Chapter 5

4.1K 135 39
                                    

Jema





"Hi Jessica!"

"Hello po!"

Nahihiya kong sagot.

Tapos binilisan ko nang maglakad. Malelate kasi ako sa klase, Lunes pa naman ngayon. Simula nung sumali ako sa contest, nakilala na ako dito sa school. Pero hanggang ganun na lang ang gagawin ko ngayon, greet-greet lang. Kasi may kasunod ako laging cameraman. Nako-conscious ako. Baka sabihin feeling sikat na agad.

Oh yes, nakapasok ako sa top 30.

Nung 90 na lang kasi kami, more on paghasa ng talent yung mga naging challenge.

Yung mga task ay more on the three skills: acting, singing at dancing. Araw-araw may pinapalabas sila sa tv, yung before mag news sa primetime. TNBT Update. Ten minutes lang yun ineere.  Dun pinapakita kung pano namin pinaghahandaan yung mga gagawin namin sa live elimination.

Nung first week naming top 90, ni-reshuffle kami. Ako napunta sa acting. Tapos nagbawas sila ng 20.

Second week yung last na di pa nagagawa ng bawat isang natira. Kumanta ako nun. Okay naman kinalabasan kasi nakalusot ako eh.

Third week lahat na nung talent kailangang lumabas. Para siyang theater act. Ang hirap kasi bawal magkamali. Dapat lahat magawa mo ng tama. Halata agad ng manonood pag nagkamali ka.

Awa ng Diyos nakapasok ako ulit.

Eh diba nga kapalmuks na ko dati pa. At nanonood ako ng mga tutorial sa internet, kaya ayun.

Noong Sabado lang inannounce yung top 30.

Ginawa ko ang best ko sa lahat ng pinagawa nila.

Tapos all smiles ako lagi pag nakatutok sa akin ang camera.

Last week nagmeeting pa bago mag-uwian.

Sinabi nila kung sino ang malakas ang karisma sa tao.

Nagulat ako na isa ako sa binanggit nila sa babae.

Maganda raw ang rehistro ng mukha ko sa tv. Kaya dapat daw pagbutihin ko pa.

Nakabuo na rin ang mga tao ng fansclub ko.

Jemanatics.

Nag-umpisa yun sa Laguna. Kilala kasi ako dun sa palayaw ko talaga.

Jema. Hindi sa Jessica.

Grabe nung first live audition, pag-uwi ko tuwang-tuwa yung mga dorm mates ko. Tapos yung cellphone ko, panay ang tunog. Eh dati naman lumilipas ang araw na network lang nagtetext sa akin at yung NDRRMC lalo na pag may bagyong parating.

Ang pinakamasaya sa lahat ay ang pamilya ko.



"Anak? Jema ikaw ba talaga yon? Yung nasa tv? Sinabi lang sa akin ni Aling Basing, nasa tv ka daw at nakapasok ka sa contest."

Di makapaniwala si Mama. Ako din naman nagulat din na napili ako.

"Opo Ma, ako nga po iyon. Pasensya na po kung di ko agad sinabi. Baka kasi ipamalita niyo agad diyan sa'tin tapos hindi ako mapili. Nakakahiya naman po."

Sabi ko. Tama naman diba? Nakakahiya pag nabroadcast na nila dun tapos di ako makapasok. Naku! Baka di ako makauwi ng Laguna dahil sa hiya.


Ngayon top 30 na lang. Sabi nung mga staff at coaches, ngayon na raw mag-uumpisa yung mga totoong challenge.

Wala pa pala sa kanila yung mga pinagawa nila sa amin.

Love Teamحيث تعيش القصص. اكتشف الآن