Chapter 46

4.9K 176 32
                                    

Jema







Hala! Nagsidatingan sila lahat!

Kulang yung naluto ko!

Waah!

Akala ko si Ate Nicole lang eh.

Tumakbo agad ako sa kusina.

"Deti! Nandito sila Tita! Lahat sila dumating! Saing ka ulit bilis!"

Sabi ko habang chini-check yung manok sa oven.

Aabot ba ko sa oras?!

Paluto na tong dalawang manok na nakasalang. At ready na rin yung dalawa pa.

Pero kulang na kulang to eh!

Naalala ko sa bahay sa city, nung nagfried chicken ako. Kulang ang sampung chicken leg kay Deanna at Joseph pa lang!

Kinuha ko na agad yung mga manok na nakastock sa freezer. Apat lang kasi yung nakamarinate. Magdadagdag ako ng apat pa. Buti hindi naman masyadong tumigas yung manok. Nagmarinate ako agad-agad.

Binilin ko kay Deti at sa dalawa niyang kasama yung gagawin pag okay na yung nasa oven.

Habang kinukuha ko yung manok ay nakita ko yung mga white na toblerone sa ref. Bigay sa akin yun ni Deanna nung nakaraang linggo, nanggaling kasi siya sa city para bumili ng materyales . Nakita ko din yung strawberry na bigay sa kanya nung nagtatrabaho sa  canning.

Nag-init ako ng tubig sa dalawang pot.

Tinunaw ko yung toblerone sa isa, at kinuha ko yung nutella ni Deanna  at sinalang ko sa isa.

Kinuha ko din yung strawberry at hinugasan.

Kumuha ako ng mga wine glass.

Nilagay ko yung melted chocolates sa glass. Salit-salitan akong nagsalin sa baso. Bumuo ako ng stripes at naglagay ng ilang strawberries.

Okay na yung madaliang dessert!







Pagpunta ko sa sala pagkaraan ng isang oras ay nagtatawanan sila.
Masaya ako kasi si Deanna at Ate Cy ay mukhang ini-enjoy ang moment na buo ang pamilya nila.

Grabe! Pagod na ko pero okay lang!

"Dinner time na po!"

Tumayo na sila at nagpunta na sa kusina.

"Thank you Jema..."

Sabi ni Mommy pagdaan niya sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya.














At ayun na nga... 😅😅😅




Foodtrip sila eh...

Kamusta naman yung walong buong manok...

Hala...

Si Deanna, akala ko ba sawa na siya sa manok?

Ate Nicole diet ka diba? Sabagay di siya nagkanin. Diet pa rin bang matatawag yun? Yung inalis mo yung balat ng manok at di ka kumuha ng kanin pero halos sinolo mo yung isang buong manok?

Si Peter kinukuha yung balat na inaalis ni Ate Nicole. 

Si Ate Cy? Nakatingin lang siya sa mga kapatid niya. Nabubusog na siya sa tingin pa lang eh. Ansasarap kumain!

May pagkain naman siya pero halos di siya makakain.. Nakangiti siya ng todo habang tinitingnan mga kapatid niya.

Sila Tito at Tita lang yata ang kumakain ng maayos.


Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon