Chapter 38

4.7K 165 20
                                    

Jema






Uuwi na kami bukas!

Di ako makapaniwala!

Masaya ako na makakauwi na kami. Sabi ko na eh, malalampasan namin to ni Deanna.

May natira pa ngang 100 sa coin purse ko eh.

Paano kami nakasurvive?

Si Deanna kasi napagtripang tumulong sa mga bata na manguha ng seashells.

Nagpunta siya sa delikadong part ng tabing dagat.

Gusto ko ngang magalit sa kanya dahil dun eh.

Pero di naman daw pala totoo yung tsismis tungkol dun.

Yung namatay daw dun tatlong taon na ang nakakaraan, ay pinaniwalaan ng tao dito na nakagat ng isang uri ng lamang dagat na may lason.

Dun sa dulong bahagi ng tabing dagat  ay marami nun.

Kaya kahit mas maraming mga seashells sa gawing yun ay hindi sila dun pumupunta.

Si Deanna, na-curious kung ano ba yung kinakatakutan nila.

Nagpasama siya sa mga bata. Siya lang ang naglakad papasok sa lugar na yun. Hinintay lang siya ng mga bata dahil sa takot.

Buti na lang mahilig si Deanna sa mga ganun. Mahilig daw siyang manood ng Discovery channel. Marami siyang alam sa mga iba't ibang shellfish kaya nalaman niya na hindi totoong may lason yun.

Kinailangan pa niyang ipakita sa mga bata na hindi yun totoo.

Pinagapang niya daw sa kamay niya. Hindi nga rin daw nangangagat ng tao eh.

Kaya ayun, yung regular na 10 kilo na hirap na hirap mapuno ng mga bata sa maghapon ay naging madali na.

Sa sobrang tuwa nung mga bata sa kanya, ay may sinabi rin sa kanyang sikreto.

May parte yung dagat na pag nilangoy mo ng dire-diretso ay may isang malaking bato sa gitna.

Tuwing alas sais hanggang alas siyete ng umaga ay puntahan iyon ng mga isda, pusit at hipon.

Sikreto lang iyon ng mga batang kaibigan ni Joseph, yung bata na tinulungan namin.

Ang nangyari kasi ay parang si Deanna ang naging kapalit sa 'tropa', nung di pa makasama sa kanila yung batang naaksidente.

Araw-araw ay nagpupunta ang magkakaibigan na yun doon para kumuha ng sapat lang pang-ulam nila.

Nung maaksidente si Joseph ay hinahatidan nila ito ng nahuhuli nila. Pinapartehan pa rin nila ang kaibigan nila.

Napakasolid ng pagkakaibigan kahit mga Grade 6 pa lang.

Nagtutulungan, nagdadamayan.

Si Deanna ay tuwang-tuwa sa mga bata. Tinuturuan niya ang mga yun ng mga nalalaman niya  tungkol sa mga lamang dagat at marami ring natutunan sa kanila si Deanna.

Hindi raw nila pinagsasabi yung 'sikreto' nila lalo na sa mga nakatatanda dahil baka kumuha ng sobra at mabulabog ang mga lamang dagat.

Kaya ang nangyari, araw-araw kaming parang kumakain sa seafood restaurant.

Pinatikim ko si Deanna ng mga simpleng luto sa mga iyon.

Inihaw na pusit, sinigang na hipon, at kung anu-ano pa.

Nalibre kami lagi sa ulam. At lagi pang masaya si Deanna.

Nililigpit ko na ang mga gamit namin dahil di ko alam kung anong oras kami susunduin bukas.

Love TeamHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin