Chapter 8

3.5K 142 16
                                    

The Script

How to Break Your Heart
(part 1 of 2)


Mara(Deanna) and Sasha(Jema) were officemates sa isang BPO company. Two years in a relationship. For Sasha, Mara is every thing she hoped for. Si Mara ang forever niya. Kahit karamihan sa workmates nila ay asar kay Mara dahil sa pagiging bossy at masungit nito, for Sasha, iba si Mara. Nakikita niya ang kabaitan nito kahit di makita ng iba. She loves her so much.

Mara, is a no nonsense kind of woman. Lumaki siya na puro matatalino ang kasama sa bahay. A family of nerds. She grew up with a competitive family. Bawal ang slow. She took up Law but kulang sa finances kaya nasa BPO industry siya ngayon. Nagiipon siya para makabalik sa pag-aaral.

Sasha is an unplanned relationship. She never intended to fall in love pero nangyari na. Before, natutuwa siya sa mga kababawan at kakulitan ni Sasha. But as days went on, she feels different. She wants Sasha to be an intelligent person just like her.

Two years na sila pero wala pa ring progress. Sasha is in the same position two years ago. Mara was promoted twice. She was now managing the department where Sasha and her friends were working.

And Sasha and her happy go lucky friends are now getting on her nerves.

Today they are here in Palawan for the annual team building.

They are supposed to do what team buildings should do pero isang oras na wala pa sila.

Si Sasha lang ang andito dahil magkasama sila sa kuwarto. Maaga pa lang ay ginising na niya ito.

"Sasha, I will give you half an hour para gisingin sila. Pag wala pa sila dito ng 7:30, babalik na ko sa Manila at irereport ko sila sa itaas."

Sabi ni Mara.

Dali-daling tumakbo si Sasha at ginising ang mga katrabaho.

Natapos ang team building activities kahit inis kay Mara ang mga kaibigan ni Sasha.

Kinagabihan,

"Sasha, may party mamaya dun sa kabilang resort. May nakilala ako kanina, ininvite tayo. Kitakits tayo sa lobby ng 9pm ah."

Sabi nung isa.

"Magpapaalam muna ako kay Mara ha. Di pa ko sure. Pag wala ako ng 9pm, wag niyo na ko antayin."

Napasimangot ang mga kaibigan niya.

"Alam mo, toxic yang relasyon mo noh. Panira sa barkada yung relasyon na ganyan. Ayaw ka payagan lumabas, pati pagkain at pananamit mo, may rules. Loosen up Sasha! Two years nang di umiikot ang mundo mo dahil sa Jowa mong kamag-anak yata ni Marcos."

Sabi ng isa.

"Alam niyo, di naman mali yung mga sinasabi niya, yung sa pananamit, ayaw lang niya na mabastos ako. Yung sa pagkain, gusto lang niya healthy ako. Yung sa paglabas, ayaw lang niya mapahamak ako."

Pagtatanggol niya kay Mara.

"Naku Sasha wag mo na kami charotin ha, alam namin na ayaw sa amin ng Mara na yan. Gusto niya ilayo ka sa amin. Tapos ano? Pag ikaw iniwanan niyan sa kabila ng mga sacrifice mo, wag ka tatakbo sa amin na luhaan ha!"

Love TeamWhere stories live. Discover now