Chapter 34

4.5K 137 15
                                    

Jema






"Love..."

Si Deanna...


"Ano?"

Sabi ko.



"I need to poop."

???



"Bakit nagpapaalam ka pa?"

Sira-ulong to.. Nakita nang pagkain tong inaasikaso ko eh.



"Kasi..."

Di ko siya pinansin.




"Walang tubig!"

Ayun...




"Mag-igib ka. Malapit lang yung gripo.  Lakad ka pakaliwa. Makikita mo yung gripo nasa gitna. May naglalaba dun kanina pagdaan natin."

Sabi ko. Nakita ko kanina may mga nanay na naglalaba dun eh. Makikita niya yun agad.




Hindi pa din siya kumikilos.



"Ano ako mag-iigib?"

Tanong ko sa kanya.

Kinuha niya yung timba sa banyo at lumabas.

May dalawang bagong orocan na drum dito. Isa sa kusina at isa sa banyo. Bago rin yung mga timba, tabo, palanggana at batya.

Halatang pinabili lang ito nila Tito.

May water dispenser din at limang container ng wilkins.

Mahirap talaga ang tubig sa lugar na to. Ilan lang ang gripo dito, ilang bahay ang naghahati-hati.

May maliit na tv naman dito kaya may mapaglilibangan naman kami.

May sala set na gawa sa kawayan. May maliit na dining set, ilang kaldero, isang kawali, at iba pang gamit sa kusina.

Puro bago. Halatang bagong lagay lang ang mga furniture dito at bago ang mga gamit sa kusina.

Kagabi lang sinabi ni Tito yung challenge. Napakilos niya na agad yung mga tao dito para ihanda tong bahay? Ang bilis ah...

Ang catch lang dito, walang ref at washing machine.

So kailangang i-adobo ko tong pork para mas matagal masira. Bukas na lang namin to uulamin.

Ia-afritada ko yung kalahati ng manok ngayon at magtitinola ako mamaya.

Itong bangus ay imamarinate ko pang-daing. Kahit sa isang araw ko pa to lutuin ay okay lang.

Bukod sa kalahating sako ng bigas ay bumili rin ako ng mga gulay na puwede igisa, itlog, bawang, sibuyas at iba pang mga condiments.

Bumili rin ako ng kape, asukal at creamer, at ilang de lata.

Hindi ko alam kung hanggang kelan aabot ang mga pinamili ko pero kahit paano ay kuntento ako.

Wala ng isang libo ang natira kaya dapat tipirin ko to talaga.

Pag wala man lang kaming natirang limang daan bago mag-isang linggo ay magfafasting kami next week dahil wala kami pamalengke.

Sa batya dito sa gilid ng lababo ay may napakadaming detergent bar, powder at bleach. Parang excited yung bumili nito na makita kaming maglaba.

Papamigay ko na lang yung matitira namin pag-uwi.

Pawis na pawis na si Deanna. Umurong na yata yung ano niya. Tinuloy-tuloy na yung pag-igib eh.
Pinuno na niya yung nasa banyo at ngayon ay yung dito naman sa kusina.

Love TeamOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz