Chapter 11

3.9K 152 36
                                    


Jema

🤔

Jema, bakit ka ba nagvolunteer?

.

..

...

Kasi crush mo siya may paisip-isip ka pa diyan...

Edi oo na!

Haaay

Tama ka inner self,

Crush ko siya.



Kahit alam mong di kayo magkalevel dahil rich kid siya.

Kahit alam mong ang sungit niya sayo.

Kahit ang baba ng tingin niya sayo.

Kahit iniiwasan ka niya.

Iniiwasan ko na rin naman siya ah?

Iniiwasan pero nagvolunteer kang maging partner niya? 😒



Kasi nga eh..

😢


Yaan mo na andito na to eh.

Wala ng atrasan.

Bakit kasi habang tumatagal kahit ang sungit niya di ko mapigilang magustuhan siya?


Mas bata siya sa akin pero bakit parang matured na siyang mag-isip?

May naging girlfriend na ba siya?

May experience na kaya siya?

😆

Shatap!

Bakit ko ba naiisip ang mga to!

Pagkabigay ng kanya-kanyang script ay sinama ng mga staff yung tatlong partners. May shooting na agad sila.

Kami baka bukas na daw. Depende kung maaga sila matatapos.

Nakita ko si Deanna na umakyat ng kuwarto. Dito na lang muna ako sa baba. Magpapahangin. Sayang naman ang view kung magkukulong lang ako.

Nakakita ako ng puno ng niyog na naka-slant. Puwede upuan yung trunk at natatakpan yun ng mga dahon.

Ang ganda niya. Ang sarap tambayan!

Pumunta ako sa puno at umupo.

Binasa ko yung script.


😐

😢

😭

Waah! Grabe naman!

Ang sakit naman nito!

Ngayon pa lang damang-dama ko na si Sasha!

Kaso...

Pwede ba kay Mara na lang siya ulit? 😜

Uso naman yung second chance diba?

Nagsisi na naman yung tao...



Nakalagay dito sa script na:

Isasadula ang balik-alaala...

Oh...

Saan na nga ba yung part na yun?



Kung paano namuo at yumabong ang kanilang matamis na pag-iibigan,


😊pano kaya to? Sulyapan muna o ligawan? Ahahay!




Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon