Chapter 22

5.3K 175 37
                                    

Jema







😪😪😪





Naiihi ako...





😪






Naiihi na talaga ako.




Unti-unti nang nagigising ang diwa ko.







Nasaan na nga ba ko?

Shooting?
Hindi. Dahil hindi ganito kalapad ang higaan ko sa van.

Condo?
Hindi pa ko nagising dun ng hindi ako kinakalampag ni Andeng.

Laguna?
Kinapa ko ang cellphone ko sa kama. Ganito talaga ako pag nagigising. Hinahanap ko agad yung cellphone ko para tingnan kung may text yung manager ko.

Kaso iba yata tong nakakapa ko eh.

Malambot.

Sinalat-salat ko pa lalo ng daliri ko.

May part na tumigas at may humawak sa kamay ko!

Napabalikwas ako ng bangon!





Si Deanna!

Napangisi ako nung nakita kong nakasalubong yung kilay niya.

Napatingin ako sa dibdib niya.

Nakatayo pa rin yung ano niya.




"Sorry."

Sabi ko.




Tumakbo na ko papuntang banyo.

Pagbalik ko umupo na lang ako sa kama.

Pero bigla niya kong niyakap kaya napahiga ulit ako.



"Good Morning Love..."

Sabi niya. Sabay halik sa buhok ko.



Ngumiti ako sa kanya. Nakatikom lang ang bibig ko.

Nako-conscious ako sa morning breath ko.

Inaalis ko yung yakap niya sa akin kaso ayaw niya.

"Hindi mo pa nga ko gini-greet back eh."

Tapos ngumuso siya. Ang lapit ng mukha niya sa akin!



"This is our first morning together but you haven't greeted me yet..."

Paano ko ba sasabihing nahihiya lang ako sa morning breath ko?

Inalis niya yung pagkakayakap niya sa akin at tinalikuran ako!

Hala...



Nagtatampo na si Love..

Love yata ang magiging term of endearment namin kasi yun ang narinig ko kanina sa kanya eh.

Tinakip ko yung comforter sa bibig ko.


"Good Morning din Love! Sorry na po! Nahihiya kasi ako. Baka mamaya bad breath ako tapos mahimatay ka bigla diyan."

Napaharap siya bigla sa akin.
Nakatakip pa din ng comforter yung kalahati ng mukha ko.

Inaalis niya pero nakahawak ako ng mahigpit!

Tapos bigla na naman siya tumalikod.

Ano ba yan!

Haay...

Tumayo na siya.

Tapos bigla niyang hinila yung kumot at hinagis sa couch.

Love TeamWhere stories live. Discover now