Chapter 20

5.2K 165 46
                                    

Jema



Bakit ganito?

Bakit ganito yung sitwasyon ko ngayon?

Ang gusto ko lang naman ay makapag-isip.

Nakahiga kami ngayon ni Deanna dito sa kama ko. Walang nagsasalita, nakatulala sa kisame.

Gusto niya na umalis kanina pagkarinig niya ng usapan namin ni Alexis. Pero pinigilan ko siya.

Niyakap ko siya para mapatahan pero naramdaman ko rin ang sakit na nararamdaman niya. Sinasabi ko sa kanya kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Malaya kong nailalabas ang bumabagabag sa akin.

Hindi tulad kay Alexis.

Sa boyfriend ko, nasa kanya ang lahat ng desisyon. Kung kelan kami magkikita, kung kelan kami mag-uusap. Kanina nga lang sinabi niya kung kanino kami magpapagawa ng trahe de boda eh. Kahit ayoko kay Oliver Tolentino dahil OA sa mahal ng gawa niya, sige lang.

Pero di naman kasalanan ni Alexis kung bakit ganito naging setup namin.

Wala talaga kasi akong alam sa pakikipagrelasyon.

Wala akong makukumparahan dahil siya ang una.

Kaya oo lang ako ng oo dahil alam kong di naman siya gagawa ng ikasasama ko.

Sa totoo lang parang feeling ko ako si Queen Elizabeth.

Pag sinabing United Kingdom siya agad yung maiisip.

Pero hindi siya ang nagpapatakbo ng bansa. Si Prime Minister Boris Johnson.

Si Alexis ang prime minister at ako naman si Queen Elizabeth.

Nasa kanya ang lahat ng desisyon.

At the queen's pleasure.

Para sa ikabubuti ko. Mas alam niya lagi kung ano ang mas mabuting gawin.

Kay Deanna, ang dali sa akin na sabihin kung ano ang opinyon ko.







For the first time sa relasyon namin ni Alexis, gumawa ako ng desisyon.

Tinawagan ko siya at sinabi ang totoong sitwasyon ko, ang nararamdaman ko.


Kaso, eto...

Bukas na bukas din ay papunta siya dito. Haharapin niya ako. Kami ni Deanna.

Ano nang gagawin ko?










Ayoko muna siyang makaharap!

Gusto ko ngang makapag-isip muna eh kaya ko nga siya tinawagan!















Gusto kong...


















Umalis? 😏😏😏


























Napabalikwas ako ng bangon sa kama.

Magugulatin pala si Deanna. Muntikang tumili sa gulat nung bumangon ako eh.

Nagsorry ako at pumunta sa closet room.








Hinanda ko muna yung susuotin ko.






Sneakers ✔
T-shirt ✔
Jacket ✔
Pants ✔
Pera?



Pumunta ako sa vault ko. Binuksan at kumuha ng cash. Buti na lang nagwithdraw na ako ng pangbigay sa Christmas. Kaso nga lang puro 50 peso bills to! Halagang 1 million na tig-si-singkwenta!











Love TeamDonde viven las historias. Descúbrelo ahora