong mahal na bagay o sorpresa ang ibigay sa akin.

Di naman yun ang importante. Okay na sa akin na magkasama kami.

Sa tatlong buwan na pagstay ko dito, masaya naman kami. Kahit na umalis sila Tito para magpagamot ay tumatawag naman sila araw-araw. Magaling na rin siya kaya uuwi na sila ngayon.

Mabait ang mga Wong. Masayahin silang pamilya katulad namin ng pamilya ko. Kada sabado ay pinagluluto ko sila ng meryenda. Yun ang nagiging bonding namin ng mga kapatid niya.

Nagpabili na rin ako ng cellphone kay Deanna. Sila Mama lang ang nakakaalam ng number ko bukod sa mga tao dito.

Sabi ni Mama ay ilang beses na raw nagpupunta dun si Alexis. Nagmamakaawa daw sa kanila. Gusto daw akong makausap.

Sa totoo lang ay isang beses na rin niya akong ginulo dito. Tumawag siya sa number ni Deanna. Buti na lang at ako ang nakasagot.

Umiiyak siya sa akin. Sakto daw sana sa pagtakbo niya sa eleksyon ang preparasyon sa kasal namin. Galit na galit ako sa kanya nung sinabi niya yun!

Kaya niya lang pala ako niligawan ay dahil sa ambisyon niya sa pulitika. Ginagamit lang pala niya ko.

Buti na lang pala at bumalik si Deanna. Kung nagkataon wala pala akong kamalay-malay na papakasalan lang pala ako para ipangdisplay!

Agad kong pina-block kay Deti ang number niya sa phone ni Deanna. Baka kasi tumawag ulit at si Deanna ang makasagot.

Buti na lang may alam siya sa ganun. Ako kasi pagtawag at pagtext lang ang alam ko sa cellphone.

Bata pa kasi siya, halos kaedaran ko lang. Anak siya ni Manang Ising na mayordoma dito.








...









Nakaready na ang lahat at hinihintay na lang ang pagdating nila Tito at Tita.

Umakyat muna ako sa kuwarto para magpahinga.


















Mama calling...

Nagising ako sa pagtunog ng phone ko. Si Mama tumatawag. Tiningnan ko muna yung oras, 5:15 na ng hapon.






"Hello Ma?"



"Jema, buksan mo yung tv diyan bilisan mo!"


"Bakit po?"



"Si Alexis nagpainterview sa channel 7. Nagpapatalastas na! Pagtapos nun siya na ang ipapakita! Bilisan mo!"

Kinuha ko agad yung remote at ini-on ang tv.

Love TeamWo Geschichten leben. Entdecke jetzt