Chapter 15

4.1K 133 31
                                    

Jema




"Maam Jema, gising na po."

😑

"Maam Jema, pagagalitan po ako ni Miss Donna pag di pa kayo bumangon, sige na po please?"

😑


"Maam, dalawa po ang pinapaaral ko sa kolehiyo, tatlo sa high school at isang elementary. Kawawa naman po sila pag nawalan ako ng trabaho. Sige na naman po bumangon na kayo. 😭"

😞

"Andeng, tama na ang drama. Babangon na ko. Minsan talaga iniisip ko kung sino sa'ting dalawa ang artista eh."

Tuwang-tuwa siyang tumakbo papunta sa kusina ng tinitirhan naming condo. Naririnig ko na ang pag-ayos niya ng lamesa.

Pumasok na ko ng banyo. Naligo at sinuot ang bathrobe.

Pumunta na ko sa kusina. Sinasalin na niya ang kape ko sa tasa. Ganun kasi ang gusto ko. Yung mainit na mainit pa yung kape pag binigay sa akin.

Umupo na rin siya at kumain. Dalawa lang naman kami dito sa bahay kaya di ako pumapayag na di niya pa ko sasaluhan.

Si Andresia or Andeng ay all around personal assistant ko. Nirekomenda siya sa akin ng kadorm ko dati, si Kyla. Kamag-anak ng kasambahay nila, iniwan ng asawa, kargo sa buhay ang magulang, ang kuya na pangarap lang tumambay habambuhay, at ang anim na anak nito.

Mabait siya at mapagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay. Kahit pisong nakakalat sa bahay ko, pag nakita niya ay ilalagay lang sa isang tabi. Hanggang sa nung tumagal siya ay may nilaan na siyang bote na pinaghuhulugan niya ng mga nawawalis niyang barya.

Kahit mga alahas ko ay sinisinop niya at nilalagay sa kuwarto ko. Napapagalitan niya na nga ako minsan sa pagiging burara ko.

Dahil sa pagiging best PA niya ay ako na ang nagbabayad ng tuition ng dalawa niyang anak sa kolehiyo.

Wala na akong maitatago sa kanya. As in nagbibihis ako sa harap niya lalo pag nasa taping kami.

Apat na taon na siya sa akin. Limang taon na kasi ako sa showbiz. Yung unang taon? Puro trial and error ang inabot ko sa mga naging PA ko.

May magna cum laude, as in ninakawan ako ng isang buong sahod ko sa isang pelikulang nagawa ko. Nung inutusan kong magdeposit ng cheke ay hindi sa account ko dineretso. Puwede ko siya idemanda at ipakulong kaso di ko na ginawa. Ang nangyari tuloy, kahit di ko siya napakulong eh hanggang ngayon mantsa na sa pagkatao niya yung ginawa niya sa akin.

Galit na galit si Ate Donna nung ayaw ko magdemanda. Kaya ayun, sa interview na lang ako nagsalita about sa ginawa niya sa akin.

May suma cum laude din. As in ahas. Bayaran ba naman ng PA ni Vince para iframe up ako sa isang 'issue'. Si Vince Santos, yung counterpart ko sa boys sa The Next Big Thing, siya ang unang pinares sa akin para sa una kong teleserye.

Hayagan niyang sinasabi na nanliligaw siya sa akin pero di ko talaga siya feel eh. Ayun nadepress na yung PA para sa amo niya kaya gumawa ng plano.

Habang tulog ako sa tent ay tinawag si Vince. Sinabi na gusto ko daw siyang makausap. Eto namang si suma ay iniwanan kami. Para gumawa ng chismis n nagkukulong kami dun at kung anu-ano ginagawa namin.

Buti na lang yung driver ko, dating estudyante ni Papa. Alam nun na di ako nagpapapasok ng lalake sa tent ko. Kaya ayun hinarang niya agad. Ginising ako. Tapos yun, ang mga PA namin biglang dumating na may kasamang mga showbiz reporters sa tabloid.

Ang ending, sisante sila pareho. Pagkatapos nun ay si Mama muna ang sumama sa mga taping at mga commitments ko.

Nakakaawa si Mama nun kasi di niya kaya ang puyat.

Love TeamDove le storie prendono vita. Scoprilo ora