Chapter 45

5.3K 199 49
                                    

Deanna




Its been almost two months since we started the renovation of our house in Antipolo.

Maliit lang to compared sa bahay sa Talisay, one storey lang at dalawa lang ang kuwarto pero kasinglaki yata ng half ng basketball court ang bawat isa. There was a small separate house that serves as maid's and driver's quarters.

Sobrang luwag ng living room. Nung pinalitan ko yung mga couches ay kinailangan kong bumili ng tatlong similar sets. I had to buy the largest led tv para matched naman siya sa malaking space na to.

I had to reconstruct all the toilet and bath. Pinaayos ko na rin ang marble floor, I changed it into granite tiles.
I modernized the kitchen din para laging ganahang magluto at masarap lahat ng ihahain sa akin ng wife-to-be ko. I installed internet connection too.

In short ay halos pinagawa ko lahat. Yung foundation lang talaga ng mismong bahay ang original dito.

Masaya ako sa naging outcome ng renovation. Para siyang fusion ng old spanish because of the spacious areas at modern design dahil sa input ko.

Matutuwa si Dad pag nakita niya na to. I always heard how sad he was every time may ibabalita sa kanya yung caretaker about sa mga nasisira dito sa bahay.

He wants to do this pero he wants to supervise pag pinagawa niya.

This has a significant role to my father's legacy.

This is the house where my parents started dreaming everything.

This house was the witness of my parent's dreams for the future. Dito din nagspend ng childhood days yung mga ate ko.

Dito unang niluto ni Dad ang bottled tuna niya.

Dito sinabi ni Ate Cy kay Dad na gusto niyang ibili siya ng mall.

All those memories are so important for my family.




Sa city na sila nakatira nung pinanganak ako pero I love this house as much as my Dad do.






Sabi nila sinangla daw itong lupa na to decades ago sa mga lola ko. Hanggang sa binili na nang tuluyan ni Lolo dahil naisip niya na in the future ay magiging malaki ang value nito.

Tapos nung nag-asawa si Dad ay dito sila pinatira ni grandma.

Aside from the main house, I have to transform the stock house into a barracks. We brought eight bodyguards, isang driver at kasama din namin si Deti at dalawa pang kasambahay.

Ayaw na nga sana ni Love na magsama ng iba pang kasambahay eh. Okay na daw yung si Deti lang. Kayang kaya na raw nila yung gawaing bahay. Siyempre di ako pumayag.

Ayokong mapagod siya sa household chores.

Sa akin lang siya dapat mapagod. Wala ng iba. 😄









Haay,

All in a day's work. I am looking at my surrounding.

Malaki tong lupa ni Dad dito. Two hectares yata ito or more pa at nasa sentro pa ng Antipolo. Maraming gustong bumili nito to turn it into a commercial place dahil nasa gitna kami ng palengke, simbahan at high school pero walang balak si Dad na ibenta to.

A house that is situated in the center of a vast area. Hindi mo siya agad matatanaw sa gate dahil sa curved yung pavement papunta sa bahay at sobrang daming puno.

This place is so magical. There's a part that has green meadows with a brook on the center.

Madami ring puno dito na ilang daang taon na yata nakatayo.

Love TeamWhere stories live. Discover now