Chapter 28

5.2K 185 44
                                    

⚠ Warning ⚠





Jema








Dinaanan lang ako ni Deanna paglabas niya ng banyo.

Di niya ko pinapansin.

Gusto ko pa sanang tapusin yung palabas eh. Kaso alam ko nagtatampo siya.

Sabi ni Ate Nicole bata pa lang daw si Deanna takot na talaga sa mga horror at suspense.

Biniro daw nila minsan, pinilit nila pero bigla daw di makahinga. Napagalitan daw tuloy sila ni Tito.






Inaantok na rin kasi ako kaya umakyat na ko.

Pumasok na ko sa banyo para maligo.







Paglabas ko ng banyo ay nakahiga na siya.











😑





Inaantok na talaga ko.








Kinuha ko yung hair blower. Di ko na mahihintay matuyo yung buhok ko kaya mamadaliin ko na.











Maya-maya ay pinatay ko na ang ilaw at humiga na ko.








Mag-gu-goodnight sana ko kaso mukhang tulog na siya.






Haay,

Thank you Lord...

Ang daming nangyari ngayong araw na to. Pero unti-unti naman naaayos yung mga problema.

Kahit tampong pururot tong si Deanna sa'kin ngayon, alam ko namang love ako nito.

Bukas na lang ako magso-sorry.














"So..."










😨







Anubayan!

Nagulat ako biglang nagsalita si Deanna!

Akala ko tulog na siya eh!







"Love... Akala ko tulog ka na eh."

Sabi ko sa kanya.







"So kaya mong matulog kahit alam mong nagtatampo ako? Kahit goodnight kiss wala?"

Nagalit yata lalo!










"Sorry na Love. Akala ko kasi tulog ka na eh. Wag na magtampo okay?"

Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Hindi ko nakikita yung mukha niya pero alam ko galit siya. Hindi gumagalaw eh.

Hinihintay ko na magsalita siya pero...








Tinalikuran na ko!









...














"Antok na talaga ko Love, goodnight na ha?"

Pinaharap ko siya sa'kin at hinawakan ko yung mukha niya tapos hinalikan ko siya sa lips.











Love TeamWhere stories live. Discover now