Chapter 39

4.9K 178 53
                                    

Deanna





If this is a nightmare, wake me up please? As in now!

It all happened so fast!

Pauwi na kami ni Jema sa amin after ng two weeks naming pagstay sa pabahay.

Nilalagay ko na lang yung mga gamit namin at seafood na nasa cooler sa trunk ng kotse.

Pagkasara ko ay biglang humarurot palayo!

Buhay ang makina ng sasakyan nung lapitan namin to ni Jema kaya nakaalis yun agad.

Tinted ang sasakyan kaya hindi ko gaanong nakita yung mukha ng nasa driver's seat.

What I knew was Manong Jerry was already inside. Na hinintay na lang niya kami sa loob ng sasakyan.

Hindi ko pa napaprocess sa utak ko kung bakit biglang pinaandar yun ni Manong Jerry ay nakita ko na siyang tumatakbo palabas ng compound.

Hindi nakabutones ng maayos yung polo niya at alalang-alala yung mukha niya.





"Si Jun-Jun yun Maam! Habulin natin yung sasakyan!"

And then it hit.

Yung puso ko parang matatanggal na sa sobrang takot ko.

Ang dami na ring tao na nandito sa labasan.

Bihira ang dumaraang four wheels dito kaya di namin alam kung paano mahahabol sila Jema.

Tumakbo ako papunta sa canning.

Kinalampag ko yung gate at isang security guard ang sumilip.

Tinulak ko yun ng malakas at pumasok sa loob.



"Hoy! Sino ka? Bakit big---"

"Tatay ko ang may-ari nitong pabrika. May reklamo ka?!"

Galit kong sabi sa guard at dumiretso ako papunta sa office. Wala pa dun si Alfred. Maaga pa kasi.





"Pahiram ng sasakyan."

Sabi ko sa supervisor na naabutan kong natutulog sa oras ng trabaho.

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago siya natarantang bigyan ako ng susi.



"Nasaan to?"

Tinuro niya sa akin ang isang lumang L300.

Tinakbo ko yun at agad ini-on ang makina.

Binuksan ng guard yung gate.

Pagtapat ko sa labasan ng compound ay sumigaw ang mga bata na nauna na raw sa akin si Manong Jerry.

Pinaandar ko na ng mabilis yung sasakyan.

Isa lang naman ang way kung gusto mo makalabas sa lugar na to eh.

Naabutan ko si Manong Jerry na nakasakay ng motor.

Binusinahan ko siya. Iniwan niya ang motor sa gilid ng kalsada at pumasok sa passenger seat.

"Sorry Maam! Di ko alam kung ano ang plano nila! Niloko ako ng asawa't anak ko! Kakausapin daw ako ni Lina kaya umuwi ako sa bahay. Tapos hiniram ni Jun-Jun yung susi. Bibili lang daw siya ng lechong manok sa kanto. Akala ko ay kakausapin ako ng asawa ko para sabihing titigil na siya sa masamang gawain niya!"

Umiiyak na si Manong Jerry.

Next time na kami maguusap.

Kailangan kong maabutan ang kotse.

Love TeamOnde histórias criam vida. Descubra agora