Chapter 7

3.6K 146 31
                                    

Jema




Sunday Night..

Live Elimination Day

Ninenerbyos ako ngayon. Lusaw na ang make-up ko. Andito kami ng isa kong kapwa hopeful sa stage. Tinawag na yung lalakeng natanggal.


Tapos nagcommercial break.

Okay naman ginawa ko ah! Bida role ang napunta sa akin. Isang take nga lang ako at pinuri pa ko nung kontrabida eh.



Matatanggal na ba ako?

Huhuhu 😫

"Nagbabalik ang Live Elimination round ng The Next Big Thing, the search for the future's multimedia star!

At ngayon nga ay dalawa na lang silang natitira, sino nga ba ang hanggang dito na lang ang journey sa paligsahang ito?

Ikaw ba Cristina Ruiz ng Albay?

O ikaw Jessica Galanza ng Laguna?"


Drum rolls...

Lord tapos na ba ang karir ko dito?

Umiiyak na ko!


"Ang pangalang una kong babanggitin ay ang magpapatuloy pa sa paligsahan.

Ikaw ay pasok pa rin sa hopefuls at may pag-asa pang makuha ang titulo...




Jessica Galanza ng Laguna!"



"Congrats...😢"

Sabi ni Cristina. Natakot ako dun ah! Akala ko matatanggal na ko!


Pag upo ko sa pwesto ng mga nakaligtas ngayon, katabi ko na naman si Deanna. Nakangisi siya sa akin.

Niyakap ako ng iba. Si Vince binigyan ako ng panyo. Tapos niyakap niya ako. Napahagulgol na ko dahil natakot talaga ako kanina. Nagulat naman ako kasi nagtilian ang mga fans na nanonood.

Tapos pinabalik na kami sa mga upuan.




Maya-maya pa natapos na ang palabas. Nagsipuntahan na kami sa dressing room para magpalit ng damit at umuwi. Bukas na lang daw sasabihin yung susunod na task.

Paglabas ko ng banyo, nakaupo si Deanna sa harap ng salamin.
Nilampasan ko lang siya pero

"Do you really thought na matatanggal ka agad? Narinig mo naman sabi last time diba? Ikaw ang crowd favorite. Baka nga ginawa lang yun na ikaw yung isang naiwan para lalo ka iboto ng fans mo."

Sabay ngising nakakaloko.

Aalis na sana ako pero may sasabihin pa pala siya.

"Use your brain sweety, gamitin mo to your advantage ang privilege na yun. Go out! Magpakita ka sa tao. Go the mall. Ganon ang ginagawa ng iba just to have votes. At ingat ka rin kay Vince. Maybe he's using you para makilala siya. You know, riding on to your fame."

Love TeamOù les histoires vivent. Découvrez maintenant