Chapter 17

4.5K 184 31
                                    

Jema (1/2)




"Mama! I miss you po!"

Niyakap ko agad si Mama pagbaba ko ng sasakyan. Hindi naman lumilipas ang isang buwan bago ako makauwi ng Laguna. Three weeks ago lang yata nung huli akong umuwi. Nagkataon lang na katatapos lang ng taping ko at nagbirthday ako na di ko na naman sila kasama kaya ngayon kami magse-celebrate.


"I miss you din anak. Napagod ka ba sa biyahe? Tara kumain ka muna."

Inakbayan ko si Mama habang papunta kami sa kusina. Alas diyes pa lang ng umaga. Alanganin sa breakfast at lunch pero pinagluto na niya ako ng paborito kong Pork Binagoongan.




Nakahain na ang pagkain. Wala si Papa ngayon. Nasa school din siya dahil nagtetraining ngayon ang mga estudyante para sa interschool sports meet. Siya kasi ang namamahala nun. Hindi na kaya ng schedule ng mga sisters ko ang pagiging full time teachers at admin ng school namin na maisingit pa ang sports events.

At isa pa gusto ni Papa yun. Yung may ginagawa siya. Baka magkasakit lang daw siya pag nasa bahay lang lagi. Pinayagan ko na kasi minsan lang naman yung event kada taon.


Kami lang ni Mama ang kumakain. Si Kuya Dan, yung driver ko ay umuwi sa pamilya niya dito sa Laguna. Si Andeng ay pinauwi ko rin muna sa kanila sa Muntinlupa. 3 days ako dito mag-i-stay. Pahinga ko naman kasi ilang linggo akong puyat sa taping. At tapos na rin naman ang pelikula ko.

After ng pahinga ay promotions naman ang pagkakaabalahan ko.

Alam kong hinihintay ako ni Mama na matapos kumain. Binubusog niya muna ako bago gisahin.

Alam kong daig ko pa ang isasalang sa lie detector test mamaya.






Sinadya kong bagalan ang pagkain ko. Natatakot kasi ako sa mga itatanong niya sa akin.

After kasi magpropose ni Alexis, hindi pa niya ko nakakausap ng masinsinan. Hinintay niya talaga tong araw na to.



Nung time na nagpropose si Vince, masaya naman ako.

Masaya ako.





Haay...






"Jema, napakatagal mo naman kumain anak."

Haha di na napigilan ni Mama na magreklamo. Inip na inip na sa interrogation eh.




Maya-maya ay uminom na ako ng tubig. Niligpit ko ang pinagkainan ko at hinugasan. Pumunta kami ni Mama sa terrace.

Ito ang favorite spot ko dito sa bahay. Dito ako madalas magmuni-muni. Pinalagyan ko ito ng swing para masarap lalo tambayan.

"Sigurado ka na ba anak?"

Ang unang tanong ni Mama.





"Sigurado naman po Ma."

Sagot ko.




"Bawiin mo ang pagpayag mo sa alok niya."

Sabi ni Mama.




"Bakit naman Mama. Wag kayo mag-alala. Sabi ko kay Alexis ay isang taon pa bago kami magpapakasal. Mahaba-haba pa yung panahon Ma para maihanda niyo yung sarili niyo na mag-aasawa na ko."

Biro ko kay Mama.





Hindi siya ngumiti. Mas lalo pa nga yata siyang nainis sa sinabi ko.




"Una sa lahat Jessica, ang una kong tanong sayo ay kung sigurado ka na ba na magpapakasal ka, hindi maganda ang sagot mo. Kung simpleng 'OO' lang ang isinagot mo sa akin ay baka napaniwala mo pa ko. Pangalawa, kahit bukas ka magpakasal o sa isang linggo, okay lang yun kung nakikita ko sayo na mahal mo talaga siya."




Love TeamWhere stories live. Discover now